“GET UP!” Nang magmulat si Liwayway ng mga mata, madilim na mukha ni Matteo ang agad niyang nakita. Nakaluhod ito sa kanyang tabi at nag-aapoy ang mga matang nakatingin sa kanya. “I said get up!” ulit nito. “M-Matt—” Hindi pa man tuluyang nagigising ang diwa niya ay bigla na lamang siya nitong binuhat at inilabas ng walk-in-closet. “M-Matteo, ano ba?” takot at lito niyang sambit. Pakiramdam niya ay disorganized pa ang kanyang utak kaya’t hindi niya ma-process ng husto ang nangyayari. Ang alam lamang niya ay buhat-buhat siya nito papunta sa banyo. Marahas siya nitong ibinaba sa malaking shower enclosure at napatili na lamang siya nang buksan nito ang tubig doon. Hindi pa iyon natitimpla sa tamang temperatura kaya malamig na malamig na shower ang tumama sa balat niya. “Matteo!” N

