Isa sa mga dream destinations ko ang United States of America. Libutin ang lahat ng estado at teritoryo nito. Pangarap na binuo ko kasama si Enrico at ngayon ay tutuparin ko kasama ng mga magulang ko.
Dahil may sapat na resources na ako ay madali kaming nakapag-apply ng visiting visa nina Marian at ng mga magulang ko. Nagrant kami ng 10 year multiple entry visa sa US, gayun din nabigyan kami ng Schengen Visa sa Europe. Bukod sa individual tourist visa sa ibang lugar ng Asya at Latin America.
Nang makapagresign ako sa Saver's Shop ay inumpisahan na namin ang aming World Tour adventure. Nagcruise at lumipad sa iba't-ibang destinasyon.
Ang kagandahan ng stock market investment, pwede kong bantayan kahit nasaan ako. May mga araw na bagsak ang trading pero mas marami yung araw na kumikita kami. At dahil nagamay na namin ang paglalaro sa stocks ay naisasalba namin ang mga stocks sa mga nararamdaman naming maluluging kompanya.
Lumipas ang dalawang taon at tila napapagod nang magtravel ang mga magulang ko. Hiniling nila sa aking bumili ng lupa sa Isidro para tayuan ng sarili naming bahay at magreretire na daw sila duon. Tinupad ko ang hiling ng aking mga magulang at hindi pa din namin sinisiwalat ang totoong pinanggagalingan ng aming ginagastos. Sinabi naming nakapagloan ang itay sa pension niya para makapagpatayo ng sapat na laki ng bahay.
"Salamat dito sa retirement gift mo sa amin ng Inay mo, anak." Nakangiting turan ng aking ama habang pinagmamasdan namin ang patapos ng paggawa sa bahay na pwedeng lakarin mula kina Lolo Temio.
"Alam kong mahirap pero sana nakamove on ka na kay Enrico. Tumatanda na kami ng Inay mo. Sana man lang masilayan at maalagaan pa namin ang aming magiging apo." Dugtong ng Itay pagkatapos ay hinawakan at hinaplos niya ang aking magkabilang balikat saka niya pinuntahan ang Inay na nuoy nagliligpit ng aming ginamit sa aming munting piknik.
Magiisang taon ng wala si Enrico at napagpasyahan ko na matapos ang babang luksa ay susubukan kong magmahal muli. Bata pa naman ako. Siguro may mahahanap pa akong kasing sarap magmahal ni Enrico.
Lumipas ang mga araw at tila nasanay na lang ako na wala na ang mahal ko. Masakit pa din ang kanyang pagkawala pero mas nakakangiti na ako ngayon.
Dumalaw ako sa puntod ni Enrico saktong isang taon buhat ng mawala siya.
"Pasensya ka na, mahal hindi ako nakakadalaw sa'yo. Masakit pa din sa loob ko ang pagpanaw mo. Hindi man kita kasama sa pagtupad ng mga binuo nating pangarap, tutuparin ko lahat iyon alang-alang kina Itay at Inay. Hindi na siguro ako mag-aasawa pero gusto nilang magka-apo. Sana nabuntis ako nung buhay ka pa para sana may naiwan kang buhay na ala-ala." Impit ang pagluha ko pero nararamdaman ko medyo gumagaan ang pakiramdam ko.
Kailangan ko lang palang mailabas ang saloobin ko at masaya akong sa puntod ni Enrico ko naibulalas ito. Kahit wala na siya ay pinaparamdam pa din niya sa akin na magiging okay ako.
Matapos kong dumalaw sa puntod ni Enrico ay tinawagan ko si Marian at inayang magkita kami sa isang fast food malapit sa bahay sa Quezon City. Paluwas na ako ng Maynila at kasalukuyang binabaybay ang kahabaan ng NLEX.
Nauna kasi itong lumuwas upang asikasuhin ang mga papeles para sa business expansion namin.
Oo, afford ko na ang kumain sa mga mamahaling restaurant pero ganun yata talaga, dahil lumaki akong salat ay nanghihinayang ako sa paggastos para lang makakain ng mga pagkaing hindi ko naman kilala. Mas gusto ko pa din ang pinakbet Ilocano, mga sinigang, paksiw, kare-kare, lechon kawali at diningding.
Sa kabila nuon ay laking fastfood din ako. Kuntento na sa spaghetti, fried chicken at french fries. Kaya naman sa fastfood ko inayang kumain si Marian.
Nakaupo ako sa paborito kong sulok sa loob ng Jollibee sa labas lamang ng aming munting subdivision at hinihintay si Marian. Umorder na ako ng pagkain namin at hinihintay na lang tawagin ang order number namin. Nakatuon ang mga mata ko sa f*******: app at tinitignan ang Memories. Binuksan ko ang See all memories.
1 year ago ang post na hawak ko ang larawan ni Enrico nang mawala ito at ang broken heart sa black a background dahil sa di inaasahang pagkawala ng pinakamamahal ko.
2 years ago ang post naman na magkakasama kami ng bagong buo naming barkadahan sa La Union. Pangalawang balik namin kung saan may kanya-kanya na kaming jowa maging si Remi.
Nangingilid nanaman ang luha ko ng makita ang magandang ngiti ni Enrico habang nakaakbay sa akin.
Paano ka magmomove on kung palagi mo siyang naaalala. Pinapagalitan ko na ang sarili ko. Mahirap turuang lumimot ang puso pero kailangang gawin ko.
Pabagsak ang pag-upo ni Marian sa harap ko na siyang pumukaw sa nalulungkot ko nanamang damdamin.
"Nakakainis si Jerome!" Bungad nito.
Agad kong pinahid ang luhang muntik nang bumuhos sa gilid ng aking mata saka ko siya tinanong.
"Nag-away ba kayo?" Tanong ko sa pinsan ko na nuoy ipinatong ang noo sa dalawang kamay na nakapatong sa mesa.
"Hindi," nag-angat ito ng mukha saka nagpatuloy. "Hindi daw siya makakasama sa trip to US sa susunod na buwan kasi pinapaasikaso ng daddy niya yung gulo sa Davao branch ng hotel nila."
"Complete revamp ng management at may malelay-off na mga empleyado dahil sa kapalpakan ng current management duon." Dugtong pa nito.
Kailan lang kasi napabalita pa sa TV ang isang di inaasahang pangyayari sa hotel nila sa Davao. Sikat ang chain of hotels nila Jerome at kailangang maayos ang gusot na dulot ng pangyayaring iyon para hindi madamay ang iba pa nilang hotels.
"Ayaw mo nuon, mas marami tayong bonding moments?" Pag-aalo ko na lang dito.
Kasama naming aalis sina itay at inay at nakaplanong kami ng US cruise para madagdag sa offering namin sa travel agency. Para maging maayos ang lakad ng mga turistang magbobook sa amin ay nais namin ni Marian na maexperience namin first hand ang tours na kasama sa packages namin. Kaya sa huling pagkakataon na magtatravel and inay at itay ay ito ang aming napagkasunduang gawin.
"Kung sabagay," umayos na ito ng upo. "Kamusta sa Isidro?"
"Ayun, asul na ang mga damo tapos lumilipad na ang mga biik," pabirong sagot ko dito.
Nanlaki naman ang mga mata nito sa akin.
"Joke lang! Ganun pa din, walang bago." Pagbabalita ko dito.
"Dumating pala sila Tito Carlo at Tita Norene, kumontak ba sila sa'yo?" Tanong nito na nakaismid. Siya namang tawag ng counter sa order number namin. Pagkuwa'y may tumawag sa cellphone ko na nakapatong sa mesa. Tita Norence calling nakadisplay sa screen.
"Sagutin mo na yan, ako na kukuha nung order." Kinuha ni Marian ang tape receipt na naglalaman ng order number namin saka nagtungo sa claim counter.
Sinagot ko naman ang tawag, "Hello, Tita Norene."
"Hi Angeli! Kamusta ka anak, kagagaling mo lang pala ng Isidro ngayon? Dumalaw kami kay Enrico kanina at nakita namin ang bulaklak na iniwan mo. Salamat at hindi ka nakakalimot. Do you have time this weekend? Magdinner tayo dito sa bahay." Tuloy-tuloy na sabi nito sa kabilang linya.
"Ayos naman po, Tita. Hinding-hindi ko po makakalimutan si Enrico. Titignan ko lang po ang schedule ko this week." Umupo na si Marian sa harap ko at inumpisahan na ang pagkain ng kanyang burger at fries habang binubuksan ko ang organizer na kinuha ko sa loob ng bag ko.
"Mageempake lang po ako sa sabado para sa US trip namin nila itay, inay at Marian. Sige po, diyan ako magdidinner sa Sabado." Sagot ko dito.
"Sige, iha. Hihintayin ka namin." Yun lamang at nagpaalam na kami at tinapos ang aming pag-uusap sa telepono.
Habang kumakain ay napagusapan namin ni Marian ang stocks namin at ilan pang business matters. Hangga't maari kasi pag-uwi ng bahay gusto ko magpahinga lang. Pag usapang negosyo sa labas ng bahay namin ginagawa. Para maihiwalay ko ang personal at career life ko. Naweweirduhan si Marian sa akin pero nagets na din niya yung ibig kong sabihin nang minsan na pilit niyang kinukuha ang atensyon ko mula sa pakikipagkuwentuhan mula sa mga lolo at lola para magstrategize sa stock trade isang sabado ng hapon.
"Katulad niyan, imbis na magpahinga tayo at sulitin ang oras kasama ang mga lolo at lola ay nasisingitan ng negosyo. Kaya mas gusto ko sa labas ng bahay pag-usapan ang bagay na yan para maramdaman natin at mga mahal natin sa buhay yung oras na nilalaan natin sa kanila."
Dumating ang Sabado at sumabay na sa akin pauwi ng Isidro si Marian. Pagkahatid sa kanya ay dumaan muna ako sa aking mga lolo at lola saka dumiretso sa bagong bahay ng aking mga magulang. Ipinarada ko ang aking sasakyan sa tabi ng owner type jeep ng itay.
Nagpaalam ako sa mga magulang ko na magdidinner sa mga Braganza kaya ng makapagpahinga saglit ay gumayak na ako. Simple lang ang sinuot kong peplum dress na kulay asul. Nakaflats lang din ako at naglagay ng simple at nude colors na make-up.
Dumaan muna ako sa palengke at convenience store para bumili ng isang basket ng prutas at wine na ireregalo ko sa mga magulang ng namayapa kong nobyo.
Pagdating sa mansyon ng mga Braganza ay sinalubong ako ni Kuya David at kinuha ang aking mga bitbitin.
"Ang ganda-ganda mo pa din Angeli," pagbati nito sa akin.
"Salamat, Kuya."
"Hinihintay ka na nila Ma'am Norene sa loob." Nagpatiuna na ito ng lakad at iginiya ako sa dining area.
Huminga ako ng malalim bago hinila ang sarili ko na ihakbang ang mga paa ko papasok ng kanilang bahay. Sa isang laghap ng hangin pagpasok ko ng main entrance nila ay bumalik lahat ng ala-ala ni Enrico.
"Tara na, Angeli." Pagpukaw ni Kuya David sa akin.
Sinundan ko ito hanggang sa hapag kainan ng mga Braganza. Kasalukuyang naghahain si Tita Norene at nakaupo na sa kanyang puwesto si Tito Carlo na tumayo kaagad ng makita ako.
Sinalubong ako nito at niyakap, "Iha, you look beautiful."
"Am so glad you made it, Angeli. We missed you," nangingilid ang luha ni Tita Norene na sumalubog at yumakap din sa akin.
"Halika at maupo ka na. Nagluto ako ng paborito mo."
Nakahain ang sinigang na seafoods pinagsamang bangus at hipon saka grilled liempo na may sawsawang toyo, calamansi na may tinadtad na sibuyas at sili.
Inilagay ni Kuya David ang prutas at wine na dala ko sa gitna ng mesa saka nagpaalam.
Matapos ng maikling pasasalamat sa Itaas sa pagkaing nakahain ay nagumpisa na kaming kumain. Unang nagbukas ng usapan si Tita Norene.
"Nabanggit mong bibiyahe kayo papuntang US kasama ng nanay at tatay mo, ilang buwan kayo doon?"
"Baka po sulitin namin yung 6 months stay, depende pa po. Gusto namin maexperience yung iba't-ibang tours duon para maisama sa mga inooffer din namin sa travel agency." Pagpapaliwanag ko.
"Mukhang maganda ang napili ninyong magpinsan na negosyo. Parehas ninyong naiaapply ang mga pinag-aralan niyo," tugon ni Tito Carlo.
"Salamat po," nahihiyang sagot ko dito.
"So, kailan ang alis niyo?" Ani Tita Norene.
"Sa sususond na buwan po, ay next week na pala May 7th po."
"Babalik na din kami ng US next week, may inasikaso lang ang Tito Carlo mo dito. Sumama ako para makadalaw kay Enrico." Pagkukuwento ni Tita Norene.
"Dalawin mo kami sa Rhode Island kung magawi kayo ng East Coast." Pag-iimbita ni Tito Carlo.
"Sige po, isasama ko sa itinerary namin." Nakangiting sagot ko dito.
Nagpatuloy ang aming kuwentuhan habang kumakain. Matapos maghapunan ay niyaya ako ng ina ni Enrico sa kuwarto ng mahal ko.
"Tulad mo, hirap akong ihakbang ang mga paa ko sa kuwartong ito buhat ng mawala si Enrico." Tinungo nito ang sliding doors papunta sa terrace ng kuwarto saka binuksan ito at pumasok ang malamig na simoy ng hanging gabi.
"Bago nawalan ng hininga si Enrico ay pangalan mo ang huli niyang sinabi." Mula sa sliding doors ay nagtungo ito sa cabinet ni Enrico at binuksan ang secret drawer na natatakpan ng kaniyang mga damit na nakasabit. Mula dito ay nilabas ni Tita Norene ang isang kahon.
Gawa ito sa kahoy at may maliit na lock. Iniabot niya sa akin ito.
"Ilang araw bago ang aksidente ay pinakita niya sa akin ito, yayayain ka na daw niya magpakasal. Hindi ko alam kung anong laman ng kahon na yan. Eto ang susi, nararapat lang na ikaw ang magbukas niyan iha." Hinawakan niya ang mga kamay kong nakahawak sa kahon.
"Salamat at minahal mo ang anak ko ng walang katulad." Niyakap ako nito at naipit sa aming mga dibdib ang kahog ibinigay niya sa akin.
"Alam kong naging masaya siya sa piling mo nuong nabubuhay pa siya. At mahal na mahal mo pa rin siya hanggang ngayon. Pero iha, huwag mong ikulong ang sarili mo sa alaala niya. My son would want you to live your life. Just know that you will forever be a part of our family kahit makahanap ka ng ibang mamahalin." Inilayo na ni Tita Norene ang katawan niya sa akin.
Nuon naglandas ang mga luhang kanina pa gustong lumabas pagtapak ko pa lang sa tarangkahan ng bahay nila.
Nakikinig pala sa labas ng kuwarto si Tito Carlo at pumasok na din ito at yumakap sa akin.
"You've given my son's life a direction the short time he was lent to us by God, iha. For that I will always be grateful."
"Maparito sa San Bartolome o kahit sa US, you are always welcome into our homes and our lives." Dugtong pa nito.
"So please, humanap ka na ng mapapangasawa at sabik na kaming magka-apo sa'yo. Ituturing namin itong parang sarili naming apo." Yumakap na muli sa akin si Tita Norene at niyakap naman kaming pareho ni Tito Carlo.
Ilang minuto din kami sa ganuong posisyon bago namin pinakawalan ang isa't-isa.
"Salamat po, Tita at Tito." Sambit ko habang pinupunasan ang mga luha sa aking mukha ng tissue na iniabot ni Tito Carlo.
"Call us mom and dad, anak." Muli niya akong niyakap ng mahigpit at hinawakan sa balikat saka sinabing, "Kahit di kayo kinasal ni Enrico ay itinuring ka na naming anak."
"Salamat, mom and dad." Nakangitig sambit ko sa kanilang dalawa.
Hinayaan nila akong manatili sa kuwarto ni Enrico. Hindi ko magawang buksan ang kahon pero ninamnam ko ang amoy ng kuwarto ni Enrico. Parang nanduon lamang ito ng mga sandaling iyon at nakayakap sa akin.
Matapos ang ilang minuto ay lumabas na din ako. Naabutan ko ang mag-asawang Braganza na nanunuod ng balita sa living room TV.
"Magpapaalam na po ako," pagpukaw ko sa kanilang atensyon.
"Mag-iingat ka sa pagmamaneho, iha." Bilin ng Daddy Carlo.
"Keep in touch, anak. Alam mo naman ang contact information namin ng Daddy Carlo mo. For anything." Habilin naman ng Mommy Norene.
"I will po." Humalik na ako sa pisngi nito at saka umalis ng mansion.
Pagpasok ko sa sasakyan ay inilagay ko sa passenger seat ang kahon, sinulyapan ko muna ito saka ko pinaandar ang kotse ko at nagmaneho pabalik ng Isidro.