SA SUMUNOD na mga araw, minsan na lang makita ni Liwayway si Matteo sa bahay. Bumalik na ito sa trabaho at dahil maraming inaasiko para sa bagong itatayong amusement park sa Santa Flores, gabing-gabi na ito kung umuwi. Hindi na lamang nilo-lock ni Liwayway ang pintuan ng walk-in-closet para hindi siya maistorbo sa pagtulog kapag aalis ang lalaki o kapag nakauwi na ito. Minsay ay nagigising siya kapag magbibihis ito at palihim niyang tinitingnan ang lalaki. Maganda talaga ng built ng pangangatawan ng kanyang kabiyak. Hindi niya alam kung nag-gy-gym ba ito dahil maskulado ito at parang ang lakas-lakas. Kaya nga nanginginig siya sa takot kapag nagagalit ito sa kanya. Baka isang pitik lang nito, tatalsik na siya papuntang moon. Ngunit kapag naghuhubad ito sa harapan niya para magbihis, h

