SAMANTHA's P.O.V HINDI ko na maiwasang kwestiyunin kung ano na nga ba ang nararamdaman ko para kay Jacob. Simula nang sinabi nyang manliligaw siya sa akin ay pinanindigan niya iyon palagi siyang nasa bahay at kung ano-ano ang pinapagawa sa kaniya ni Papa. "Tapos na ba? Isang kahoy pa lang ang nasisibak mo? Ang laki-laki ng katawan, hindi marunong magsibak ng kahoy," umiiling na sabi ni Papa. Nasa bakuran silang dalawa habang kami ni Sancha ay nasa tapat lamang ng pintuan ng bahay at pinapanood sila. Pawis na pawis na ang buong katawan ni Jacob dahil sa pagsisibak at sa matinding init ng araw. Sandali niyang itinigil ang ginagawa, akala ko ay susuko na siya ngunit mabilis niyang hinubad ang suot na t-shirt. Parang nag-slow motion ang ginawa niyang iyon. Napalunok ako nang bumaba ang ti

