Chapter 20

1344 Words

“MAGTAPAT ka nga sa akin, iha. Ano ba talaga ang nangyari kahapon at bigla ka na lang umuwi?” Napatigil sa pagsubo ng pagkain si Liwayway at saka nag-angat ng mukha kay Lola Estrella. Sinasabi na nga ba niya. Uungkatin nito ang dahilam kung bakit nagmamadali siyang umalis ng Starlight main office kahapon. Ngunit may nakahanda na siyang dahilan. Kumakain sila nito ng agahan sa hardin dahil gusto raw nitong magpaaraw. Maaga pa. Wala pang alas siyete ng umaga ngunit iyon na ang nakasanayan ni Lola Estrella dahil gumigising ma ito ng madaling araw. “Pasensya na po, Lola. Sumakit kasi ang tiyan ko. Ayaw ko namang doon sa office mag CR. Nakakahiya.” Nagsalubong ang mga kilay nito. “Bakit hindi mo na lang ako hinintay? At bakit hindi mo iniwan man lang ang pagkain ni Matteo. Bigla-bigla

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD