Rio’s POV Hindi ko malaman ang susunod na gagawin nang mapagtanto kong lumapat na ang labi ko sa gilid ng labi niya. Hindi niya ako pinigilan o itinulak, kaya naman naguguluhan ako kung ipagpapatuloy ko ba ang paghalik sa kaniya. Huli na para bawiin ko dahil ramdam na ramdam ko ang lambot ng balat niya. Nang marinig ko siyang lumunok ay kaagad kong inilayo ang sarili ko sa kaniya. Ang hirap kontrolin ang nakakabaliyong nararamdaman para sa babaeng mahal mo na ngayon ay nasa harapan ko pa mismo. Napakagat labi ako at bahagyang pumikit. Naging tahimik sa pagitan namin na para bang may makapal na pader na nakaharang sa amin. Hihingi ba ako nang paumanhin dahil sa marahas kong ginawa? Naging pabaya ako at tinahak ang dapat na hindi tahakin. Hindi rin siya nagsalita, kahit lingonin ako ay

