“YOU will always be a kabit in our eyes. Wala kang lugar dito. B*tch.” Sunod-sunod ang paglunok ng laway ni Liwayway habang tinitingnan niya ang pinsan ni Matteo na dahan-dahang lumayo sa kanya, ngunit naglalaro pa rin ang nakakalokong ngiti sa mga labi nito. Gustong maiyak ni Liwayway. Alam niyang sa paningin ng iba ay siya ang kontrabida sa relasyon nina Matt at Bettina. Siya ang mang-aagaw. Siya ang ahas. Kaya nasasaktan man siya ay hindi niya tuluyang masisi ang mga itong magalit sa kanya. Matagal na panahon na si Bettina ang kinikilala nilang girlfriend ni Matteo. Pero heto’t sa isang iglap lang ay siya na ang asawa. “Mira!” Agad na lumingon si Liwayway nang marinig ang boses ni Matteo. He looked so handsome in his midnight blue suit. Program manager pa lamang ito sa ngayo

