Rio’s POV Bumuntonghininga ako sabay sandal ng aking likod sa may sofa. Kasalukuyan akong nanonood ng TV at hindi mawala sa isip ko ang mensahe sa akin ni Nathalia. ‘Magkita tayo sa building na katapat ng Bar namin. Room 201’ kumunot ang noo ko. Hindi ugali ni Nathalia ang ganitong klasi. Siya iyong klasi na prangkang tao at hindi nagtatago. Sinubukan kong tawagan ang numero niya kanina ngunit nakapatay na ang cellphone. Ano bang nangyayari sa kaniya? Bakit hindi niya sinasagot ang mga tawag ko sa kaniya? Muli akong bumuntonghininga at hinilot ang sentido. Tiningan ko ulit ang mensahe at hindi naman ligaw na numero kung hindi kay Nathalia talaga nanggaling. Nang napagod na ako sa kaiisip ay namalayan ko na lang ang sarili ko na dinadala na pala ako sa labas ng penthouse ko. Nasa left

