SAMANTHA's P.O.V SA pagpasok ko pa lang ng gate ay ramdam ko na nag tingin ng mga tao sa akin. Binalewala ko iyon hanggang sa makarating ako sa field at roon na batuhin ng mga itlog at kung ano-ano pa. "Akala mo ba maganda ka?" tanong ng isa sbaay bato sa akin. Napapikit ako at nanatiling nakatayo roon. Hindi ko kilala ang mga babaeng bumabato sa akin. Pagkadilat ko ay isang pamilyar na babae na ang nasa harapan ko at nakangisi sa akin. "Iyan ang napapala ng mga ilusyunadang tulad mo," ani Claire. May isinenyas siya dahilan para buhusan akong lalaki ng isang malamig at kulay brdeng tubig na medyo madulas pa. "Malandi!" "Pilingera!" "Lolokohin ka rin niya, t*nga!" Iyon ang mga naririnig ko habang patuloy sila sa pagbabato sa akin. Hindi ko na kailangan pang magtanong kung bak

