NAGKAROON ng komusyon sa mansion ng mga Altamero sa gabing iyon. Mahigpit na pinag-utos sa mga tauhan at sa mga katulong na huwag lumabas sa staff house ang mga ito.
Ang mga mag-asawang Altamero, Ricaforte, at Torres ay nagkulong sa loob ng malaking dining room kasama sina Matteo at Liwayway. May mga guwardiyang nakabantay sa labas ng pintuan upang masigurong walang ibang makakarinig sa kanila lalo na’t nagsisitaasan na ang kanilang mga boses.
“A-Aatakihin yata ako sa puso,” naiiyak na sambit ni Analisa na nakahawak sa dibdib at nahihirapang huminga. Nasa likuran nito si Leticia na asawa ng gobernador at pilit itong pinapakalma. “Paano mo nagawa sa amin ito, Liwayway? Ano ang naging pagkukulang namin sa iyo?”
Ang pinaka-ikinasasama ng loob ng mommy ni Liwayway ay nasaksihan ng gobernador at ng asawa nito ang lahat. Wala na itong mukha pang maihaharap sa mag-asawa. Parang sumisikip ang dibdib nito tuwing naiisip na nasira na ang perpektong imahe ng kanilang pamilya.
Bago pa man makapagsalita si Liwayway, kumuha ang ama niyang si Mayor Theodore ng isang baso ng tubig at malakas na isinaboy iyon sa mukha ng dalagang anak.
Napasinghap ang lahat ng nasa loob ng dining room.
“Theodore!” nanlalaki ang mga matang saway ni Gov. Ricardo.
Tuluyan nang nagising ang diwa ni Liwayway nang maramdaman ang napakalamig na tubig sa buong mukha at ulo niya.
“Ano? Lasing ka pa ba? Ha?!” sigaw ng mayor.
Napahagulgol si Liwayway. Hiyang-hiya siya sa nangyari. Hindi niya alam kung ano ang kademonyohang pumasok sa isip niya at halos ibigay na niya ang sarili kanina kay Matteo. Hindi niya rin maipaliwanag kung bakit niya napagkamalang si Garry ang kasama. It seemed like the alcohol in her system fully clouded her mind. Kung anu-ano ang pinaggagawa niya.
Kung puwede nga lang ay lamunin na lamang siya ng lupa sa ngayon. Hindi niya alam kung ano pa ang mukhang ihaharap niya sa mga magulang at sa lahat ng mga tao rito ngayon lalong-lalo na kay Matteo at sa best friend niyang si Bettina.
“Ngayon lang ako napahiya ng ganito sa buong buhay ko,” lumuluhang pahayag ni Analisa. “Pinalaki naman kita ng maayos, anak. Bakit mo ginawa ito?”
Napayuko si Liwayway habang patuloy na umiiyak. “I’m sorry, ma.”
“Sorry?!” Dumadagundong ang boses ni Theodore. “Alam mo ba kung ano ang ginawa mo, Liwayway?” Nanlilisik ang mga matang binalingan nito si Matteo. “At ikaw?! You took advantage of my daughter! Pananagutan mo ba siya?”
Namilog ang mga mata ng binata. “I did not do anything!”
Isang kamao ang tumama sa mukha nito.
“Theodore!” awat ni Gov. Torres na hinawakan sa braso ang daddy ni Liwayway.
Napahawak si Matteo sa gilid ng labi niya kung saan dumapo ang suntok ng mayor at may nakita siyang dugo roon. Napapikit siya ng mariin. Hindi nito alam kung anong bangungot itong nagyayari. Sana nga ay panaginip lamang ang lahat.
“Pag-usapan natin ng mahinahon ito, Mayor Altamero,” si Luis ang nagsalita. Nasa likuran nito ang asawang si Glenda na puno ng pag-aalala ang mukha lalo na’t nakita nito ang duguang mukha ng kanilang anak.
“Mahinahon?” mapang-uyam na tanong ni Theodore. “Madali lang sa inyong sabihin ‘yan dahil lalaki ang anak ninyo. Hindi kayo ang nawalan ng puri!”
“Well, this is year 2025. Hindi na big deal ito. Besides, naghahalikan lang naman ang mga bata. Wala naman talagang nangyaring—” Hindi na nito natapos ang sasabihin dahil nagulat ito sa akmang pagsugod ni Theodore. Bigla itong napaatras.
“Get out of my house!” bulyaw ng alkalde. “Get out of Santa Flores at huwag na huwag na kayong magpapakita pa ulit rito!”
Nanlaki ang mga mata ni Luis. “M-Mayor, please calm down. We can talk this out.”
Naningkit ang mga mata ni Theodore. “Pinalaki namin nang maayos ang anak namin. She is respected in our community. Nagtapos ‘yan na valedictorian sa elementarya at high school at mayroon siyang mga charity na tinutulungan. Bantay-sarado ‘yan ng kanyang mommy at hindi isang pakawalang babae. Tapos pagsasamantalahan lang ng g*go mong anak?!”
Mas lalong napaiyak si Liwayway.
Totoo ang ibang mga sinabi ng daddy niya pero mali rin ito dahil siya mismo ang naghubad kanina sa harap ni Matteo.
“That’s not true!” agad na tanggi ng binata. Pulang-pula ang mukha nito sa galit. “Bakit ako lang ang bini-blame ninyo sa nangyari? Bakit hindi ninyo tanungin sa magaling ninyong anak kung ano ang totoo?”
“Matteo…” nag-aalalang saway ni Glenda sa anak dahil baka mas lalo lamang magalit ang alkalde.
“No, mom. Hindi lang ako ang may kasalanan dito.” Hinarap nito si Mayor Theodore. “You speak as if your daughter is an angel. Pinipilit n’yo akong pakasalan siya dahil lamang sa simpleng halik. Do you even know that your perfect daughter has a long-time boyfriend since first year college?!”
Natutop ni Analisa ang bibig at muli itong nahimatay. Mabuti na lamang at agad itong nasalo nina Leticia at Liwayway.
Muling sinugod ni Mayor Theodore si Matteo ngunit mabilis itong napigilan ni Ricardo.
“Theodore… kumalma ka,” ani ng gobernador.
Nag-aapoy ang mga matang binalingan ng mayor si Luis. “Get out of here. Bitbitin mo ‘yang walang-hiya mong anak at baka mapatay ko pa ‘yan dito sa pamamahay ko.” Muli nitong tiningnan ang binata. “Wala kang karapatang siraan ang anak ko! Umalis ka dito! Umalis ka!”
Galit din ang mga mata ni Luis nang hilahin nito si Matteo palabas ng dining room. Nakasunod naman si Glenda na alalang-alala ang mukha.
“I’m sorry. I’m really sorry,” pahabol pa ng matandang babae bago tuluyang lumabas.
………….
ISANG malakas na suntok ang dumapo sa guwapong mukha ni Matteo nang makarating sila sa mansion ng mga magulang niya sa Makati City.
Hindi sila magkasamang umuwi dahil pinili niyang doon pa rin sa sarili niyang kotse sumakay bagama’t ang tauhan na nila ang nagmaneho niyon.
Sabay lamang silang dumating dahil nag-convoy sila. Ngunit pagpasok na pagpasok pa lamang nila sa loob ng bahay ay sinugod na kaagad siya ng ama.
“Luis! Ano bang ginagawa mo? Hating-gabi na. Matulog na tayo at bukas na natin pag-usapan ito,” halos mangiyak-ngiyak na wika ni Glenda sa kabiyak.
Naniningkit ang mga mata ng matandang lalaki habang nakatingin sa anak na ngayon ay dumugo ulit ang bibig.
“Hindi ba’t kabilin-bilinan ko sa ‘yo na siguraduhin mong makuha natin ang lahat ng permit para sa Starlight project? Pero ano’ng ginawa mo?! Ginalit mo ang mayor! Hindi ka na ba talaga magtatanda?”
Sunod-sunod ang paghugot ng malalim na hininga ni Matteo. Galit na galit siya ngayon sa nangyari. Siya pa tuloy ang naiipit sa lahat. Sana ay hindi na lamang siya pumayag na ihatid si Liwayway! Siya na nga ang nagmagandang loob, siya pa ang napahamak.
“Ito ang kauna-unahang project na ipinagkatiwala ko sa ‘yo, Matteo! But you failed me! You failed me big time. Paano mo mapapatunayan sa akin ngayon na karapat-dapat kang maging CEO ng Starlight?”
“Dad, aayusin ko ‘to.”
“How?!” Naglabasan na ang mga ugat sa leeg ni Luis.
“I-I’ll talk to the mayor. I’m sure nabigla lang siya kanina at—“
Dinampot ni Luis ang mamahaling figurine na naka-display sa sala at buong lakas na ibinato iyon sa sahig.
Napatili si Glenda at napapitlag naman si Matteo.
“You still don’t understand the gravity of this situation, don’t you?” Luis muttered through his clenched teeth. “Habang pauwi tayo, tinawagan ko si Gov. Torres para magpatulong sa kanya. Pero ang sabi niya, nag-iisang anak ng mga Altamero ang babae na ‘yon and there’s no way in this world that the mayor would just let this pass! Kahit si Gov ay wala na raw magagawa. It’s either you marry their daughter to save her honor and reputation, or we can just forget about the project in Santa Flores!”
Pumikit ng mariin si Matteo. His dad expected so much from this project. Ito ang kauna-unahang proyekto ng kompanya na ipinagkatiwala sa kanya kaya lahat ng board members ay nakatuon ang mga mata sa kanya. The success of this project signifies his competence as the future CEO of Starlight Adventures.
Hindi niya puwedeng basta-basta na lamang sukuan ito.
Ngunit isang katarantaduhan ang magpakasal sa anak ng mayor para lamang doon. May nobya na siya. May mahal na siyang iba.
Nang muli siyang dumilat, buong tapang niyang hinarap ang ama. “Then we’ll just let go of the project. I’m sure may mahahanap pa tayong ibang magandang location, dad.”
“Stupido!” bulyaw ni Luis na mas lalong namula ang mukha. Dinuro pa siya nito. “If you fail this project, then you will be a failure in the eyes of the board. Alam mo ba na marami-rami sa kanila ang mas boto sa pinsang mong si Kyle? Isang pagkakamali mo lang, puwedeng mawala sa ‘yo ang posisyon bilang CEO! Kahit pa gaano kalaki ang shares na hawak natin, they can still vote you out of the position!”
“But this is wrong! May girlfriend na ako, dad. Hindi ako magpapakasal sa ibang babae na hindi ko halos kilala.”
“Puwes, dapat inisip mo na ‘yan bago ka nakipaglampungan sa anak ni mayor! Hindi lang ang koneksyon natin sa kanila ang mawawala. The Altameros are well-known in politics hindi lamang sa Santa Flores kundi maging sa national level!”
“I still will not marry her!” giit niya.
“Fine.” Biglang naging napakalamig ng boses ni Luis. Tumango-tango ito habang naniningkit ang mga matang nakatitig kay Matteo. “Then consider yourself not part of this family anymore.”
Napaawang ang bibig ni Matteo habang nakasunod ng tingin sa ama niyang nagsimula nang tumalikod at tinungo ang hagdan kasama ang kabiyak.
Ni hindi magawang gumalaw ng binata. Tama ba ang narinig niyang sinabi nito? Itatakwil siya ng sarili niyang ama kapag hindi niya pinakasalan si Liwayway?
B*llsh*t!
Madilim ang mukhang kinuyom niya ang mga palad.