Chapter 19 - You can't see it, but you can feel it

1200 Words
In my dreams, I'll always see you soar above the sky In my heart, there'll always be a place for you for all my life I'll keep a part of you with me And everywhere I am, there you'll be And everywhere I am, there you'll be Tumutugtog sa loob ng aking sasakyan ang kanta ni Faith Hill habang binabaybay ko ang kahabaan ng Lagro papuntang San Jose Delmonte. Apat na buwan buhat ng mawala si Enrico ay parang kahapon lang nangyari ang search and rescue operation. Naiiyak pa din ako kapag naiisip na ang huling sinabi ni Enrico ay ang pangalan ko. Mula sa Makati Medical Center ay dinala ng punerarya ang katawan ni Enrico sa San Bartolome. Nang tumawag si Tita Norene ay nagkusa si Laila na mag-asikaso ng pagbuburulan sa labi ni Enrico. Nang ibalita sa akin ni Tito Carlo ang pagkawala ng pinakamamahal ko ay para akong pinagsakluban ng mundo. Halos hindi ako makakilos sa bigat ng dibdib ko at natutulala lang ako. Nakaalalay sa akin sina Remi at Marian ng umakyat ako sa kuwarto para makapagbihis. Sinuot ko ang paborito ni Enrico na dress ko. Ito ay kulay cream na off-shoulder ang body hugging blouse nito na nakakabit sa free-flowing skirt mula sa ibaba ng dibdib na abot hanggang sa talampakan ko. Suot ko ito ng magbakasyon kami ng itay at inay sa Batanes kasama sina Enrico, Marian at Jerome. Kinunan pa ako ni Enrico ng litrato sa Chamantad-Tinyan Viewpoint habang malayang inililipad ng hangin ang buhok at palda ng longdress na iniipit ko sa pagitan ng aking mga hita gamit ang isang kamay at nakahawak sa floppy white hat ang isa pa. He loved that picture. He said he was able to capture my genuine happiness in it. He made it his wallpaper on his laptop and lock screen on his phone. Habang ang telepono ko naman ay siya rin ang wallpaper na nakaside view habang nililipad ng hangin ang kanyang button up shirt na nakapatong sa sando. Half body lang ang shot na iyon pero kuhang-kuha ang ganda ng kaniyang ngiti at makisig na pangangatawan. Muli nanamang umagos ang luha ko sa isiping wala na si Enrico ang pinakamamahal ko. Hindi ko na yata kayang magmahal pa ng ibang lalake dahil ibinigay ko na lahat ng pagmamahal na iyon sa namayapa kong nobyo. Natatakot din akong baka hanapin ko si Enrico sa mga liligaw sa akin o kung magkanobyo man uli ako ay baka lagi ko lang itong ihambing sa kanya. He gave me love that I don't think anyone can level with or surpass. Itinabi ko ang sasakyan atsaka ibinuhos muli ang bigat ng damdamin ko. Apat na buwan na ang lumilipas pero sariwa pa sa akin ang lahat. Nang paglamayan ang walang buhay na katawan ni Enrico sa mansion nila sa San Bartolome ay hindi ako umalis sa kanyang tabi. Hinayaan kong silipin siya ng kanyang mga kaibigan at kamag-anak sa kanyang open casket pero andun lang ako sa tabi niya nakamasid. Bago isara ang kabaong kinaumagahan para sa cremation ay hinawakan ko ang kanyang mga kamay. Para lamang natutulog si Enrico. Sa huling pagkakataon ay dinampian ko ng halik ang kanyang mga labi. Umaasang ang halik ko'y gigising sa kanya na parang si Sleeping Beauty. Inalalayan ako ni Marian dahil sa sobrang pag-iyak ko ng isara na ang kabaong ay halos himatayin ako. Durog na durog hindi lang ang puso ko maging ang pagkatao ko. Hindi ko alam paano na ang magiging buhay ko ng wala si Enrico. Matapos icremate ay dinala ng mga magulang ni Enrico ang kanyang abo sa America para mapaglamayan din ng kanyang mga kamag-anak doon. Makalipas ang dalawang linggo ay bumalik