3rd person POV Nagagalit sina Don August Pallis at ang kaniyang mga kaibigan nang matuklasan nila ang nangyaring kaguluhan sa kanilang Casa sa Bulacan. Hindi nila mawari kung sinong malakas ang loob na mga taong nanggulo sa loob ng kanilang Casa. Base sa report ng tauhan niya sa Casa ay hindi masabi kung sino ito. Ang tanging alam nila ay isa itong mayaman na costumer na may dalawang bodyguards. “Malaki ang duda ko na kagagawan ito ng binatang ‘yon. Ngayong alam na natin ang pagkatao niya ay hindi na ako makakapayag pa na sirain niya ang ating negosyo. Naplano na niyang pasukin ang resort mo Derek sa Siargao, kaya sigurado akong siya ang may kagagawan nito.” Nagagalit si Don August habang sinasabi sa mga kaibigan ang nasa isip. Tahimik naman na nakikinig ang dalawa niyang kaibigan. Si

