NANLAKI ang mga mata ni Liwayway nang lumabas siya ng banyo na hubo’t hubad at sakto namang pumasok si Matteo na mukhang galit na galit. Ngunit bigla itong natigilan nang makita ang itsura niya. Tiningnan pa siya nito mula ulo hanggang paa habang nakakunot-noo. Hindi niya nadala kanina sa banyo ang kanyang damit-pantulog at tuwalya kaya’t lumabas siyang basa at walang damit na suot. Nawala na sa isip niya kung naka-lock ba ang pinto o hindi. Malay ba niyang bigla palang papasok ang lalaki ngayon! Eh ito nga ang nagtaboy sa kan’ya sa kanina sa master’s bedroom, ‘di ba? “Matteo!” Hindi niya alam kung ano ang unang tatakpan. Ang dibdib niya o ang hiwa sa pagitan ng kanyang mga hita? Tarantang napatakbo siya pabalik sa banyo ngunit napatili na lamang siya nang bigla siya nitong hatakin s

