3 weeks later

1613 Words
Recognition day na namin and katulad ng sunabi ko kay na lola kasama ako sa with honors. After ng Recognition Day namin lumapit sa akin si DJ. “Bess, sama ka?” tanong niya “Saan?” tanong ko “Gagala kami nina San.” sabi niya “Sabihin natin kay Mom.” sabi ko Lumapit naman kami kay Mom. “Tita, pwede po sumama si Mia gumala?” tanong ni DJ kay Mom “Hindi pwede may lakad kasi kami.” sabi ni Mom Lakad? Saan? Nagpaalam na si DJ sa amin tapos umalis na sila. Grade 10 na ako next school year pero di parin ako pinapayagan na gumala kasama ng mga best friends ko. Pagdating namin kina Nanay bumili lang si Mom ng Tinapay na hugis Lechon at saka Ice Cream. Pagkakain namin bumalik na kami sa bahay pagkabihis ko humiga agad ako sa kama. Pagbukas ko ng phone ko may nag chat agad sakin. Pagbukas ko sina Fuego pala. Fuego: Congrats, my angel. I’m proud of you. Aishiteru. Lavalee: Congratulations, Mia! Keep up the Good Work. :) Summer: Congrats, Nee-chan Mia! Autumn: Congrats, Anzhela Mia! Spring: Congrats, Mia! Great job! Lyn Rielle: Congratulations! You did a Great job, Mia Winter: Congrats, Mia. Nagulat ako nung may nag pop up na dalawang message. Frostwind: Congratulations, Anzhela Mia. Starlight: Congratulations, Mia Del Quintana. Priness ko yung view profile para malaman kung sino sila. Frostwind Choi Lives in Tokyo, Japatrein Studied at Frostwood Academy Married to Starlight Hesperides Works at Frostwood Academy Joined: November **19 Si Kuya Snow pala yung Frostwind Choi. Eh, sino yung Starlight? Chineck ko din yung profile nung Starlight. Ang ganda ni ate Starlight. Starlight Hesperides Lives in Seoul, South Breakore Studied at Frostwood Academy Married to Frostwind Choi Works at Hanazaki Corp. Joined: October **18 Asawa pala sya ni Kuya Snow. Isa-isa ko silang ni-replyan ng ‘Thank you’. Buti pa sila nagawa akong batiin. Di ako nagtatampo kayna DJ kasi sila kaninang umaga pa ako binati tapos sina Nanay binati ako kanina. Ikaw talaga Mia kung ano-ano pinag iisip mo. Biglang may kumatok sa pinto ko. “Ate, tulog ka ba?” tanong ni Andrew “Ah hindi.” sagot ko tapos binuksan ang pinto “Bakit?” tanong ko “Pinapapatawag tayo ni mommy.” sabi niya Lumabas naman ako at sumabay sa kanya pababa. “Mia, Andrew, upo muna kayo.” sabi ni Mom kaya umupo ako sa upuan na bakante. Wala akong katabi kasi pang animan yung table namin tapos sa dulo ako umupo ganun din ang ginawa ni Andrew. Si Mom naman naka upo sa upuan sa gitna. “Mia, Andrew, baka umuwi ang Daddy niyo ngayong June dahil ibang management na ang magpapatakbo sa site na pinagtatatrabahuhan ng Daddy nyo kaya babawasan natin ang gastos natin.” sabi ni Mom Walang problema sa akin yun dahil sa dalawang linggo 100 lang ang nagagastos ko at minsan may natitira pa ako, ewan ko lang kay Andrew kasi 200 a week yan. “Andrew saan mo ba balak mag-aral ng Highschool?” tanong ni Mom kay Andrew “Sa school na pinapasukan ni ate. Yung mga ka tropa ko po kasi doon mag-aaral.” sabi niya “Sige, pero kailangan makapasa ka sa full scholarship dahil mahal ang tuition fee nila doon.” sabi ni Mom Totoo naman kasi kaya 30 lang kami at 35 sina Shinize sa Classroom ay dahil kami lang ang scholar, either nagbabayad ng tuition fee monthly or may Scholarship dahil sa iba’t ibang sports or academic activities. Ako may full scholarship ako pero kailangan ma retain ang grade ko ng 88 and above. Ang alam ko almost 50,000 ang tuition fee ng isang school year. Libre ang pagkain ng recess pero hindi ng lunch kaya nga yung iba kong kaklase tuwing reccess na nagla lunch. “Edi magpapaturo kay ate.” sabi ni Andrew “Mia, turuan mo si Andrew para makapasa sa entrance exam.” sabi ni Mom Tumango nalang ako. Ang swerte ni Andrew kasi pwede ko sya turuan pero ako dati walang kasiguraduhan na makakapasa. Graduation ni Andrew kanina kaya na late si Mom at kaya si Nanay ang umattend at nagsabit ng medal sa akin. Nung hapon na pumunta dito sina ate Aphrodite at si Kuya Timothy. Kaya ko sila inaate at kinukuya kahit mas matanda ako sa kanila ay dahil mas matanda sila sa dugo. “Ikaw, Aphrodite saan ka mag-aaral sa grade 9?” Tanong ni Mom kay ate Aphrodite “Gusto ko po sana sa school na pinapasukan ni ate kaya lang sabi ni Mommy di daw po pwedeng dalawa ang gumamit ng scholarship certificate na regalo sa kanya ng SMI.” sabi ni Ate Aphrodite “Ikaw Tim, saan ka mag aaral ng Highschool?” tanong ni Mommy kay Kuya Timothy Repeater kasi sya kaya sabay sila ni Andrew kahit na dapat grade 7 na sya. “Gusto ko nga din po doon sa pinapasukan ni ate Shin.” sabi niya “May scholarship silang ino offer.” singit ko sa usapan nila “Pwede pa kaya ako kumuha?” tanong ni ate Aphrodite sa akin “Oo. Pati si Kuya pwede. Si Andrew nga mag-e-exam next week para ma avail yung scholarship.” sabi ko Nung medyo pagabi na dumating si tita Leslie, nakita ko kasi syang dumating. “Ate, anong formula nito?” tanong nya habang tinuturo yung equation na binuo ko. Andito kasi kami sa sala nag aaral, tinuturuan ko sya para makapasa sya sa entrance exam. “I-add mo lahat ng variable tapos i-add mo rin lahat ng constant.” sabi ko Bigla naman nag vibrate yung phone ko kaya binuksan ko yun. Nag-text si Fuego. ‘Good Night, my Angel. Sweet Dreams.’ Nag reply ako ng; ‘Good Night din. Sweet Dreams.’ Tapos tinago ko na sa bulsa ko yung phone ko. Tiningnan ko naman yung pinapasagutan ko kay Andrew. “Mali. Di ganyan, Andrew.” sabi ko kasi pinag sama niya yung variable x at variable a “Edi paano?” tanong nya “Ganito.” sabi ko tapos sinagutan yung pinapasagutan ko sa kanya. 3x + 3a + 4x + 17 + 45 = 52 + 4x + 3a + 5x 7x + 3a + 62 = 52 + 9x + 3a 7x + 3a + (-3a) + 62 = 52 + 9x + 3a + (-3a) 7x + (-9x) + 62 = 52 + 9x + (-9x) -2x + 62+ (-62) = 52 + (-62) (-½)(-2x) = (-10)(-½) X = 5 Pinakita ko naman kay Andrew kung paano ko sinagutan yung Equation isa-isa kong ini explain kung bakit naging ganoon at kung paaano yung makukuha. “Geli, Geli, “ tawag ni tita Leslie kay Mom “Bakit?” sabi ni Mom tapos lumapit sa may trangkahan “Papaturuan ko sina Aphrodite at Tim kay Mia para makakuha ng scholarship.” sabi ni tita “Pinapaturuan ko nga rin si Andrew kay Mia. Makakatipid pa sa gastos.” sabi ni Mom Lumapit ako sa kanila para sumali sa usapan since involved naman ako. “Bukas po pwede ko sila turuan.” sabi ko kay tita Leslie. “Sige, sasabihan ko na yung dalawa. Salamat.” sabi ni tita tapos bumalik sa bahay nila. Ako naman binalikan ko si Andrew para i check yung pinapasagutan ko sa kanya. Yun gets na nya yung equality at Inequality ng Algebra. Tinabi ko na yung mga ginamit namin na materials. “Matutulog na po ako.” sabi ko tapos umakyat sa kwarto ko. Pagkasara ko ng pinto umupo ako sa gilid ng kama ko. This the reason why I distance myself from them. They only see me when they needed something from me like now. I laid to my bed and opened my phone for notifications. Hmm. 6 unread messages 3 Missed calls Puro unknown number. Biglang tumawag uli yung isang unknown number. 09********6 calling Sinagot ko naman yun. [Thank goodness you answered, Mia.] sabi sa kabilang linya “Hello?” tanong ko [Buenas Noches, Mia. Miss us?] tanong nya “Buenas Noches, Ate Ielle.” bati ko pavalik [Anyways save our number okay? The number with 5 as the last digit is Ria’s and the number with 1 as the last digit is Alessa’s.] Sabi niya Sinave ko naman yung mga number na sabi niya saka ko binasa yung mga text. Ate Alessa Congratulations, Mia! Keep it up. ~ Alessa Ate Eleonor Great Job, Mia. Congratulations. ~ Eleonor Ate Alexa Good Work, Mia. Congratulations. ~ Alexandrine Ate Elisa Continue the Great work, Mia. Congrats. ~ Elisa Ate Ianna We are proud of you, Mia. Congratulations, Sis! Ate Ielle You deserve it, Mia. We are proud of you, Sis. Nakaka touch yung messages nila. Kahit isang beses palang nila ako nakasama sobrang bait na nila sa akin. Sana totoo nalang yung tawag sa akin nina ate Ianna. Biglang may nag notif sa messenger ko. Si Zea pala, yung isa ko pang best Friend. Best Friend: Me: Congrats, Bess. 8:30 am Mia: Thanks, Bess. Online pala sya kasi gumalaw yung chat head nya pababa. Best Friend: °°° Ano kaya sasabihin niya? Ang tagal nya mag type ah. Chineck ko muna yung iba pang GC at Chat para tingnan kung may iba pang bumati. Best Friend: Congratulations, Mia. I love you. Shit! B..bakit sya ang nagamit ng account ni Zea? Muntik ko nang maibagsak yung phone ko, agad kong kinlose yung chat tapos ini-off ang data ko. Sana di nya napansin na sineen ko lang. Natulog na ako agad after ko maghilamos at toothbrush.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD