Chapter 7

1352 Words
HALOS walang ibang ginawa si Liwayway sa mga sumunod na araw kundi ang umiyak nang umiyak sa loob ng kanyang silid-tulugan. Halos lumuhod na siya sa harap ng mommy niya at sinabi rito na kung gusto ng mga ito na magpakasal siya ay doon na lamang kay Garry na matagal na niyang nobyo. Ngunit sinampal siya nito dahil mas lalo lamang daw niyang pinapahiya ang sarili at ang pamilya nila. Bukod daw kasi sa pagkakaroon ng kasintahan, ay lumalandi pa siya sa iba. Kaya naman ikinulong siya nito sa kuwarto. Bawal siyang lumabas hangga’t hindi siya naikakasal sa susunod na buwan. Na-confiscate din ang kanyang cellphone at laptop kaya hindi man lang niya makausap sina Bettina at Garry upang makahingi ng tawad sa mga nangyari. Hindi niya alam kung paano napapayag si Matteo na ikasal sila. Ang nabalitaan na lamang niya ay inaasikaso na raw ng mga magulang nila ang lahat at maraming inimbitahang mga bisita. Kaya sigurado siyang nakarating na sa best friend niya at sa boyfriend niya ang lahat. Isang beses lang siyang nagkamali sa buhay niya pero heto’t panghabang-buhay ang kaparusahan. Parang siyang pinagsakluban ng buong mundo. Kasalukuyan siyang umiiyak habang nakatingin sa labas ng bintana nang bumukas ang pinto at pumasok ang kanyang ina na may kasamang dalawang babae. “Ayusin mo ang sarili mo,” matigas nitong sabi. “You will have your prenup photoshoot downstairs. Kailangan na nating maipadala ang mga imbitasyon dahil halos tatlong linggo na lamang ay kasal mo na.” Tumulo ang mga luha niya. “Ma, please…” Tiningnan siya nito ng masama. Dati pa man ay takot na siya sa tingin pa lamang ng mommy niya. Hindi ito namamalo pero kilalang istrikta ang kanyang mommy lalo na pagdating sa pagdidisiplina. Kaya nga bata pa lamang siya ay napaka-behave na niya. Labag sa kalooban na tumayo si Liwayway at pumasok sa banyo para mag-shower. Pagkatapos ay tinulungan siyang magbihis at mag-ayos ng dalawang staff na nagpakilalang stylists. Isang simple at eleganteng blue cocktail dress ang pinasuot sa kanya at napakanipis lamang ng koloreteng ipinahid sa kanyang mukha. Nang bumaba siya sa library, nandoon na ang photographer at naka set-up na rin ang studio lighting dahil doon mismo gaganapin ang photoshoot nila na gagamitin para sa kanilang wedding invitation and announcement. Bukod sa malaki, stylish and luxurious ang library ng mga Altamero dahil doon sila madalas tumatambay. Lahat kasi sila ay mahilig magbasa ng libro. May mga malalambot na sofa na gold-trimmed ang gilid at isang malaking antique chandelier sa itaas. Aakalain mo ngang nasa loob ka ng palasyo sa France. Muntik nang mainip si Liwayway sa paghihintay dahil halos kalahating oras bago dumating si Matteo. His face was so serious when he walked in. Nakasuot ito ng cream-colored suit at brown na leather shoes. Hindi maikakailang napaka-guwapo nito. Nakita pa nga ni Liwayway na kinikilig na napangiti ang dalawang babaeng staff na nag make-up sa kanya kanina. Ang isa ay napakagat-labi pa. Ano pa kaya kung makita ng mga ito ang tinatago ng lalaki sa gitna ng suot nitong pantalon? Napatuwid ng upo si Liwayway. Ano ba naman itong pumapasok sa isip niya? Erase, erase, erase! Madilim ang mga matang lumapit sa kanya si Matteo. May inilapag ito sa maliit na table sa tabi ng kinauupuan ng dalaga. “Your engagement ring,” malamig pa sa yelong sabi nito at saka naupo sa kanyang tabi. Atubiling kinuha ni Liwayway ang maliit na box at binuksan iyon. Hindi niya inasahan na bibigyan pa siya ng lalaki ng singsing dahil biglaan naman ang lahat. Wala namang nangyaring proposal at napilitan lamang sila sa sitwasyong ito. “That’s my grandmother’s ring,” biglang paliwanag ng lalaki. “Isuot mo raw para sa prenup shoot para walang masabi ang mga tao.” Tumango na lamang siya. Ibig sabihin ba niyon kailangan niyang isauli ang singsing pagkatapos nito? Props lang pala ‘yon para sa picture nila? Bumuntong-hininga si Liwayway. Ilang beses niyang in-imagine noon ang magiging wedding proposal sa kanya ni Garry pagdating ng panahon kapag handa