bc

The Gangster And The Princess

book_age16+
8
FOLLOW
1K
READ
others
badboy
goodgirl
princess
gangster
sweet
bxg
campus
coming of age
friendship
like
intro-logo
Blurb

Every love story has a Prince and Princess,

But this story is about a Gangster who is destined to fall in love with a Princess.

***

Zack Alvarez is a famous gang leader of the Dark Angel Gang. He is well known because of his looks and his cold aura.

And Princess Ashley Roswell is like a real Princess in her family.

What will happen if they meet?

Must read this to find out.

chap-preview
Free preview
CHAPTER 01
THIRD PERSON POV Ang Dark Angel gang ay binubuo ng seven members, kung saan si Zack Alvarez ang leader ng grupo. At sa dami ng gang fights na sinalihan nila ay never pa silang natatalo. At nandito ngayon sa isang lumang warehouse ang Dark Angel Gang dahil sa isa na namang gang fight kung saan kalaban nila ang Bloodshed Gang. Seryosong pinapanood lang ni Zack ang grupo niya na nakikipaglaban habang siya ay prenteng nakasandal lang sa kanyang bagong biling black Porsche car. After a few minutes ay natapos din ang laban, and as predicted ay ang Dark Angel Gang na naman ang nanalo. "Masyado nyong pinatagal ang laban. Samantalang ang hihina lang nila" komento ni Zack sa kaniyang grupo. "Sensya naman boss" napakamot na lang si David dahil sa komento ni Zack. "Next time, I will punish you all kapag pinaghintay niyo ulit ako ng matagal sa isang walang kwentang laban" seryoso nitong sabi. "Yes boss" sabay sabay na sagot ng anim. Napakamot na lang sa ulo ang Dark Angel Gang sa reklamo ng leader nila. Sobrang ayaw kasi ni Zack ang naghihintay kahit na ilang minuto lang. "And don't create anything stupid fights at least three days while I am not around" "Saaan ang punta boss?" Tanong ni David. "Korea" tipid na sagot ni Zack "Anong gagawin mo dun boss" curious na tanong ni Ken na agad sinamaan ng tingin ni Zack "Sabi ko nga at hindi na ako magtatanong eh, hehe" "David, ikaw muna ang bahala sa grupo habang wala ako" bilin ni Zack kay David. "Don't worry boss, akong bahala sa mga ugok na to" Si David Perez nga pala ang nagsisilbing pangalawang leader ng Dark Angel Gang. Pinakamatanda ito sa grupo at masasabing pinaka matured sa kanilang lahat. Kapatid naman nito si Ken Perez na siya namang pinaka makulit at pinaka immature sa grupo. Si Liam Santiago ang Cassanova. Sa sobrang hilig sa babae ay halos araw-araw ay iba-iba ang mga babae. Si Jiro Park ang Einstein naman ng grupo. Siya ang pinakamatalino at pinaka mahilig mag inbento ng mga ibat-ibang bagay. Si Jared Rodriguez ang cook ng grupo. Siya lang kasi ang may pinaka maraming alam lutuin. Hilig nito talaga ang magluto, siguro dahil sa mga restaurant ang business ng pamilya nya. Si Kyle Falcon naman ang Mr. Perfect na ayaw na ayaw sa makalat, magulo at madumi gusto nito ay laging nasa ayos ang lahat. "O sige aalis nako. Just contact me if there's something wrong" paalam ni Zack bago sumakay sa kotse. "Okay boss" ** ZACK'S POV "Hello, dad. Yes, I'm already in Korea. What? Kadadating ko lang sa Korea tapos pupunta na agad ako sa school mo? Oo na sige na pupunta nako. tss" inis kong pinatay ang tawag. Halos kakababa ko lang ng eroplano pagkatapos ay trabaho agad. Nakakainis ang matandang huklubang yun. I'm just eighteen years old pero gusto na niyang ako ang mag manage sa school na ipinatayo nya dito sa Korea. Kung bakit naman kasi dito sa Korea pa nagpatayo ng school kung pwede naman sa Pilipinas na lang? Kung hindi lang talaga dahil sa panakot nito na kukunin niya lahat ng mga credit cards ko ay hindi ako susunod sa kanya. ** ASHLEY'S POV Annyeonghaseyo! I'm Princess Ashley. Senior high school na, and I'm studying here in Korea, and two months na lang at graduate nako. My parents are both in the Philippines together with my two older brothers. Doon kasi naka base yung business namin. Doon na din nag aaral ng college ang mga kuya ko. Actually dapat ay sa Pilipinas din ako mag aaral, kaso ang grandparents ko which is parents ng daddy ko ay nag drama na wag muna daw akong isama sa pag-alis nilang Korea. Pag college na lang daw ako tsaka na lang ako umuwi sa Pilipinas. Okay lang naman sakin kasi spoiled ako kina lolo at lola. I can always get what I want. Kahit ano pa iyan basta sabihin ko lang sa kanila. Tons of people naming me a spoiled brat, but I don't mind at least maganda ako. Nandito ako ngayon sa school, at ako nga pala ang 'campus princess' dito. Why? Maybe because I am beautiful? Naglalakad ako papuntang cafeteria. Nagtaka pa ako ng makita ko ang mga mga schoolmates ko na parang sobrang kilig na ewan. At ng tignan ko yung tinatanaw nila. Wow! as in wow! Mayroon kasing isang adonis na naligaw ata sa school namin. Hindi ito naka uniform kaya malamang ay hindi sya estudyante dito. O baka naman new student? Medyo strange nga lang, kasi ang cold ng dating niya. But if you will look at his face, I'm sure that you are gonna drool because of his handsomeness. He looks like a celebrity. And when his eyes met mine, my heart beats rapidly, three times faster than normal. Kaya naman agad akong napaiwas ng tingin. At tuloy na akong naglakad papuntang cafeteria. I'm already here in the cafeteria with my two friends, they are Nadi and Kim. Kim is pure Filipino, while I and Nadi are both half Filipino-half Korean. While eating Nadi and Kim are talking about dun sa guy na pinagkakaguluhan sa labas. Zack Alvarez pala ang name nun, eighteen years old at second-year college. Nag-iisang anak ito ng may-ari ng school na ito. At leader daw ito ng isang sikat at kinakatakutan na gang. And if you guys are wondering kung paano ko nalaman iyon, well itanong niyo kina Nadi at Kim. Sikat daw kasi iyon. "Oh my gosh! I still can't believe na nakita ko na talaga si Zack Alvarez. Tama nga iyong mga pinsan ko na nasa Pilipinas. He is handsome to the max, as in!" exaggerated na sabi ni Kim. "You're right Kim, and he looks so yummy pa" malanding sabi naman ni Nadi. "Ilan kaya abs niya?" "Alam niyo, ang perv nyo" sambit ko sa kanila habang ngumunguya ng pagkain. "Ano ka ba naman Ash, we're just stating the reality" maarteng sabi ni Kim. "Whatever," I said as I rolled my eyes. "Haha, ang cute mo" Si Nadi. "I'm not cute. Cute is only for poodles" reklamo ko habang naka nguso. "Yeah sabi mo e" Habang nag-uusap kaming tatlo ay pinagtitinginan kami. Kasi naman po ay nasa Korea kami tapos nagta tagalog kami. Kaya tuloy para kaming mgs alien na pinagtitinginan dito. Hindi kasi nila kami maintindihan. 90% kasi ng mga estudyante dito ay mga Korean. 3% naman ang may dugong Filipino. Tapos yung remaining 7% ay ibang mga lahi na. After ng break ay pabalik na sana kami sa room namin ng biglang may isang teacher ang inutusan kaming tatlo sa gym para daw ibigay ang isang folder sa coach ng team namin. Kainis! bakit ba kasi ang mga teacher ang hihilig mang utos? Pagdating namin sa gym ay nagpa-practice ang team ng school namin. Madami rin ang estudyante ang nanonood, ang hot naman kasi ng mga varsity players namin e. Pero pansin ko lang, mukhang hindi lang yung mga varsity players ang pinagkaka guluhan. Kaya naman pala, nandito sa gym ang anak ng may-ari ng school, at pinapanuod nya ang laro. Ang serious masyado ng mukha niya. Pero grabe, ang gwapo nya! Pagkabigay namin sa folder ay aalis na dapat kami, ang kaso lang pagtalikod ko ay bigla akong natamaan ng bola sa ulo, oh s**t! Dahil sa sakit ay napa upo na lang ako bigla. "Oh my gosh, Ashley are you okay?" Sabay na tanong sa akin nina Nadi at Kim. Lumapit silang dalawa sakin. Nagtanong pa, hindi ba obvious na nasaktan ako? Umiikot nga ang paningin ko eh. Naalog ata ang utak ko. "Miss, are you okay?" Pagtingin ko sa sunod na nagtanong ay si Zack Alvarez. Grabe ang gwapo niya sa malapitan. Yung mukha niya sobrang worried habang nakatingin sakin. At dahil na speechless ako ay napailing na lang ako sa tanong nya. "Okay, I will bring you to the clinic. Can you walk?" Napailing na lang ako sa tanong nya, ang lapit nya kasi masyado. Hindi makapag process ng maayos ang utak ko. And the next thing I realize ay binuhat na niya ako. Narinig ko pa nga na napa singhap ang mga tao sa gym dahil sa ginawa ni Zack. "Hey, put me down" bigla kong sabi dahil sa gulat. Hindi ko inasahan bubuhatin niya ako. "Tss. You said that you can not walk, so how can I take you to the clinic if I will not do this?" Seryoso nitong tanong kaya natahimik na lang ako. Okay, may point siya dun. *** Hazlyn Styles

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Desired By The Hockey Captain Alpha

read
6.2K
bc

Alpha's Instant Connection

read
650.6K
bc

The Luna He Rejected (Extended version)

read
611.3K
bc

A Hot Night After Divorce

read
91.1K
bc

His Unavailable Wife: Sir, You've Lost Me

read
10.2K
bc

Secretly Rejected My Alpha Mate

read
35.5K
bc

Claimed by my Brother’s Best Friends

read
816.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook