Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit ko siya hinayaan na halikan ulit ako. Nandidiri rin ako ngayong wala na siya sa harapan ko. Napapadyak na lang ako sa sobrang inis. Bakit kailangang mangyari?
Naiinis ako sa mundo naming dalawa, bakit sobrang liit?
Bumalik na lang akong muli sa kotse ko. Nasa tapat ng isang bahay kung saan katabi lang din pala ng bahay ng Elias na ‘yon!
Napahawak na lang ako sa labi ko ko at hindi maiwasan na mairita ng sobra. “Nakakainis! Willing to learn! Willing to learn niya mukha niya! Malibog ka lang talaga!” inis na sigaw ko na para bang nasa harap ko lang siya.
Pero hindi ko naman maiwasang makaramdam ng hiya dahil sa nangyari kanina. Alam ko rin na pulam-pula na ang aking pisngi, nag-iinit talaga na para bang gusto ko na talagang sumabog. Nakakainis talaga ang Elias na ‘yon!
Wala talagang magandang matino sa buhay ang lalaking ‘yon.
Ayaw ko na nga siyang makita—pero may point naman talaga siya, bakit ko pa kasi siya nilapitan? Puwede ko naman an huwag na lang siyang pansinin. Nakakainis kasi mukha niya, parang iniinis niya talaga ako. Ang mga nakakainis niyang ngisi na parang gusto ko na lang siyang pagsasampalin.
Nawala lang ang kunot sa noo ko nang may dumating din na sasakyan at saka pumarada iyon malapit sa akin. Malapit sa tapat ng bahay na ‘to—kanina pa ako sa labas ng bahay na ‘to, mukhang kanina pa walang tao.
Naghihintay lamang ako na may dumating. At malamang sa malamang ay dumating na ‘to ay ang may-ari na ng bahay na ‘to sa ngayon.
“Good day po,” bati ko. Naglakad pa ako papalapit sa kaniya nang lumabas ang babae sa sasakyan na iyon.
“Hello, sino po sila?” she asked. Napabuntong hininga naman ako.
“Ako nga po pala si Jeya Huang—anak ho ako ni Mira Huang,” sabi ko sa kaniya. Ang alam ko lang ay binenta ng mga magulang ko ang bahay na ‘to sa malapit din nilang kaibigan. Kaya naman umaasa ako na magiging pamilyar ang babaeng kaharap ko ngayon sa akin.
“Jeya?” Napakunot ang kaniyang noo. Tumango naman ako kaagad sa kaniya. Tinitigan niya akoa t sinuring mabuti. Iyon na lang din ang ginawa ko sa kaniya. Kung titigan ko siyang mabuti ay parang ka-edad ko lang din siya.
“Ikaw ba talaga ‘yan?” she asked again. Napakunot na lang din ang noo ko.
“Do I know you?” I asked.
“I am Seliztin Sales, hindi mo ba ako naalala?” Ang kunot sa noo niya ay napalitan ng mga ngiti. Nakita ko rin sa kaniyang mga mata ang excitement. Pinakatitigan ko ulit siyang mabuti. Hindi ko siya maalala.
“Kilala ba kita dati?” tanong ko na lang sa kaniya. Tumango-tango naman siya sa akin.
“Oo! Hindi mo na pala ako naalala! Ako ‘yong palagi mong kasama dati!” sabi niya. Napakunot lang ang noo ko. Wala talaga akong maalala. I mean, hindi ko siya maalala.
Sino ba siya?
“Halika, dali,” sabi niya sa akin pagkatapos ay hinila niya ako papasok sa loob ng bahay na ‘yon. Hindi naman na ako tumanggi sa kaniya. Pumasok kami sa bahay na ‘yon.
Day-off ko ngayon kaya naman kagaya ng plano ko ay lumabas ako ng naglibot-libot ako sa Tastotel simula pa kaninang umaga at ang village na ‘to ay naging isa sa mga pamilyar sa akin kaya naman naglibot din ako rito at ang bahay na ‘to ang nakatawag talaga ng pansin ko.
Parang wala pa ring pinagbago…
Ang alam ko talaga ay binenta na ‘to pero bakit ganoon pa rin ang itsura niya. I am confident na dito sa baahy na ‘to kami dati nakatira.
Nang makapasok na kami sa loob ay napangang na lang ako dahil sa nakita ko. Para bang nakita ko ang 12 years old na Jeya na naglalakad pababa sa hagdan, naka-upo sa sofa at kung ano-ano pa— walang pinagbago pati mga gamit!
Naalala ko naman bigla na may pinagawang portrait si Mama sa akin sa may malapit sa front door kaya naman agad kong inilagay doon ang paningin ko.
Lalo pa akong napanganga dahil sa nakita ko na nandoon pa rin nakalagay ang portrait na iyon. Akala ko ba binenta na ‘to?!
“Gulat ka ba?” tanong sa akin ng babaeng kasama ko na Seliztin daw ang pangalan.
“Oo, ang sabi sa akin ay binenta na ang bahay na ‘to pero bakit parang wala namang pinagbago?” tanong ko pa sa kaniya. Tinaasan niya lang ako ng kaliwang kilay.
“Hindi ko alam pero hindi naman ‘to binenta ng Mommy ko,” sabi niya. Kumunot lang talaga ako, hindi ko maintindihan. “Ang alam ko lang, no’ng umalis kayo ay hindi naman ‘to binenta. Kung hindi mo ako naaalala. Ako ‘yong anak ng kaibigan ng Mama mo na si Tita Mira. Sa amin ipinagkatiwala ang bahay na ‘to. Hinihintay lang talaga namin ang pagbabalik niyo, nasaan nga pala si Tita Mira?” tanong niya sa akin.
Kumunot lang ang noo ko. Naguluhan ako bigla. Bakit sabi sa akin ni Mama noon ay matagal nang binenta ang bahay na ‘to?
Marami pa sana akong gustong itanong s akaniya pero sasagutin ko na muna ang tanong niya sa akin.
“Matagal-tagal na rin simula nang mamatay si Mama,” sabi ko at mapait lamang na ngumiti sa kaniya. Nanlaki naman ang mga mata niya.
“Hindi alam ni Mommy ang tungkol doon!” sabi lang nito.
Nagkuwentuhan lang kami na dalawa. May mga bagay siyang pinakita sa akin upang magpaalala na dati kaming magkalapit na magkaibigan. Katulad na lamang ng photo album na nakatago pa sa naging kuwarto ko noon. Unti-unti naman akong naniwala sa kaniya at inaalala na bestfriends nga nag turing namin sa isa’t isa noon. Maraming litrato’t bagay ang nagpapatunay ng mga iyon.
May mga bagay na rin akong naalala na kasama ko nga si Seliztin simula grade school hanggang sa umalis ako ng Tastotel.
“Tutal nandito ka naman na, puwede naman na dito ka na lang tumuloy. Dumadaan lang talaga kami rito para i-check ang bahay. Anyway, welcome back, sis,” Seliztin said to me and then she hugged me. Napangiti na lang din ako. Napayakap na lang din ako sa kaniya.
Siya iyong kaibigan ko no’ng mga panahon na dito pa kami nakatira.
Bago siya umalis ay in-abot niya na muna sa akin ang susi ng bahay. Tinanggap ko naman ‘to kaagad.
Malapit nang magdilim kaya nagpaalam na rin siya talaga siya akin upang umalis, may pupuntahan pa raw kasi siya. Ako naman ay nagpasya na manatili.
Nang makaalis siya ay nagtungo ako sa dating kuwarto ng mga magulang ko. Nandoon pa talaga lahat ng mga gamit na naiwan namin.
I am now planning if I will move here tonight or not. Pero kasi mas malapit sa condo ko ang workplace ko. Pero gusto ko rito mag-stay.
Ewan ko na lang.
May veranda roon sa kwuartong ‘yon kaya naman nagpunta ako roon. Sa gilid ‘to ng bahay at kitang-kita ko ngayon ang bahay na tinutukoy ni Elias na bahay niya.
‘It’s also a part of life. Bakit naman wala pang nagpapasaya na lalaki sa iyo, Jeya? You only live once.’
Aaminin ko na natigilan talaga ako sa sinabi niyang ‘yon. Ngayon na naalala ko na naman ay nakaramdaman na naman ako ng hiya sa sarili ko and pagkahiya at the same time. Bakit ko nga ba siya hinayaan na halikan ako?
Hindi ko rin alam.
‘Bakit naman wala pang nagpapasaya na lalaki sa iyo, Jeya?’
Bakit nga ba wala?
Grrr! May nagpapasaya naman sa akin—hindi nga lang lalaki. Sapat na siguro iyon. At saka wala naman akong balak na pumasok sa kahit na anong relasyon. Kadiri. Tapos magse-s*x, magki-kiss. Tapos mananakit lang, ano naman ang magiging ambag ng lalaki sa akin?
Hindi ko kailangan no’n.
Pero bakit gano’n? Hindi naman ako nandiri no’ng aktuwal niya akong hinalikan? Hindi naman iyon nagtagal kasi hindi naman talaga ako humahalik sa kaniya pabalik kasi unang-una ay hindi talaga ako marunong humalik!
Anong alam ko diyan?
Napahilamos naman ako ng mukha nang maalala ko iyon! Nag-iinit na rin muli ang mukha ko dahil do’n. Bakit ba hindi ko na lang kalimutan ang lahat?
Nakakapanggigil!
Dapat wala naman akong pakialam sa lalaking ‘yon, eh. Pinagpapasalamat ko pa nga na hindi ko siya nakita nitong mga nakaraang araw—wait! I felt stupid too! No’ng makita ko kasi siya rito ay akala ko talaga ay sinusundan niya ako. Malay ko bang dito siya nakatira?
Tinititigan niya kaya ako kanina tapos nakangisi pa nang nakakaloko kaya naman sino ang hindi mag-aakala na hindi niya ako sinusundan?
“Argh!” I shrieked. Natigilan naman ako bigla nang mapatingin ako sa may bandang first floor ng sinasabing bahay ni Elias.
Nakita ko roon si Elias— kitang-kita ko sa posisyon ko ang buong sala nila. Naka-glass wall kasi ‘to!
Up and down iyon katulad din ng bahay namin na ‘to. Pero sa tingin ko ay mas malaki ang bahay na iyon kaysa sa bahay kung nasaan ako ngayon.
Mas malaki talaga pero sino kaya ang kasama niya riyan?
Or, should I ask… mas kasama ba siya diyan?
Gusto ko sanang umalis pero hindi ko naman ginawa. Tinitigan ko lang siya.
May tanong din na nabuo sa aking isipan. Ilang babae na kaya ang nadala niya sa bahay na ‘yan?
I sighed. Wala dapat akong pakialam. Ano naman kung ilang babae na ang nadala niya sa bahay na ‘yan?
Hindi ko alam pero tinitigan ko lang talaga siya habang nandito ako sa may verandah ng bahay.
Magsisinungaling ako kung sasabihin ko na walang kakaiba sa kaniya. Ang totoo niyan ay marami na akong nakilalang lalaki, officemates at iba pa, pero ngayon lang ako nakakita ng katulad niya—I mean, he’s a handsome one.
He’s sexy and hot!
Dati hindi ko naiintindihan ang ibang mga babae na nagsasabing hot, like how nila nasasabing hot ang isang tao? And then, now, alam ko na kung paano nasasabi. For me, si Elias ang unang example ng depinisyon ko ng hot. Hot siya kasi unang-una ay pinapa-hot niya ang ulo ko. Putang*na niya.
Pero ang sexy niya talaga at magsisinungaling din talaga ako kung sasabihin kong hindi ako natu-turn on.
