Rio’s POV Pagpasok ko kinabukasan ay kaagad akong sinalubong ng tauhan ni Don August Pallis na pumasok raw ako sa loob ng kanilang mansyon dahil gusto raw niya akong makausap. Kinabahan ako at nagtaka. Ano kayang sasabihin niya sa akin at nakakapagtakang papasukin niya ako sa loob ng kanilang mansyon sa unang pagkakataon. Tuyo na ang sugat ko sa gilid ng labi. Pero nahihiya akong humarap kay Don August sa ganitong itsura ko. Kung kailan pa ako may galos ay tsaka niya ako ipapatawag upang kausapin. Ngunit alam ko naman sa sarili ko kung bakit niya ako pinatawag. Inihatid ako ng kaniyang tauhan sa kaniyang library. Ang lawak ng mansyon nila sa loob na tila kahit maglaro ka rito ng tago-taguan ay mahihirapan kang hanapin. Nasa pasilyo na ako kami patungo sa library ni Don August ng makas

