Rio’s POV Hindi ko nilubayan ng mga mata ang mga kalalakihan sa pinakadulo na sumisinghot ng druga. Hindi ko na rin nabigyan pa nang pansin si Garon sa harapan ko habang inaaliw siya ng mga babaeng lumapit sa amin. Itinutok ko ang mga mata ko sa mga kalalakihan sa dulo. Alam kong tahimik rin na nagmamasid si Clark sa paligid. Tahimik lang ito pero gumagala ang mga mata. Nang lumakas ang musika ay nagsitayo na ang iba para isayaw ang mga ka-partner na mga dancer. Tumingin ako sa stage. Nagsimula na ring gumiling si Iya. Napanganga ko. Magaling rin pala itong sumayaw. Naging sentro siya ng atensyon ng humawak siya sa posteng bakal sa gitna ng stage at mas ginalingan ang paggiling. Tiningnan ko si Garon. Sapo ang mukha at hindi magawang tingnan ang kasintahan sa itaas ng stage. Malupit

