KIM
MAHABANG busina ang umalingawngaw sa tulay, natanaw ko si black na nagmamadaling makalapit sa kotse ko suot ang casual suit na binili ko sa mamahalin na botique sa mall..malaki laki na rin nagagastos ko sa patolang lalaki na 'to kaya dapat lang galingan niya kundi tatamaan siya sa akin.
Casual white polo long sleeve, gray blazer and pants, with white sneakers shoes na limited edition sa store na pinabili niya sa akin, kinaltas ko na sa sahod niya at pumayag naman siya basta yong bayad lang sa sapatos, o di ba ang kapal ng pagmumuka.
Nagdrive na 'ko papunta sa mansyon para ipakilala si black, pero sa biyahe palang ay kinakabahan na 'ko na baka may masabi sya na ikalaglag ko o kaya ay masabi siya na hindi magustuhan ni lolo..miyembro pa naman to ng kulto
"Ano nga ulit pakilala mo kay lolo?"tumingin ako sakaniya habang nagmamaneho..huminga siya ng malalim at tumingin din sa akin.
"Ako buduy"masama ko syang tinitigan
"Kalma nga, nakakairita e..ako ng bahala"pa cool na sabi nito at hinawi ang buhok.
"Tandaan mo kapag nabuko tayo ni lolo, patay ka sa akin"banta ko pero ngumisi lang to.
Pagdating don ay hindi manlang nakikitaan si black ng pagka kaba o nerbyos dahil haharap siya sa lolo ko na kilalang tao sa bussiness industry, ano pa bang aasahan ko siya si black na gumamit ng pekeng baril para iligtas ako..sabay namin tinahak ang malaking mansyon ng brillantes, maraming maids ang sumalubong sa akin at proud akong ibalandra sakanila na boyfriend ko ang lalaking kasabay ko maglakad ngayon na todo kaway at malapad na ngiti na parang namomilitika.
kumakaway?
tinapik ko ang kamay niya at sinamaan siya ng tingin.
"Umayos ka"mahina kong sabi at ngumiti, ipinagpag nito ang blazer at tumindig
Natanaw ko si lolo na pababa ng hagdan hawak ang kanyang mahiwagang batuta, kumikinang ang kanyang bunbunan sa liwanag ng chandelier..seryoso ang kanyng aura kaya hindi ko mabasa ang tumatakbo sa isip ng matanda.
"He's my lolo, siya si black lo"pakilala ko, kinilatis ni lolo ang lalaking kanyang kaharap mula ulo hanggang paa.
"Black Villamariano sr, nice to meet you"inilahad nito ang kamay na ilan minuto bago tinanggap ni lolo..mas nakaka kaba pa to sa akala ko sheeesssh..
BLACK
“San ka nag aral at anong course mo?Company ng mga parents mo?"sunod sunod na tanong ng lolo ni kim, tumikhim ako para iklaro ang boses ko.
"I studied in united state until college, and i graduated in bachelor of science in bussiness administration major in marketing management sr, about my parent's companies and property, we have companies and bussiness in different country.. i also have my own that i handle here in philipines, i won't say the name of my company to brag..but the company i have is big, my parent's own a luxury hotel, beach resort, malls and a car store"Mahaba kong paliwanag sa lolo ni kim na mukang hindi naman naghinala sa mga sinabi ko, gusto kong matawa sa expression ng muka ni kim di ko alam kung naniniwala ba siya o ano, but it doesn't matter kung akalain nyang biro iyon o totoo.
"Villamariano? Yes, maimpluwensyang tao ang mga villamariano,"tumawa ito"Unang tingin ko palang sa iyo alam ko ng galing ka sa Wealthy family, well black..i like you to my grand daughter"nakaramdam ako ng kakaibang excitement, hindi na bago sa akin ang mga ganitong papuri sa ibang tao pero hindi ko alam kung bakit ko ito nararamdaman ngayon.
"My pleasure sr"yumuko ako hawak ang aking tyan, siya ay humalakhak at hinawakan ako sa balikat.
"Tawagin mo na akong lolo, we're family now dahil ikaw ang boyfriend ng apo ko, im so happy na ikaw ang napili ng apo ko"may laman ang kanyang sinabi at mukang nahalata niya at alam niya na pagpapanggap niya lang lahat ng ito, tuso ang lolo ni kim at tingin ko hindi iyon napansin ni kim na nabuko na siya ng lolo niya.
"So, kailan ko ma me-meet for dinner ang parent's mo?"tanong ng lolo ni kim, naramdaman ko ang nanlalamig na palad ni kim ng pisilin nito ang daliri ko..
Kinakabahan siya.
"they are busy with their work and they don't have time, if it's okay with you, next month"sagot ko at tumawa muli ito.
"Ok lang hijo, sige maiwan ko muna kayo ng apo ko, siya nga pala dito kana mag dinner black"malapad akong napangiti at sumang ayon.
"Thankyou"
Nang hatakin ako sa kung saan ni kim, hindi ako pamilyar sa bahay nila pero tingin ko papunta kami sa garden.
"Ano na naman ba, bakit ng hihila ka dyan?"naiinip kong tanong, ang babaeng to talaga.
"Ikaw saan mo nakuha ang mga pinagsasabi mo kay lolo? alam mo bang kinabahan ako ng sobra?"muka nga syang kinabahan dahil namutla. HAHA
"Alam mo kasi, aaminin ko na saiyo.. mayaman talaga ako at sa harvard kaya ako nag pre-elem at nagkinder"Natatawa kong sabi pero sumama lang ang timpla ng muka.
"Inaatake ka nanaman siguro ng sakit mo sa ulo"irap niya na ikinatawa ko, ang sarap talaga sa pakiramdam kapag nakikita ko ang nakabusangot nyang muka.
"Totoo naman na graduate ako ng bachelor ah, ikaw ano bang natapos mo grade 6"Sinubukan niya kong hampasin pero agad akong umiwas..akala mo ah gagawin niya na naman akong punching bag sa twing hindi niya gusto ang sinasabi ko at tinotoyo siya.
"Aminin mo ang gwapo ko di ba?"kindat ko sakaniya para lalo syang asarin.
"Nagmuka kang tao dahil sa suot mo na binili ko, you should thanks to me dahil nagmuka kang tao"
"Bakt ba ang sunget mo lagi, araw araw ka bang may dalaw? siguro hindi ka love ng mama mo no"pang aasar ko sakaniya pero mukang dinibdib niya ata ung biro ko.
Tinignan lang ako ni kim at hindi na umimek, pansin ko rin ung pag lungkot ng mukha niya..nalulungkot din pala ang isang ito akala ko laging galit
_____
UMUPO ako sa tabi, nandito nga pala kami sa garden.
"Huwag kang mag alala, wala rin akong mama"medyo seryoso si black sa mga oras na ito, pero medyo lang.
Nakatingin lang ako mula sa malayo at inaantay ang sasabihin niya pa, bukod kay lucas siya palang ang lalaki na nakakausap ko ng ganito.
"Umiinom kaba?"bigla kong tanong habang siya'y nakatgingin sa kawalan.
"Syempre, di naman mabubuhay ung tao pag walang tubig, kahit nga ang isda umiinom"sabi ko na nga ba at sinasapian na nanaman siya ng kulto.
"I mean, beer o alak!"at sinong hindi mag iinit ng ulo sa lalaking ito na parang bata at walang maisagot na matino.
"Oo naman, kaso wala akong pang aambag dyan ah"
"Ano?"
Taong kalye nga pala ang lalaking ito kaya asal eskwater.
Tumayo ako at nagpaalam para kumuha ng maiinom.
Agad din akong nakabalik, agad ko syang inabutan ng shot glass at sinalinan sa kanyang baso at ganon din ako.
"So nasaan ba mama mo?"bigla nyang tanong habang sinisimsim ang wine.
"Sumakabilang”
"Buhay? nako sorry"malakas nyang sabi kaya napaigtad ako sa gulat.
"Makikinig kaba o hindi?"pinaningkitan ko siya ng mga mata.
"Sumakabilang bahay"bagsak balikat kong sabi.
"Pareho lang tayo"napatingin ako sakaniya ng magsalita siya.
"May iba rin pamilya mama mo?"curious kong tanong.
"Ung mommy ko, ipinagpalit ni dad sa mistress niya"seryosong sabi ni black, kita mo mamaya change mood na naman to.
"Wow mommy, meron ka nun talaga bo?"sarkastiko kong tanong habang natatawa.
"Edi inay, ano ayos na? ipinagpalit ni itay si inay sa chimimay niya ano okay na tayo don?"inis niya na tanong kaya malakas akong natawa, ambaba talaga ng tolerance ko sa alak..
"Simula ng magkaroon sila ng anak ng chimimay niya, binaliwala na ako ni itay"malungkot na kwento ni black kaya nakaramdam ako ng 1% na awa.
"Kaya pala parang kulang ka sa aruga"malungkot kong sabi.
"Sama ng f*****g attitude mo hoy"inis nito na sabi at inirapan ako.
"Ikaw, sumakabilang bahay mama mo tapos?"tanong ni black.
"Hindi na nag pakita si mommy sakin, 8 years old pa lang ako noon.. si daddy naman patay na kaya si lolo nalang ang nagpalaki at nag alaga sa akin"kapag naalala ko talaga noong bata pa ako hindi ko maiwasan malungkot ng sobra, mayaman naman ako at maganda pero may kulang talaga sa pagkatao ko.
"Ako nung binaliwala ako ni itay nag sarili na ako ng buhay"
"Kaya ba don ka nakatira sa estero?"tanong ko at napatitig sakaniya.
"Oo, parang gusto ko nalang nga pumunta sa canada for sake"tulala ang kanyang mga mata sa pool.
"Minsan talaga pati imagination mo naikukwento mo na no?"
"Bakit ba ayaw mo maniwala? mas mayaman pa nga ko sainyo e"nakanguso nyang sabi.
"Yan imagine pa more, saan mo pala nakuha ung villamariano na epilyido? hindi halatang nagbabasa ka ng magazine"
"Syempre sa dyaryo, saan pa ba? kailangan ko ng dyaryo sa pang araw araw kong pagtae"
"Bakit kailangan mo pa ng dyaryo? ang akala ko ibinabalot mo nalang sa supot at pinalilipad sa ilog?"natatawa kong tanong.
"Minsan, pag walang budget pambili ng dyaryo..o kaya ibinabaon ko sa lupa na parang ginto"
ibang klase talaga ang taong to, pero ganoon pa man komportable akong kasama si black, na kahit minsan nagpapainit ng ulo ko.