si Tito Carlo para sampahan ng kaso ang nahuling driver ng truck na bumangga sa kotse ni Enrico. Gaya ng inaasahan namin ay inamin nito ang pagkakamali pero hindi siya umamin na ipinagawa sa kanya ito. Pinaghandaang mabuti ng ama ni Enrico ang laban sa korte dahil nasaliksik ng kanyang abogado na ang driver ng truck ay desperado at nangangailangan ng malaking halaga at lingid sa kaalaman nila ay nakitaan ng koneksyon sa pamilya De La Torre. Dahil maimpluwensya ang mga De La Torre ay mahirap patunayan ang kanilang ugnayan sa insidente. Pero dahil pursigido ang mga Braganza na makamit ang hustisya para kay Enrico ay ginamitan nila ng pera para ilaban ang kaso hanggang sa Supreme Court. In the end, justice prevailed dahil bukod sa nakulong ang driver ng truck ay napatunayan din na may kinalaman ang pamilya ni Lianne at ngayon ay kasalukuyang ginigisa sa Sandigang Bayan ang katiwalaian at iba pang kasalanan sa bayan ng kaniyang lolo. Gayundin ang lahat ng mga naagrabyado ng pamilya nila na naglakas luob at sama-samang nagsampa ng kaso sa kanilang pamilya. Dahil under investigation ay kasalukuyang suspendido sa kanilang trabaho sa pamahalaan ang mga De La Torre. Naisiwalat din na ang ama ng ipinagbubuntis ni Lianne ay ang kanang kamay ng kanyang Lolo kaya hindi lumalabas ito gaya ng kanyang nakagawian. Masaya na din akong nakuha ng mahal ko at ng kanyang pamilya ang hustisya sa pagkamatay niya. Pero hindi nagamot nuon ang aking pangungulila. Pilit akong pinasasaya ng aking mga magulang at mga kaibigan. Binigyan ako ng tatlong buwang leave of absence ng daddy ni Alexa na ginugol namin nina itay at inay sa pagtravel ng Pilipinas. Maraming magagandang tanawin akong nakita pero sa lahat ng iyon sa bawat araw na natatapos tuwing takip silim ay nakikita ko ang imahe ni Enrico kumakaway sa akin. Nakangiti. Parang nagsasabing magpakasaya ka mahal, andito lang ako. Lagi kong naalala ang huling sinabi ni Landon Carter sa penikulang A Walk to Remember, "Love is like the wind, you can't see it, but you can feel it.” Nawala man si Enrico pero ang pagmamahalan namin ay parang hangin, di ko man siya makita at makapiling pero ramdam ko sa buong pagkatao ko. Hindi man buo ang pakiramdam ko ngayon, kailangan kong bumangon para sa mga magulang ko. Pinangako ko sa kanila na mag-eenjoy kami habang malakas pa sila kaya tutuparin ko iyon. Sa mga magulang ko na ako humuhugot ng lakas ngayon kahit pa minsa'y nalulungkot pa din ako. Ilang buwan pa ang lumipas. Nabuksan na namin ni Marian ang travel agency sa Santa Catalina. Naging maganda ang takbo ng business venture naming ito. Nagtatrabahao pa din ako sa Saver's Mart at patuloy ang investment sa stock market. Isang araw nilapitan ako ni Marian upang ipakita ang aming bookkeeping, nagulat kami parehas na mayroon na akong one point six billion combined assets finances. Maging si Marian ay nagsisimula na din maginvest sa stock market at mayroon na din siyang halos kalahating milyon. Ngayon nga ay papasok ako sa Saver's Shop sa San Jose Delmonte binibilang na lamang ang araw ng aking pagrender ng resignation. Sa susunod na buwan ay bubuksan na namin ang San Vicente branch ng aming travel agency. Pangarap namin ni Marian magexpand hanggang sa Maynila at hindi na lamang local tours ang iooffer namin. Pinaplano na namin na isama sa mga travel packages namin ang mga international destinations. Hindi makakalimot ang puso ko pero I am now ready to conquer the world.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD