KIM
Maaga akong umalis ng bahay gamit ang ang kotse ko, nakakadala na umuwi ng gabi dahil muntik nakong maholdap at marape noh.
Isa pa kelangan kong magpatulong para mahanap ung dalawang nangholdap sa akin kagabi, may naiwan na ID at pagkakakilan kilan ng taxi driver na nangholdap sa akin kagabi.iyon ang gagamitin ko para mahanap at maparusahan sila.
Pagdating doon sa tulay na pinangyarihan kagabi ay kataka takang napaka tahimik non, muka ngang walang nakatira bukod don sa lalaking iyon.
Sinilip ang gilid ng tulay para tiyakin na ligtas yon daanan, Nakakainis naman bakit ba kasi sa ganitong lugar nakatira iyon, hanggang ngayon hindi parin ako kumbinsido na pulube nga ang hinayupak na yon..
Dahan dahan akong bumaba ng hagdan sa may gilid ng tulay, ito pa ang mahirap e high heels ang naisuot ko. safe at buhay pa naman ako ng makababa ako ng estero, inilibot ko ang paningin sa kabuuan
May double deck don at may nakahiga, siya siguro. medyo kadiri ung lugar pero malinis naman pagdating sa hinihigaan nya sa kumot bedsheet at pillow case, walang makain pero parang bago ung mga damit.
Nakatalakbong siya ng kumot kaya humakbang ako para kalabitin siya.
“Hoy mr, na mukang pera"sundot ko sa kumot na nakatalakbong sakaniya.
“Hoy gising anu ba tanghali na, wag mo kong pag antayin mahalaga ang oras ko!"niyugyog ko siya dahil sa inis, muntik na kong madulas ng bigla syang magtanggal ng talakbong.
“Hinihipuan mo ba 'ko?"irita nyang tanong habang pupungas pungas ang mga mata.
“H-hindi no, bakit naman kita hihipuan aber? ang hirap mong gisingin kaya kita kinalabit"depensa ko sa bintang niya, mas maputi pa siya sa akala ko, naka white sando lang siya habang gulo gulo ang mga buhok, okay na sana kung mayaman siya gaya ko ang kaso hindi..pero pwedi naman syang magpanggap na mayaman..damit lang siguro ang papalitan sakaniya at gagawin pormal pak na pak na.
“Tapos ka ng pagpantasyahan ako?"nakangisi nyang tanong kaya napaiwas ako ng tingin.
“Dalian mo na, ayokong magtagal sa nakakadiring estero na 'to"palusot ko at pumihit patalikod para iwasan ang titig niya.
“Arte mo maganda ka ba?"tanong niya kaya hinawi ko ang buhok ko para ipangalandakan na si kimberly brillantes ang kaharap niya.
“If you don't know me let me introduce myself t—”humarap ako sakaniya dala ang confidence pero
“What the f**k, nakaboxer ka lang?”gulat kong sabi bago mag iwas ng tingin. baka kung ano pang makita ng virgin eyes ko mahirap na.
“Oo bakit? bahay ko naman to at isa pa mas kumportable kaya matulog ng ganito anu bang problema malaki naman ”baliwalang sagot niya kaya nag init ang muka ko..pakiramdam ko kasing pula na 'to ng kamatis dahil sa kamanyakan ng lalaking to.
“Wuy nagbu-blush ka ba?Aguy ang manyak mo naman"tumatawa nyang sabi, at ako pa nga ang manyak matapos nyang ibalandra sa harapan ko ang ben10 nyang brief, at proud to say malaki pa nga.
“Magbihis ka na ang dami mong sinasabi"humakbang ako palayo sakanya at sa halip ay tumingin nalang sa mga waterlily na nandon sa ilog.
“Namumula yung tenga mo”pang aasar niya habang tumatawa. hindi ko na siya pinansin pa dahil hindi matitigil ang pang aasar niya.
tatlong minuto ang nakalipas.
“Tara na ready na 'ko”hinarap ko syang muli pero agad ding napatalikod
“Kadiri ka ang baboy mo! bakit ka naka tuwalya? siguro may balak kang masama sa akin no?"napapadyak akong muli dahil sa inis.
“Baka gusto mo muna akong paliguin? hindi kasi ako sanay ng hindi naliligo bago umalis”sabi niya at tinahak ang banyo ang maliit na banyo. sinundan ko lang ng tingin ang maputi at maskulado nitong likod.
Isang oras ata bago siya matapos, kalalaking tao ang tagal maligo..totoo nga talagang maarte sa katawan ang isang to. pero okay narin yon kesa naman dugyot
“Bat ang tagal mo mukang natulog ka pa habang naliligo e"tanong ko, paglabas niya ay nakabihis na ito naka black sando at jeans lang ito, simple pero astig..wait sinabi ko bang astig siya?
“Kumain kana ba? kain tayo"aya niya ng maglakad kami pataas ng hagdan..nauuna siya habang nakasunod ako.
“No thanks, nagbreakfast na ako"sagot ko, napahinto ako sa paglalakad ng huminto siya at humarap sa akin.
“Ako hindi pa nag aalmusalsal”
“So what? anong pakialam ko sayo?"sarkastiko kong sabi, malapag syang ngumiti.
“Tapsilog? libre mo RK ka e"nagpatuloy na siya sa paglalakad at naiwan akong nakatiwang tiwang, teka pumayag ba 'ko? di ba hindi pa? napailing iling nalang ako dahil sa kakapalan ng muka niya.
“May pera ka hindi ba, wag ka ngang patay gutom"irap ko sakaniya kaya lumukot ang muka niya.
“madamot"bulong niya pero wala akong paki dahil ganon naman talaga ako sa taong hindi ko pa kilala.
“May kotse kaba? wag mong sabihin wala dahil mahirap ang bus dito?"tanong niya ng makaakyat kami.
“Nasa tabi”
“Saan ba tayo pupunta?” tanong niya habang nakasunod lang sa akin. pinindot ko ang button sa keychain at tumunog iyon.
“Ako na magddrive".
“Kala ko hindi ka marunong?”kagabi lang kasasabi niya palang na di siya marunong tapos ngayon gusto niya magdriver.
“Dati ata akong driver sa funeraria"nalunok ko ang sariling laway dahil sa gulat, kinuha niya ang susi sa kamay ko at sumakay sa driver seat. wala na kong nagawa kundi sumakay sa passenger seat dahil mukang hindi nanaman matatapos ang walang kakwenta kwenta nitong sasabihin.
Pagdating sa police station*
“Sila yon sr, sila talaga ung ng holdap sa akin kagabi!"sabi ko sa pulis ng makaharap ko ung dalawang lalaki kagabi na hindi makatingin sa akin.
“Opo sr sila yon madali lang silang matandaan, bukod sa magkamuka sila pareho din silang panget"sabat niya kaya napapikit ako..here we go again
“Anghard mo parang hindi ka kumita ah, ikaw nga may baril ..legal ba yun ha?"
"Alin eto ba?"nilabas niya ung baril sa kanyang sinturon at tinutok sa dalawang holdaper kagabi.
Kapwa gulat ang dalawang pulis na kaharap namin pati nadin ang dalawang holdaper..
“Ibaba mu yan sr nasa pulis station ka may lisensya ba yan?"tanong ni mamang pulis habang nakaantabay ang kamay sa pagbunot ng baril.
“Wala e, pero meron resibo..nabili ko nga pala to sa department store sa alabang, astig di ba parang tunay pew pew pew"gusto ko ng manliit sa kahihiyan bakit ba kasi may saltik ang lalaking to ok na sana e, gwapo pero baliw
Napakamot ng ulo ung dalawang pulis.
“Gago ka tinakot mo pa kami laruan lang pala yan!"
"Oo nga, kayo kasi e masyadong kabado HAHAHA"malakas itong natawa kasabay ng pagtalsik ng mga laway sa harap ng dalawang holdaper.
Kadiri,
"So ms.brillantes, ano pong gusto nyong mangyari sa mga holdaper na ito"tanong ni manong pulis.
“Parang awa nio na marami akong anak gusto niyo ibabalik nalang namin ung mga alahas na ninakaw namin kagabi wag niyo lang kami idemanda"pagmamakaawa nito sa akin.
“Naisip mo ba yan bago ka mangholdap ha? Sa panget mong iyan marami kang anak ay sabagay hindi kalang holdaper rapist karin"gigil na sabat nito habang nasa tabi ko, mas gigil pa siya kesa sa akin na nanakawan at muntik ng marape.
"Ibalik niyo ung cellphone at alahas mahalaga sakin ang mga yon"seryoso kung sabi..
"Kung ako sayo ms.kim idedemanda ko yan"bulong niya sakin na ikinagulat ko dahil dumikit ang kanyang labi sa aking tenga.
"Kilala mo ako?"tanong ko
"Brillantes epilyido mo hindi ba ?ikaw si kim dominggo"napapalakpak pa siya sa sariling kalokohan, napailing iling nalang ako
"Pinaglololoko mo ba ako?"irita kong tanong.
"Kimberly brillantes ka hindi ba apo ka ni mang kanor hipolito hahahaha sikat ka kaya, ikaw ung spoiled brat na apo"inambahan ko sya ng sampal pero agad na umiwas.
"Manolo hipolito anong mang kanor? e kung ikaw kaya ang ipakulong ko!"napapeace sign nalang ito at sumenyas na iziziper ang bunganga.
Pagkayari namin sa pulis station ay umalis narin kami.
Habang nasa biyahe ay huminto ito sa tabi. at hindi ko alam kung anong masamang espirito nanaman ang tumatakbo sa kanyang utak.
"Bat ka huminto? balak mo nabang magpakamatay dahil napagtanto mong wala kang magandang dulot sa mundo?"bumaba siya saka dumiket sa poste..
"Naiihi ako, anong pinagsasabi mo, mauna kang magpakamatay"
"Kadiri ka talaga tas ihahawak mo sa manibela ng kotse ko!"reklamo ko at kinuha ang isang pack ng wipes sa bag
"Ang arte mo naman, kung ayaw mong madumihan manibela ng kotse mo edi ikaw humawak, tyaka malinis tong kamay amuyin mo pa"kumukulo ang dugo ko at parang gusto ko syang balian ng lieg pero dahil kailangan ko siya, hahayaan ko muna syang huminga pansamantala.
'May tanong ako"
"Wala pa akong girlfriend in real life at kung gusto mong itanong kung ano ang gusto ko sa babae, ung maganda hindi kagaya mo, hindi maarte kagaya mo at shempre ung mas mayaman pa sayo, tyaka ung sexy at may dibdib”hinawakan pa nito ang sariling dibdib at pinisil
Batukan ko nga.
"Napaka dumi nyang bibig mo!"inis kong sabi pero malakas lang itong natawa, ambabaw ng kaligayahan.
"Ano bang pangalan mo?"seryoso kong tanong..dahil kanina pa kami magkasama at may kasunduan na kami pero hindi ko pa alam ang pangalan niya.
"Black"
"Black? anong epilyido mo"
"Black puti— aray ko"natawa ito ng batukan ko ulit siya.
Dumaan kami sa sikat na bar, ang akala niya ata ililibre ko pa siya ng alak na iinumin niya..hindi niya ko sugar mommy
"anong gagawin natin dito?"
"Dito ako nagtatrabaho"binuksan nito ang pinto ng kotse saka bumaba, at sumunod lang ako sakaniya hanggang sa makapasok sa loob.
"Anong trabaho?"malay mo callboy ang isang to, hanggat maaga hindi ko na itutuloy kasunduan namin..malaman pa ni lolo
"Ano bang trabaho ng mga gwapo? anu pa edi macho dancer"saka naglakad papasok ng bar, napaawang ang labi ko at hinabol siya
"What the f**k?seryoso ba, kadiri ano ba yan"baka nagbibiro lang siya kaya sumunod parin ako sakaniya sa loob, anghirap pakawalan ng isang to
Pagpasok palang ay sinalubong siya ng matabang bakla, humalik lang naman to sa pisngi ni black o diba? Kapit sa bakla para magkapera..ibang klasi din tong lalaking to..ginagamit ang katawan para mabuhay
"Magreresign na ako, may trabaho nako e"sabi niya sa baklang may tatlong layer ng bilbil.
"Bakit naman? mawawalan ako ng gwapo at magaling na bartender sa bar ko, hihina ang bentahan ng mga alak"kunwaring naiiyak na sabi ng baklushi.
So hindi pala siya macho dancer, kundi bartender. sabi ko nanga ba't lahat ng sasabihin nito puro kalokohan, pero mas okay narin
"Kailangan eh"
"Ano namang trabaho yan, mas malaki ba sahod kesa sa binibibigay ko sayo at aalis ka sa pangangalaga ko?"oo be mas makapal pa sa taba mo ung ipapasahod ko sakaniya.
"Maging boyfriend nitong babaeng nasa likod ko, at oo malaki pasahod niya..kasing laki mo"napahawak ang bakla sa kanyang dibdib
"Magkano ba at tutumbasan ko basta boyfriend narin kita"at kinilig ang hitad na bayot..pero sorry ka akin na ang isang to.
Hinila ko na si black palabas bago pa magbago ang isip nito
"Bat kaba ng hihila nagseselos kaba sa akin at kay bettybup?"at nakangisi pa nga as if naman kaselos selos ang bading na iyon.
"Naka kontrata kana sakin kaya hindi kana pwedi makipagdeal sakaniya!"sumakay na ako ng kotse at ganon din ito para magdrive.
"Napaka selosa mo naman pala ms kim"natatawa pa siyang inistart ang kotse at sinimulan patakbuhin
"Dumaan tayo sa mall"utos ko habang nasa kahabaan ng biyahe
"Dadaan lang?"abat pilosopo to ah.
"Ofcourse hihinto! bibili tayo ng disenteng damit dahil ipapakilala nakita agad agad kay lolo bilang boyfriend ko, and plsss lang umayos ka sa harap ni lolo"pakiusap ko kahit na kinakabahan ako sa kahihinatnan ng pagpapanggap na ito..imagine kagabi lang ako nakipag deal kay lolo tas nakahanap nako ng ipapakilala sakaniya
"Maayos naman ako ah"sinilip nito ang sarili at inamoy amoy, "Mabango din ako"
"San banda ng pagkatao mo ang maayos?"pamimilosopo ko
"Gwapo ako macho at bonus ung pagiging matalino, muntik na ko mag top1 nong kinder kundi lang ako natae sa short"napasinghal ako habang napapailing iling
ibang klase.
"Pwedi ba kahit one time lang magseryoso ka"nahilot ko ang sariling sentido dahil sa stress na dulot ng hinayupak na lalaking to.
"Plus 1k yan a, pramis gagalingan ko"kindat niya kaya gulat akong napatingin sakaniya
"Abusado ka!"
"Aba aacting ata akong illeganteng tao kagalang galang no dapat lang may talent fee ako"proud nitong sabi
“Wala na kong masabi sayo black the great gold digger"bilib kong sabi habang pumapalakpak
Itataya ko ang allounce ko para sa mamanahin ko kay lolo sa future, sana lang andito si kuya lucas para tulungan ako sa company, hindi sana ako ganito kaproblemado