Chapter 18

1258 Words

WALANG tigil ang iyak ni Liwayway habang nakasubsob ang mukha niya sa dalawang palad. Si Garry naman ay hindi umiimik habang tinitingnan siya. Madilim ang mukha nito habang hinihintay nito na mailabas niya ang lahat ng sama ng loob. Kasalukuyan silang nasa rooftop ng gusali. Doon siya dinala ng binata dahil walang ibang tao roon sa ganoong oras. Halos kalahating oras din siyang umiiyak bago niya nagawang mag-angat ng mukha at tingnan ito. Pagkalipas ng mahigit isang buwan simula nang huli niya itong makita, hindi niya alam kung ano ang sasabihin kay Garry o kung papaano ito haharapin. Hindi niya inasahan na ipagtatanggol pa pala siya nito sa mga barkada nito at kay Matteo. “S-Salamat, Garry.” Mugto na ang mga mata niya at namamaga rin ang mga labi at namumula ang ilong. Ganoon siya

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD