Elias Benedict 1
Finally, I am here again.
I miss this city. I grew up here. Dito ako pinalaki ng aking ina ngunit kailangan namin umalis noon no’ng 12 years old ako. Dinala kami ng tatay ko sa China at doon nagsimula ang lahat…
Lahat ng hindi kaaya-ayang pangyayari sa buhay ko.
Anyway, I am glad that I am back. Hindi pa nga sana ako makakabalik dito kung hindi ako binigyan ng opurtunidad ng The Consejo’s – to work with them, with that company.
Hi, Tastotel City. Jeya is finally back.
Nakasuot pa ako ng sunglasses habang naglalakad ako papalabas ng Kretitalia Airlines. Nadaanan ko pa ang mga tao roon na nagsusundo ng mga mahal nila sa buhay na bumalik. May mga dala pang banner, tarpaulin at kung ano-ano.
So, ‘yon, wala akong pakialam.
Marunong pa rin naman akong magtagalog kahit na ilang taon na rin ako na nanatili sa China. Nakasanayan ko lang kasi talaga na kausapin ang sarili ko in Tagalog. Palagi.
Nagpatuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa makasakay ako sa taxi at dinala ako niyon sa Zaminican Hotels, may condo na ako roon at doon na muna ako mamamalagi. Doon na talaga— wala nang kasiguraduhan ang pagbalik ko ng China.
Pagdating ko ng elevator sa loob ng Zaminican ay may nakasabay akong isang babae. Hindi ko naman siya pinansin pa. Basta magkapantay lang kami halos.
Tahimik lang sana sa elevator kung hindi siya nagsalita.
"Koreana ka?"
“Hindi,” tipid kong sagot sa kaniya. Siguro dahil sa kulay ng balat ko— maputing-maputi ito at saka naka-bangs din kasi talaga ako kaya siguro napagkamalan niya akong koreana pero hindi naman ako koreana. I am a Chinese— half-Chinese.
“Ah, okay,” sagot lang ng babae pagkatapos ay natahimik na kaming muli.
Mas okay kung tahimik na lang talaga.
Naunang lumabas ang babae sa elevator. I shrugged. Hinihintay ko na lang na dumating ang floor ng unit ko pero bago ko pa man marating ‘yon ay bumukas ang elevator.
What the f**k are they doing?
Kung wala lang akong suot na shades ay kitang-kita na ang panlalaki ng aking mga mata, gusto ko na lang mapamura nang malakas ngunit pinigilan ko ang sarili ko.
Mabilis na pumasok ang isang lalaki… na may kasamang babae at ang mas nakakahiya pa ay naghahalikan ang dalawang ‘yon papasok ng elevator. Umiwas na lang ako ng tingin. Hindi ba nila alam ang pinagkaiba ng private and public?
“M-May tao,” sabi ng babae ng mapansin ako at saka tinulak niya pa ‘yong lalaki.
Umiwas lang talaga ako ng tingin at hindi sila tiningnan dahil sa totoo lang— kadiri. Kadiri ang ginagawa nila, sinigurado man lang ba ni girl na nagsepilyo ng maayos ‘yang lalaki bago sila maghalikan?
Nakakaawa.
“It’s okay,” malandi pa ang pagkakasabi ng lalaking ‘yon pagkatapos ay lumapit na muli kay girl at sinunggaban na naman ng halik. Iyong matunog lang nilang paghahalikan ang naririnig ko kaya hindi ko maiwasan na mainis. Mainis ng sobra. Ang tagal naman ng elevator na ‘to! Gawa ba ‘to sa pagong? Ang tagal kong makarating sa floor ng unit ko!
“What do you mean by okay?” Hindi ko na napigilan ang sarili ko. “Okay lang sa akin na makita ‘yang ginagawa niyo? Well, no. So, please, stop it!” I hissed. Hindi ko naman sila tinatapunan ng tingin. Mandidiri lang ako.
Iyong tunog lang ng halik nila ang naririnig ko upang masabi na patuloy pa rin ang paghahalikan nila. Pati na rin ang marahang pag-ungol ng babae.
Bigla naman tumigil ang mga tunog na ‘yon dahil sa nagsalita na ako. Nakita ko sa peripheral vision ko na tinulak ng babae iyong lalaki papalayo sa kaniya.
“I told you, Elias…” nahihiya pang sabi ng babae.
Elias ang pangalan niya, huh? I don’t care.
Napairap na lamang ako, sakto niyon ay dumating na ako sa floor ko kaya lumabas na rin ako ng elevator. Pero natigilan ako nang tawagin ako no’ng lalaki.
“Who are you?” Napataas ang dalawang kilay ko sa tanong niya sa akin. I looked straightly at him. He was just clenching his jaw while looking at me.
Sarkatiko lang akong natawa. Binaba ko ng kaunti ang shades ko na suot. “You don’t care,” nang-iinis pa na sabi ko bago magsara ang elevator.
Natawa na lang ako nang kaunti pagkatapos ay naglakad na lang ako papunta sa unit ko. Umiismid pa ako dahil sa tingin ko ay nainis ko ang Elias na ‘yon.
Pero pakiramdam ko ay may nakalimutan ako.
Natigilan naman ako, napakapa ako sa may bandang gilid ko. “Holy sh*t!” napamura ako nang malakas nang maalala ko ‘yong maleta ko. Nandoon sa elevator! Sh*t! What is happening?!
Mabigat nag bawat yabag ko pabalik sa elevator. I wish to open this elevator as soon as possible.
Tinanggal ko na rin ang suot kong shades at saka inilagay ‘yon sa dala-dala kong bag na Louis Vuitton Monograms. Nakasabit lang naman ito sa aking braso.
Kunot na kunot din ang aking noo ko habang nakatitig sa pinto ng elevator at hinihintay ito na magbukas.
Nakakainis naman. Bakit ko pa nakalimutan ang maleta ko roon? Sure naman ako na hindi ‘yon do’n kukunin at mawawala.
Ilang minuto pa ang lumipas at bumukas na ito. Bakit ba kasi maraming floor dito? Really, sobrang laki din talaga ng Zaminican. Sa tingin ko rin ay mas lalo pa itong lalaki sa paglipas ng panahon.
Nang bumukas nag pinto at makita ko na ang nasa loob ay hindi ko maiwasan na mapanganga at manlaki ang mga mata dahil wala na roon ang maleta na dala-dala ko.
Hindi ito maaari.
"Are you looking for something?"
Imbes naman kasi na iyong maleta ko na lang ang dalhin ng elevator ay itong lalaki pa talaga ang dinala pabalik.
Bakit nga ba nakasakay pa rin ang lalaking ‘to?
At higit sa lahat… nasaan ang maleta ko?
Marami akong importanteng dokumento roon! Kapag hindi ko nahanap ‘yon ay lalapit na ako sa security system ng Zaminican Hotels na ‘to!
“Yes,” sagot ko na lang sa kaniya. Hindi ko naman napigilan ang sarili ko na huwag siyang paghinalaan. Siyempre, paghihinalaan ko pa rin siya. “So, where’s my luggage now?” I asked him.
I even crossed my arms. Tiningnan ko lang siya ng diretso, he’s leaning his back against the elevator wall.
Nakaharap siya sa akin at ang init ng tingin niya sa akin— ‘yon ang dating sa akin.
Hindi ko pinahalata ang kaunting kaba ko dahil hindi talaga maaaring mawala ang maletang ‘yon!
“I don’t know,” sabi niya. Iba ‘yong boses niya, eh. Does it seem like he wants to tell me something or want to spite me?
“Where?” Hindi kumbinsidong sagot ko sa sinabi niya. Bigla naman siyang ngumisi sa akin. Kumunot lang ang noo ko at napansin na papasara na ang pinto ng elevator. Bigla akong nataranta! Paano kong alam niya kung nasaan ang maleta ko?
Paano kung tinago niya? Baka naman tinago niya— kinuha niya na!
I'm not too fond of this.
Bago pa man tuluyang magsara ang elevator ay pumasok na ako roon. “Where is my luggage?!” I hissed.
Narinig ko lang ang marahan niyang pagtawa. “Sinabi ko na sa iyo, hindi ko alam. Bakit ka pa sumunod sa akin dito…”
Halos wala nang tono ang sinabi niya. I saw him lick his lower lip. Nakaramdam ako ng sobrang kaba, bakit naman ganito?!
Ano na ang gagawin ko? Gusto ko man na lumabas sa elevator na ito ay hindi ko na magawa. Ang tagal pa naman magbukas ng pinto! Holy. Sh*t.
Napaatras na lang ako. Habang siya ay diretso pa rin ang titig sa akin. What the f**k!
Habang uma-atras ako ay siya naman ay umaabante papalapit sa akin hanggang sa wala na akong ma-atrasan at tuluyan niya na akong na-corner.
"What are you d-doing?"
“Do you want me to kiss you?” tanong niya sa akin. Napalunok na lang ako nang mapansin ko na sa labi ko siya nakatingin.
Inilapit niya pa ang mukha niya sa akin hanggang sa maramdaman ko na ang hininga niya.
“Ayaw ko, umalis ka n-nga!” inis na sabi ko at saka itinaas ko ang dalawa kong kamay at ipinantay iyon sa may bandang dibdib niya upang itulak siya pero hindi naman ako nagtagumpay.
Ano ba?!
Mukhang hindi ko na kailangang itago ang kaba ko. I should shout for help now! Sana lang may camera rito, para kapag may nang—
Bago ko pa man matapos ang iniisip ko ay bigla niya na lang akong hinalikan sa labi ko. Oo! Sa labi ko mismo! Nanlalaki ang mga mata ko sa ginawa niya. Gulat na gulat ako. Nararamdaman ko ang labi niya sa labi ko at hindi ko maiwasan na mainis.
Kadiri!
Ito ang unang beses na nahalikan ako pagkatapos ay ganiyan pa? Yuck! Yuck! Yuck!
When he started to move his lips, I pushed him away. Malakas ko siyang tinulak upang tuluyan akong makawala sa kaniya. Napapunas pa ako ng labi ko dahil sa ginawa niyang paghalik sa akin. Nasa utak ko ngayon na baka nasa akin na rin iyong laway ng babae! Wala pa ngang isang oras simula nang maghalikan sila rito sa loob nito.
“Hoy!” Dinuro ko siya. “Anong karapatan mong halikan ako?”
Ngumisi lang siya sa akin. Kitang-kita ko pa dahil malapit pa rin naman siya sa akin.
Inis na inis ang nararamdaman ko at pakiramdam ko… kahit na hindi ako magsalamin ay alam ko na pulam-pula na ang aking mukha. Maputi pa naman ang balat ko kaya mahahalata nang sobra!
“’Wag mo akong ngisihan ng ganiyan!” I hissed.
“You know what, Miss, parang ang sarap mo…” sabi niya. Napanganga naman ako.
What the—
Hindi ko na napigilan ang sarili ko na sampalin siya nang malakas. “How dare you?! Qù sǐ ba! (Go to hel!l)” I hissed.
Sinampal ko siyang muli. Unang-una, ano ba ang karapatan niyang halikan na lang ako bigla?!
Bastos!
“Manyak!” sigaw ko sa kaniya. Sakto niyon, bumukas na ang elevator. Sinamaan ko na muna siya ng tingin, nakahawak na ang isa niyang kamay ngayon habang nakatiim ang kan’yang bagang.
Nakakainis ang pagmumukha niya. Sana lang hindi ko na makita ang lalaking ‘to sa pag-stay ko rito sa Tastotel.
Ito ang araw ng pagbabalik ko sa lungsod pagkatapos ay sinira niya lang!
Binangga ko na muna siya sa balikat niya bago ko na siya iwan sa loob ng elevator na ‘yon. Nakakainis!
Nnag makalabas ako ng elevator ay nilingon ko siyang muli.
“Manyak!” pahabol ko pang sigaw sa kaniya bago magsara ang elevator.
Napapunas akong muli ng labi ko. Sa totoo lang ay gusto ko nang maligo ngayon. So gross!
Ang problema ko pa ngayon ay iyong luggage ko! Wala naman ako sa lobby. So kailangan ko na naman bumaba at magtanong sa receptionist and sa security na rin para ma-assist ako na makita ang CCTV dahil hindi talaga puwedeng mawala ang maleta na ‘yon!
Maglalakad sana ako pabalik sa elevator pero napailing ako bigla.
Inilibot ko ang paningin ko upang maghanap ngunit wala akong nahanap, buti na lang ay may dumaan na babae kaya nagdesisyon ako na magtanong sa kaniya.
"Miss, excuse me, where's the staircase?"
Sa tingin ko ay hindi ko na gugustuhin pa sumakay sa elevator kahit na kailan at kahit na saan!