NAKAKAHIYA!
Nakakahiya no’ng sinabi ko sa kaniya na hindi ako magaling. Eh, iyon naman talaga nag totoo. Hindi ako magaling at wala akong alam sa s*x.
Pero…
I gulped. Bakit ako nakakaramdam ng ganito?
Umiling-iling na lang din ako at saka iniwas ko na ang tingin ko sa kaniya. Bakit ko nga ba tinitigan ang nakakagago na lalaking ‘yan?
Inilibot na ako ni Seliztin sa bahay na ‘to ngunit ginawa ko pa rin ulit. Ang dami kong memories ang naaalala sa lugar na ‘to. Napakadami.
I suddenly missed my mother. Paano kaya kung hindi kami umalis ng Tastotel? Siguro naman ay buhay pa rin siya hanggang ngayon.
Sana lang nakita niya na successful na rin akong tao kahit na papano. Haha.
Well, matatawag na rin siguro akong successful. I have overcome the pain and suffering.
Napatingin ako sa susi ng bahay na ‘to na binigay sa akin ni Seliztin kanina bago siya umalis. Dito na lang kaya talaga ako mag-stay?
Hindi talaga…
Siguro dadalaw na lang din ako rito? Thrice a week? Mas malapit kasi iyong condo ko sa Consejos.
Hindi pa rin talaga ako makapaniwala na hindi na-benta ang bahay na ‘to. Ang akala ko talaga ay binenta ito dahil iyon ang sinabi sa akin ng Mama ko bago siya namatay.
I made a mental note na puntahan ang nanay ni Seliztin para personal na magpasalamat. Magbabayad din ako para sa ginawa nilang pag-aalaga sa bahay na ‘to.
Akala ko talaga ay wala na akong bahay na babalikan… pero meron pa rin pala.
Thank you, Ma.
Natigilan na lamang ako nang bigla na lang ako makarinig ng sunod-sunod na doorbell. Napakunot naman kaagad ang noo ko. Nagtaka na kaagad ako kung sino pa ang nagdo-doorbell. Nakaramdam din ako ng matindingkaba sa hindi malaman na dahilan.
Dali-dali naman akong nagpunta sa front door at pinagbuksan ng pinto ang sino mang nagd-doorbell.
Napanganga na lang din ako nang makita ko kung sino ang nandoon.
Ngumiti ako sa kaniya. Fake. Just a fake smile.
“What are you doing here?” I asked him. Ngumisi lang siya sa akin. Naiinis na talaga ako tuwing ngingisi siya ng ganiyan! Pero, bakit nga ba ang guwapo niyang tingnan.
“So, you own this house?” sabi niya. I crossed my arms. Kanina lang ay nasilip ko pa siya no’ng nasa may verandah ako.
Paano niya nalaman nasabi na ako ang may-ari ng bahay na ‘to?
“You don’t care,” I said to him. Isasara ko na sana ang pinto pero mabilis niya naman kaagad na pinigilan ‘yon.
“I like how the universe plays with us, Jeya,” In a hoarse voice, he said.
Napanganga naman ako sa kaniya. “Ano na naman bang problema mo, Elias?”
Isa pa—anong universe?!
“Let me in,” sabi niya lang. Sinamaan ko naman kaagad siya ng tingin.
“A-Anong let-me-in? Umalis ka n-nga rito!” I hissed. Nililibugan na naman siguro ‘to. Ano na naman ba ang kailangan niya?!
“Why don't you want to let me in your 2H?” sabi niya. Napakunot naman ang noo ko. “I’m telling you, there’s so much fun in there.”
“Anong 2H?” I asked. Naguluhan ako bigla sa sinabi niyang iyon. 2H? 2 Hours? Ano ang ibig niyang sabihiin?
“House and”—he paused talking just to lick his lower lip— “and your hole.”
My mouth parted. Bigla akong nanghina. Ano na naman ba ‘to, Elias?!