“Okay let’s start with the first Group.” sabi ni Miss. Tumayo naman yung mga group 1
Ang Film nila is Teen Fiction saka Romance.
Ang bida ay sina Quincy na ginaganapan ni Andrea, Cyril na ginaganapan ni Axel, Princess na ginaganapan ni ate Alyzza, at si Symon na ginaganapan ni Gregory.
Parang ang story is that magkapatid sina Quincy at Symon sa Nanay tapos sina Symon at Cyril sa tatay. Best friend ni Quincy si Princess tapos manliligaw naman ni Princess si Symon.
Parang ganon, tapos in the end, mapapagdesisyonan nila na mag start-over tapos magkakatuluyan sina Symon at Princess samantalang sina Cyril at Quincy parang mas pipiliin nila na hanggang friends nalang kasi di sila sure kung pwede ba sila knowing na pareho nilang half brother si Symon.
Medyo controversial yung film nila, and it's based sa true story, which is story ng tito ni Axel, ni Tito Cedric.
Given na halos magkakamag-anak lahat ng tagarito, except sa mga dayo syempre, medyo open-secret yung about sa story ni Tito Cedric at Tita Alana. They're both married naman na though.
After nun isa- isang nagpakilala yung mga members ng Group 1.
Which is sina Nikki, Andrea, Alyzza, Corinne, Savanna, Reena, Axel, Ed, Gregory, Gino, Emgel, at Jhon Rhey
After nun tinawag na ni Miss ang Grupo namin. Inabot ni Summer ang CD na pinaglagyan namin ng film. Si ate Autumn na kasi ang nag volunteer na mag ayos at mag burn ng Movie namin sa CD.
Nagsimula na ang Opening marks. Lumabas na ang name ng group namin tapos yung title ng movie namin, which is ‘Ice Hearts’ then yung genre na Action at Romance.
Nagsimula na yung first scene. Halatang halata na nakuha namin yung interest ng mga kaklase namin dahil unusual ang genre na pinili namin, yung Romance usual siguro pero yung Action hindi, knowing that were only Highschool Students.
Ang first scene, action parang flashback kung bakit iniwan ni Sapphire si Tristan, then yung 2nd scene is yung mga ginawa ni Tristan para hanapin si Sapphire, yung third pagbalik ni Sapphire sa Seryphil kasama si Krystal.
4th is yung First Day ni Sapphire, sa school ni ate Lav namin kinunan kasi wala silang pasok, 5th - 8th yun yung mga nangyayaring pagkaka salisi nina Tristan at Sapphire then yung rest alam niyo na.
Napatingin dito sa pwesto namin si Miss nung lumabas sina Krystal at Blue sa scene.
Pwede kami magsama ng ibang tao kasi nga kulang kami sa tao na gaganap.
Nung nasa last scene na lumabas na yung mga picture namin na kinunan ni ate Lavalee tapos sa baba naka lagay kung anong ginanapan at kung anong ginawa.
Wala kaming taga-gawa ng props dahil halos lahat ng ginamit namin kayna Fuego at saka natural sa background.
Akala ko tapos na nung lumabas ang Picture namin ni Fuego tapos nakasulat sa baba ‘Sapphire and Tristan ‘ pagkatapos nun biglang may lumabas na video nina Krystal at Blue
“Hewe awe your bwoopews.” sabi ni Blue
Super cute nya talaga kahit bulol.
Tapos pinakita yung mga scene na naulit namin tawa kami ng tawa especially nung lumabas yung scene kung saan nadulas yung boys habang naglalaban.
Tapos lumabas na yung credits then may nagp-play na video sa gilid.
Nung tiningnan ko kung ano yun saka ko lang narealize na yun yung behind the scenes ng prank namin.
Andoon kung paano magpanggap si ate Ianna sa harap nila at kung paano kami pumuslit papasok ng kusina ni ate Ielle, pagkatapos ng lahat namatay na yung screen.
“Everyone did a great job, you really did put a lot of your efforts in making the movies. Now, let’s hear their comments about your movies. Any comment about Group 1?” sabi ni Miss
“Miss, can we speak tagalog?” tanong ni Aphrill
“Go on.” sabi ni Miss
Ang magco-comment ay sina June, Aphrill, Jinky, Stephanie, Naquil, Jona and Joseph.
“Miss sa Group 1, yung camera po kasi malikot tapos mahina ang boses ni Reena pero sweet naman po sila.” comment ni Stephanie
“Magaling po yung pagkaka edit.” sabi ni Naquil
“Di po ganoon ka sweet sina Alyzza at Gregory.” sabi ni June
“Medyo nakakalito po yung kwento pero maganda po yung acting nila.” sabi ni Jona
“What score do you want to give them? Class, I hope you won’t get mad at them, they just point out the flaws so that next time you know what to do.” pagpapa alala ni Miss.
Nagtaas ng score board yung mga parang judge namin tapos lahat yun 9 except kay Naquil na 10 ang nilagay.
“For me I’ll also give you 9. Good jobe, Group 1.” sabi ni Miss tapos ang score nila is 9.1 nung ni round off naging 9
“Now with the Group 2.” sabi ni Miss
“Miss, can we ask them?” tanong ni Jinky
“Yes, you can.” sabi ni Miss
“Sino yung dalawang bata?” tanong ni Jinky
Since di naman ganoon kakilala nung iba naming ka grupo sina Krystal at Blue at since mukhang walang balak magsalita sina Fuego at Summer ako na ang sumagot.
“Krystal Dawn and Blue Dusk. Pamangkin nina Fuego.” sabi ko
Di ko na dinagdag si Summer since, you know, di nya naman pamangkin yun dalawa.
“Okay lang yung mga emosyon nila, minsan parang totoo pero madalas parang nahihiya si Mia sa camera.” sabi ni Joseph at napatango ako
Aminado naman ako dun sa part na nahihiya ako sa Camera e.
“Parang natural lang yung mga scene.” sabi ni June
“Ang g**o ng fight scenes para pong hindi inaral.” sabi ni Naquil
Bias tong isang toh eh.
“Sweet yung dalawang lead.” sabi ni Stephanie
“Parang professional ang gumagawa.” sabi ni Jona
“So, what’s their score?” tanong ni Miss
Nagtaas ng 10 lahat ng judges except kay Naquil na 8 lang ang itinaas.
“I’ll also give them 10. It’s justifiable.” sabi ni Miss
Ang score namin nung na compute is 9.7 nung ni round off naging 10.
“I bet you all had fun while doing those activities.” sabi ni Miss
“Each member of Group 2, since they got the highest score, should tell their experience in making their movie.” sabi ni Miss
Tumayo naman si Ren.
“Ako muna ah. Miss, can we speak Filipino?” sabi ni Ren
Nagtagalog muna bago nagtanong eh. Tumango naman si Miss.
“At first we thought di makakapunta si Mia since she wasn’t allowed before then after a while Fuego brought Mia. Sinundo nya pala para maassure yung Mom ni Mia na project talaga ang gagawin namin. Dahil doon kami matutulog sa bahay nina Fuego at Summer, we decided to designate roommates. Rica and Jil, AJ and DJ, San and ako, Ken and Hans then solo si Nick.” sabi ni Ren
Teka, don’t tell me sasabihin niya na share kaming room ni Fuego?
Technically parang di rin since di naman ako natulog nung nandoon ako.
Biglang nagtaas ng kamay si Corrine. Tinawag ni Miss si Corrine.
“Paano si Mia?” tanong niya
“Mia, pwede ko sabihin?” pagtatanong ni Ren sa akin umiling naman ako
“Nung pagkadating namin sa bahay nina Summer na abutan namin sina Fuego at Summer na nagtatalo kung saan matutulog si Mia then nanalo si Fuego kasi nandoon pala ang gamit ni Mia, bukod pa yung dala niya.” sabi ni Ren kaya napa tingin dito ang iba naming kaklase.
Tumayo naman ako para ako na magtuloy, umupo naman si Ren tapis ako yung naglakad paunahan.
“Technically, we didn’t share a room at all since I wasn’t able to sleep the first night, and I spent it talking with ate Autumn who happen to live there too then the second night we slept at the house their father bought for Summer, it was where the scene after Sapphire slept crying was taken then at the last night ate Ianna and ate Ielle invited me for a sleepover at their room there.” sabi ko
Sunod si Rica naman yung tumayo.
“Nung hapunan ang sarap ng pagkain namin. Sabi nila si ate Autumn daw yung nagluto, sobrang saya ng shooting namin kasi yung mga kaibigan ng ate nina Summer nakakatawa dahil lagi silang nag aaway pero still close sila. Nung agahan namin ng second day pinagka kaisahan nung magkakapatid si Mia.” sabi ni Rica
Sunod tumayo naman si AJ
“Our trip was fun kasi parang totoo lahat ng nasa story namin, it’s as if Fuego and Summer were really a Hamilton and a Lee. Tapos yung kambal ang cute kaso ang lamig nung little girl na Krystal yung pangalan, ka vibes niya yung ate nina Summer at Fuego na Winter ang pangalan tapos si Blue kasing jolly nung ate Lavalee nila, pero ka close nila si Mia.” sabi ni AJ
“Nung nandoon kami kayna Fuego kung di mo kakausapin yung mga kasama mo parang mabo-bore ka sa sobrang laki ng bahay maliligaw ka. Nagtataka nga ako kung bakit di naliligaw yung dalawang bata kapag naglalaro sila doon, ang sarap magluto nung ate Autumn nila tapos na discover namin na magaling pala magluto si Mia kasi sya yung nagluto ng Chicken Cordon Bleu.” sabi ni Nick
Aangal pa sana ako na tumulong lang ako kaso nakatingin na agad sa akin yung kambal.
Sheez.
“It seems that all of you had fun during the film making. The film making’s objection was for each group to make a film and get close with each since you are already in Grade 9 and next school year you’ll be Grade 10 and graduating.” sabi ni Miss
Kaya pala di na isinama yung mga absent.
Paano nga naman kami magiging close kung sobrang dami namin at kung nay hinihintay kami na iba.
After ng classes namin nag ayos na ako ng gamit nung biglang lumapit dito si Nick.
“Pupunta ka?” tanong nya
“Oo, sabihin mo may gagawin lang ako.” sabi ko
Lumabas na sya kasama sina Ken pagkatapos nun.
Biglang lumapit dito sina San at DJ.
“May activity kayo sa Church?” tanong ni DJ
“Hmm,” sabi ko habang natango
Tinuloy ko na yung pag aayos ng gamit ko.
Pagkaayos ng mga gamit ko lumabas na kami ng room, nagpaalam na sina DJ at San na kasabay nila sina Gino at Clein pauwi.
“Nee-chan, sasabay ka sa amin?” tanong ni Summer
“Ah hindi. May church activity kami.” sabi ko
Tumango naman sya tapos hinigit yung Kuya Fuego niya paalis.
Ako naman nag iintay dito sa tapat ng room ni ate Shinize.
Parehas kaming grade nine at magkasing edad kami pero mas matanda sya sa akin ng isang linggo.
“Hinihintay mo si Shinize?” tanong ni Jasper
“Oo.” sabi ko
Biglang may umakbay sa akin inalis ko naman yun tapos hinarap yung nang akbay.
“O, Fuego, bakit bumalik ka?” tanong ko
Nakita ko naman si Summer na kasama niya
“Ba’t bumalik kayo?” tanong ko
“Nii-chan is jealous.” sabi ni Summer
“Huh?” tanong ko
“Wala.” sabi ni Sum
Nakita ko sina AJ at Jona na papunta dito. Bigla namang lumapit dito si Shinize kasama sina Dennise, Maris at Mean.
“Tara?” tanong sa amin ni Dennise
“Tara.” sabi namin
“Nee-chan, una na kami ni nii-chan.” sabi ni Summer
“Sige. Ingat sa pagda drive.” sabi ko sa kanila
“I will.” sabi ni Fuego tapos sinundan na si Summer
“Sayonara, Nee-chan Mia!” sigaw ni Sum at kumaway ako pabalik.
Naglakad kami palabas ng gate ganito yung pwesto;
Habang naglalakad kami nagkekwentuhan sina Shinize, AJ, Mean.
Nasa unahan namin sila habang kami nina Jona at Dennise nandito sa likod nila.
“Mia, ang sweet nyo talaga ni Fuego.” sabi ni AJ
“Bakit? Ano namang ginawa namin?” tanong ko
“Tama si AJ ang sweet niyo ni Fuego doon sa movie.” sabi ni Jona
“Alangan ano bang genre ng movie namin?” natatawang tanong ko sa kanila
“Sabagay.” sabi ni AJ
“Anong movie?” tanong ni Mean
“Ah yung group project namin sa English.” sabi ko
“Pero may kaunting tagalog.” sabi ni AJ
“Sino nagsulat ng script?” tanong ni Shinize
“Ako.” sabi ko
“Pero di niya alam na sila ang gaganap.” Natatawang sabi ni AJ
After 30 minutes of walking, nakarating kami sa Church tapos binaba namin yung bag namin.
Bibili daw sila ng pagkain kaya sumama nalang ako. Pagkalabas namin chineck ko kung dala ko yung pera at Phone ko.
“Mia, pahiram ako ng cellphone mo.” sabi ni Mean kaya pinahiram ko yung phone ko.
Bumili kami ng Combo.
Fries at Drinks with Shanghai, lemonade yung drink ko.
Bumalik na kami sa Church after nun. Nung pagkadating namin halos kumpleto na.
Sina ate Pam nalang ang hinihintay.
“Oh, upo na kayo dito.” sabi ni ate Ace
Friday nga pala ngayon para sa kaalaman niyo or kung hindi nyo natatandaan.
After nun humiwalay na kaming mga girls sa mga boys.