3rd person POV "Nathalia," tanging sambit ni Rio nang makita ang matagal nang hinahanap. Napahawak siya sa siko ni Clark at ibinaba ang hawak na bakal sa maliit na lamesa kung saan niya dinampot. Sinundan ni Clark nang tingin ang tinitingnan ni Rio. Bahagya rin itong nagulat nang makita si Nathalia na nagbubuhat na ng maliit na lamesa ni lola Dolores. Nagtatawanan pa silang apat habang nililigpit ang gamit ng matanda. Hindi makapaniwala si Rio sa kaniyang nakikita. Si Nathalia...si Nathalia talaga ito! Isang beses pa niyang ipinilig ang ulo upang magising kung nanaginip man ito. Ngunit makatotohanan ang kaniyang nakikita ngayon at hindi basta panaginip. "Sir," bulong ni Clark. Nilingon ang amo na ngayon ay ang buong atensyon ay nasa kay Nathalia. Tiningnan siya ni Rio, walang