na sila pareho na magtayo ng sarili nilang pamilya. Bigla siyang nanghinayang na hindi man lang niya mararanasan iyon. Walang lalaking luluhod sa harapan niya para magbigay-alay ng singsing bilang simbolo ng kanilang pag-iibigan. Hindi niya mararanasan ang umiyak dahil sa tuwa at excitement habang sinusuot ang engagement ring. Naglaho na ang lahat ng kanyang mga pangarap. Hayun nga at nilapag lamang ni Matteo sa gilid niya para wala raw masabi ang mga tao sa ire-release nilang pictures. Malungkot ang mga matang tumingin siya sa photographer nang tawagin nito ang atensiyon nilang dalawa. “I need you both to smile,” utos nito habang nakatingin sa screen ng camera. “Ngumiti pa kayo. Iyong ngiti na parang in love na in love talaga. Wedding engagement shoot ito, ha? Hindi funeral.” Saglit itong naghintay at nang wala talagang makuhang magandang ngiti sa kanila, bumuntong-hininga ito. “Fine, we’ll settle for a Monalisa smile. Mukhang mahiyain kayong dalawa,” wika nito na ang tinutukoy ay ang sikat na painting kung saan tipid ang pagkakangiti ng babae. Wala itong kaalam-alam na hindi sila mahiyain, kundi napipilitan lamang. Pagkatapos ng ilang click ng camera, muli itong nagsalita. “Okay, try n’yo namang mag holding hands. But make sure makikita sa camera ng singsing.” Natigilan si Liwayway at saka napatingin kay Matteo. Nakita niya ang pagbuga nito ng hangin bago kinuha ang kamay niya. Matteo’s palm felt so warm and comfortable. Kahit lasing na lasing siya noong gabi na may nangyari sa kanila sa kotse, hindi niya makakalimutan ang init ng katawan nito at ang kiliting hatid niyon sa kanya. Hindi man niya ito nakilala nang mga sandaling iyon, tanda niya ang bawat haplos at bawat halikang pinagsaluhan nila. Tumikhim siya dahil kung saan-saan na naman siya dinadala ng sariling isipan. “Ms. Lia,” tawag-pinsan ng photographer kapagkuwan. “Puwede bang maupo ka rito sa single couch at ikaw naman Sir Matteo, tumayo ka sa likuran ni Ma’am tapos yakapin mo siya.” Bumuntong-hininga muna siya bago sumunod sa utos ng photographer at si Matteo naman ay napatiim-bagang. Ngunit sumunod din naman agad ito. Halos hindi makahinga si Liwayway nang maramdaman niya ang pagyakap sa kanya ni Matteo mula sa likuran. She felt so awkward. Pakiramdam niya ay naninigas ang katawan niya. Parang ang weird isipin na yakap-yakap siya nito samantalang kaibigan nila ang kasintahan ng isa’t isa. Halos hindi nga sila magpansinan noon sa loob ng apat na taon nilang magkakilala, pero ngayon, ikakasal na sila. Ang galing talaga magbiro ng tadhana. “Sir, kunin mo naman ang kaliwang kamay ni Ma’am at—” “I think you’ve got enought shots already,” iritadong putol ni Matteo. Kumalas na ito sa pagkakayakap sa kanya. “Ilang pictures ba ang kailangan mo para sa isang letcheng imbitasyon?” Gulat na nagkatinginan ang photographer at ang dalawang stylist. “G-Gusto kasi ni Madam Analisa na maraming mapagpilian para—” “Out.” Bigla nitong itinuro ang pintuan. “Get out!” Dali-daling kinuha ng photographer ang camera nito at ang tripod saka lumabas kasama ang dalawang staff. Iniwan na ng mga ito ang lighting set-up sa kamamadali. Napatayo na rin si Liwayway para lumabas na rin, pero bigla siyang pinigilan ni Matteo sa braso. “Where do you think you’re going?” brusko nitong tanong at halos bumaon na ang mga daliri sa maliit na braso ng dalaga. Sindak na tiningnan niya ang lalaki. Nag-aapoy ang mga mata nito sa galit. “Hindi pa kita nakakausap sa ginawa mo,” wika ni Matteo na nagtatagis ang mga bagang. “M-Matteo…” Naramdaman niya ang panginginig ng boses at ng mga tuhod. Ngayon niya lamang nakitang nagalit nang ganito ang lalaki. Napakalaki pa naman nitong tao. Halos lamunin na siya nito nang buhay. “N-Nasasaktan ako.” Marahas siya nitong binitawan at saka nito tinungo ang pintuan. Nakahinga nang maluwang si Liwayway dahil buong akala niya ay aalis na ito ngunit ni-lock lamang nito iyon at muli na siyang binalikan. Nang humarap si Matteo sa kanya, nag-aapoy ang mga mata nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD