3rd person POV Maraming beses na pabalik-balik si Rio sa Quiapo simula nang malaman niyang naroon si Nathalia. Kahit hindi niya nakita ang dalaga roon ay nabigyan siya nang pag-asa. Ngunit nakailang balik na siya roon ay hindi pa rin niya ito nakikita roon. Napabuntonghininga si Rio. Hinilot niya ang ulo habang nakayuko sa lamesa niya. Nasa loob siya ng kaniyang magarang opisina. "Nasaan ka ba nagpunta," tanging bulong niya sa sarili niya. Buong akala ng binata ay may pag-asa na siyang makikitang muli si Nathalia ngunit mas nawalan na siya ngayon ng pag-asa. Taon na ang lumipas, buwan na ang paghahanap ngunit wala pa ring magandang resulta. Kinuha niya ang kaniyang cellphone sa bulsa at tinawagan si Clark. "Yes Sir," sagot ni Clark sa kabilang linya. "Samahan mo ako mamayan

