HALOS isang buwan na puro mukha niya na lang ang nakikita ko sa araw-araw. Tuwing may pasok ay nariyan agad siya, may mga araw diing sinusundo niya ako sa bahay. Tuwing sabado at linggo naman ay madalas din kaming lumabas o kaya ay tumatambay siya sa bahay kahit wla naman talaga siyang ginagawa. Sa lahat ng ginagawa niyang iyon ay hindi ko maiwasang mag-isip kung ano ba talaga ang plano ni Jacob sa akin. "Ba't ang dami na namn nito?" tanong ko. Ang mga mata ko ay nasa carbonara, burger, orange juice at may kasama pang hershey chocolate. Freetime namin ngayon, nasa garden kami ng school na madalas naming pagtambayan. Halos hindi panga yata natutunaw ang kinain ko kaninang lunch break sa dami riin ng binili niya. Ngayon mayroon na naman. "Kainin mo iyan lahat." Umupo siya sa tabi ko.

