3rd person POV Nagagalit ang mga kamay ni Nathalia na nakahawak sa baril. Kinalabit niya ang gatilyo at hindi iyon tumama sa kaniyang target. Pagkagaling niya sa penthouse ni Rio kanina ay kaagad siyang nagbihis at nagpuntang mag-isa sa outdoor shooting field. Sinubukan niyang huwag isaisip ang gumugulo sa isipan niya simula kagabi ngunit hindi niya maiwasan. Sino ka ba talaga Rio? Saan ka nagmula at anong pakay mo? Paulit-ulit na nag-lalaro iyan sa isipan ni Nathalia. Bumuntonghininga siya. Naglagay ulit ng bala sa pistol gun na hawak niya at muling kinalabit ang gatilyo. Tumama iyon sa ibabaw ng shooting board. Napailing siya. Aminado ang dalaga na hindi siya concentrated dahil nasa ibang bagay ang isip. Kanina pa siya nagpa-practice ngunit walang isa man ang natamaan niya sa black do

