The Childhood Best Friend

2638 Words
Kahapon ang daming nangyari lahat sila gusto maging katabi si Fuego pero lagi nyang pinipili ay upuan sa tabi di ko alam kung coincidence lang ba na laging walang naka upo doon dahil either absent or lumipat ng upuan. Andito ako sa may kanto naglalakad papuntang school. Prestigious school yung Dark Light Academy, pasalamat nalang ako at naging scholar pa ako “Hey!” rinig kong tawag sino kaya yun “Hey! Anzhela Mia!” rinig kong tawag kaya tumingin ako sa likod at nakita ko si Fuego naka dungaw sa bintana mg isang Limousine “Ride with me?” tanong niya “Di na, nakakahiya.” Pagtanggi ko “Net, it’s alright join us.” Nakita kong may kasabay pala syang iba “Di na po, nakakahiya.” sabi ko “I insist, join us. Gusto kong may makausap na ka-age ko na hindi boy unlike Fuego.” sabi niya “Uh, okay po,” sabi ko tapos sumakay “Um Hello, I’m Mia.” sabi ko at ngumiti “Kawaii,” sabi nung babaeng katabi ko at katabi ni Fuego “Thanks, you’re beautiful.” sagot ko “You speak Japanese?” tanong nung babae na nasa tabi ko “No, I just understand a bit.” sagot ko “Yah! Fuego-chan, she’s still kawaii.” sabi nung babae kay Fuego “Kuya?” taka kong tanong “Hmm. I’m his twin.” sabi niya at ngumiti Di ko alam pero I feel like I know her. Kaso baka hindi, kasi para kasi talagang familiar siya sakin eh. Kahit si Fuego parang familiar pero di ko maalala. “Summer.” Di ko namalayang nasabi ko pala ng malakas at nakita kong nagulat sya “Yiee you remembered me, Onee-chama Mia.” sabi niya I was right. Pero paanong kilala ko siya? “How about me and her do you remember us?” tanong nung babae na may auburn eyes na katabi ng babae na may Gray eyes “Um, Nee-chan Lavalee? Winter-nee?” takang tanong ko Hula lang naman kasi feeling ko tama pero bakit parang mali. Kasi naalala ko na nung bata ako may kapitbahay kami na may auburn eyes at hair din pero matagal na kasi yun 7 years ago at di pa ako sure kung totoo yun. “She remember us, Icey.” sabi ni ate Lavalee “But nii-chan said you can’t remember him.” sabi ni Summer habang nakatingin kay Fuego “I really don’t remember anyone named Fuego Juarez.” sabi ko at alanganing ngumiti “I get it now.” sabi ni Summer “We’re here.” sabi ni Fuego “‘Til next time, Mia nee-chan.” sabi sa akin ni Sum “See you next time, Summer.” sabi ko tapos umalis na yung sasakyan nila Sabay kami naglakad papunta sa room pagka dating doon nakita kong sarado pa pala. Lagot cleaners pa naman kami ngayon! Nakita kong naglabas si Fuego ng susi at binuksan yung pinto. “Let’s clean.” sabi niya “Di ka cleaners ngayon.” sabi ko in a-matter-of-factly tone “I am now.” sabi niya at tinulungan ako maglinis Nung malinis na ang lahat tinapon na namin yung mga basura sa trash bin. “Saan ka nakakuha ng susi?” tanong ko “Dean,” sabi nya “Ah, ang cute ni Summer.” sabi ko “You’re cuter.” sabi nya kaya napaiwas ako ng tingin Sya pala si Sunny. Nung bata ako, sa Cerenai, may kapitbahay kami na foreigner pero tuwing bakasyon ko lang sya nakakalaro kasi tuwing bakasyon lang din kami nauwi sa Cerenai. Sya pala yung batang yun. Maya-maya dumating na yung mga kaklase ko pero di ko sila pinapasok kinukuha ko lang yung bag nila tapos pinapalagay sa upuan nila pero yung footsocks nila nasa box. Nung medyo malapit na mag prayer time dumating yung mga ka-grupo ko. “Papasok, cleaners kami.” sabi nung ka-grupo ko “Mamaya na pag prayer time na.” sabi ko “Gusto mo lang mapagalitan ka tapos sasabihin mo walang tumulong sayo.” sabi nung member ko na maarte “I helped her, we don't need your trivial complaints in cleaning.” Kahit ako nagulat sa sinabi ni Fuego kaya hindi nakakapagtaka na natahimik sila. “It's okay, di mo naman sila kailangan ganunin.” sabi ko sa kanya Nung prayer time na, pinapasok namin sila pero kailangan naka footsocks na sila. Inayos ko yung pagkakalinis dun sa likod. Biglang dumating si Naquil, pagkatapak niya, di sya nag footsocks “Stop right there. Wear your foot socks.” sabi ni Fuego tapos tinulak si Naquil pabalik “Wala,” sabi ni Naquil nagulat ako nung binato sya ni Fuego ng Footsocks galing sa box. “Now, wear that.” sabi niya Grabe sya. “Wow, ang linis ng room.” sabi ni Ms. Lily “Sino naglinis?” tanong ni Ms “Kami po,” sigaw ng mga ka-grupo ko because that is the rule of our room. Basta may ka-group na naglinis sa buong group ang credit. Nakita kong nainis si Fuego bigla syang nagtaas ng kamay Oh, no! Hindi pa sya nasasabihan tungkol sa classroom rules. “Bakit, Fuego?” tanong ni Ms kaya inilingan ko si Fuego “Mia worked alone.”sabi niya “Totoo ba yun, Mia? Anong oras ka pa dito?” tanong ni Ms. Lily sa akin “Ano po, tinulungan naman po ako ni Fuego nug around 6 po.” sagot ko “You’re early.” sabi ni Ms. “Explain later, okay?” sabi ni Miss sa aming magkaka grupo Nagdiscussion na kami at kasabayan ko si Fuego sa Recitation. Sunod naming subject after Science is TLE. Fave ko sana ang TLE since baking ang topic namin but puro computation and conversions kami most of the time so para nang Math. “Okay, this activity is by pair. It is best if you pair with your seatmates.” sabi ni Ms. Kala so si Fuego ang ka-pair ko dahil sya lang ang katabi ko dahil sa may center aisle ako naka upo. “Mia, palit tayo.” sabi ni Corrine sa akin “Bakit?” tanong ko “Wala lang,” sabi niya kaso patayo palang ako binigay na sa kin ni Fuego yung papel tapos may pangalan na naming dalawa. Whole name pa. “Your turn to answer.” sabi nya Nakita kong sinagutan nya na yung lahat ng odd numbers so akin yung even numbers. “Ah pasensya na, Corrinne, may pangalan ko na yung sheet bawal na ako lumipat.” sabi ko “Ah, sige,” sabi niya Tinapos na namin sagutin lahat ng questionnaires. Ako na nagpasa kay Ms. Kala Umupo na ako sa seat ko at nagsimulang magreview para sa next subject. Nung lunch break na, nakita ko na walang kasama si Fuego. “Ahm DJ, San una na kayo, sasabayan ko lang si Fuego.” sabi ko at pumunta sa tabi ni Fuego “Tara, kain na tayo.” sabi ko sa kanya Napansin kong ang tamlay nya “What’s wrong? Are you sick?” tanong ko sa kanya in English baka kasi hindi niya maintindihan kapag nagtagalog ako “Annyeong. I just don’t feel alright.” sabi nya “Why? Are you sick?” tanong ko “I miss old times, Zhela.” sabi niya dahilan para matigilan ako “Old times?” I asked na medyo naguguluhan “Yeah, years ago.” Sagot niya “Fuego, sorry but I think you shouldn’t be too attached to the past. You can make new memories.” sabi ko na parang nagustuhan naman nya kasi hinigit niya ako at pumunta kaming Caf. Sabay kami kumain ng lunch, tinulungan nya ako sa activity report na ginagawa ko hanggang matapos. “Fuego, pwede ka naman sumama if you don’t want to be left alone but kayna DJ ako sasama later ng lunch.” sabi ko sa kanya I know na parang pang BF/GF yung statement but it’s just para hindi siya ma-offend o magkaroon ng ibang idea saka medyo naawa ako kasi mag-isa lang siya. “As long as that guy isn’t with you.” sabi niya dahilan para maguluhan ako “Who?” tanong ko “Mia anong gagawin natin sa report mamaya sa Filipino?” tanong ni Gino sa akin. “Ah maga-act lang naman tayo diba? Ang i-a-act natin is yung magiging outcome ng scenario.” sabi ko at inabot yung isang kopya ng script sa kanya “Ah, sige.” sabi nya at kinuha yung script “As long as he isn’t with you.” sabi ni Fuego “Who? Gino?” taka kong tanong sa kanya “Yes,” sagot nya “Why not? Gino is kind, I thought you too got along?” takang sabi ko pero umiwas sya ng tingin “I just feel out of place when he’s there.” Sabi niya “It’s alright, if you feel out of place you could just tell me.” Sabi ko sa kanya “Can you keep this promise ring?” sabi niya sabay abot sa akin ng isang singsing. Meron ako nito ah. Nilabas ko yung nasa wallet ko. Di ko sinusuot kasi hindi kasya sakin, masyadong malaki eh. “You kept it?” tanong niya sa akin dahilan para maguluhan ako Kept it? “Kept it?” tanong ko sa kanya “Never mind,” sabi nya at akmang itatago na ulit yung singsing nung kuhanin ko Sinilip ko yung ilalim at pangalan nya yung nandoon, yung akin kasi pangalan ko yung nakasulat. “Patry ako ah? Try mo rin.” Sabi ko at inabot yung singsing ko na inabot nya naman kaya sinukat yung ring niya kaya ngayon sakto na sa ring finger ko yung singsing. Tin-ry niya rin at mukhang sumakto. “Do you remember what this ring symbolizes?” tanong nya “Sorry, di ko maalala.” sabi ko at halatang nalungkot siya “I see. What matters is you still treasured it nevertheless.” sabi niya sa akin Maya-maya pinatawag ako sa room. “Bakit po, Ms. Lily?” Tanong ko pagka pasok “Napansin ko at ng iba mo pang mga kaklase na ka-close mo na si Fuego. That is a good thing.” sabi niya “Ah, childhood best friend ko po pala sya, kanina ko lang po naalala.” sabi ko “Great, at least may makakasama na sya dito.” sabi niya Nakita ko si DJ at San paglabas ko ng room kaya lumapit ako sa kanila. “DJ! San!” tawag ko sa kanila at niyakap sila “Sabi sasamahan lang saglit eh halos kasama mo na buong tanghali.” sabi ni DJ na parang nagtatampo “Sorry. Sinabihan kasi din ako ni Miss at saka kaibigan ko rin siya noon.” Sabi ko “Panong nangyari yun?” tanong ni San “Ah, basta,” sabi ko “DJ, San, Mia.” bati ni Gino Sa amin “Oh?” tanong ni San kay Gino “Wala lang.” sabi nya “Sus, popormahan lang nyan si Mia.” sabi ni DJ “Ay may che-checkan pa pala ako, sige, bye!” sabi ko at pumunta sa room tapos nag-check ng papers para sa Math. Numbers na naman ang lunch ko, sheesh. “Let me help you.” sabi ni Fuego pero umiling ako “Kaya ko na.” Sabi ko at nagcheck na ng papel. Maya-maya nag bell na. Umayos na kami ng upo para sa Filipino. Nung pumasok si Ms. Jen, nagsitayuan kami. “Magandang hapon, A section.” bati nya sa amin “Magandang hapon rin po, Ms. Jen.” sabi namin Si Fuego di nagsalita. Di ata marunong magtagalog. “Lahat ng Members dapat sasali sa presentation, maliban nalang kung talagang maraming naiambag.” sabi ni Ms. Paano si Fuego? “Don’t think about it, Mia.” sabi niya at kinuha yung script. Nasakto pa na absent si Christian. “Sabihin mo muna sa akin yan Fuego.” sabi ko Ang scene namin ay paghihiwalay ng dalawang matalik na magkaibigan. “Pangako ko sayo, Tin, Pagbalik ko di na ako malalayo ulit sa’yo. Pangako.” “Pangako?” “Oo pangako. Babawi ako sa lahat ng panahong mawawalay ako sa’yo.” sabi niya at halatang nag slang siya ibang words. Tinuro ko sa kanya yung tamang pagbigkas dun sa ibang Filipino words. Ang kwento kasing napunta samin ay magbest friends sila na nagkahiwalay pagbalik nila andun parin yung feelings na tinatago nila. So, we inspired it by the song ‘Dati’ by Sam Concepcion. Nagbunutan lang kami ng plot, kami kami rin kasi yung na-isip ng story kaya ganito yung mga topics Ipe-present namin sya today. “Group 5,” tawag ni Ms. Jen sa amin Sa opening, yung dalawang pinakamaliit sa group namin yung nagpresent “Pangako ko sayo, pagbalik ko di na ako malalayo ulit sa’yo. Pangako.” Sabi ni Trishan “Pangako?” tanong ni Jesse na parang bata “Oo, pangako.” Sabi ni Tirshan at nagpinky swear sila kasi nga ang ipino portray nila is yung batang Kristine at Huey. Maya-maya nagshift na ng scene eto na yung part kung saan magkikita ulit sila pero di na sila magpapansinan kasi matagal na silang di nagkita kaya parang nagkaroon ng gap between them. Tapos to cut the story short ita try nilang ibalik yung samahan kaya lang biglang mauungkat kung sila nagkahiwalay. Magkaharap kami nina Gino, Fuego, Rhey, Jona, nagtutruth or dare kasi kami sa scene. “Bakit ka nga ba umalis?” tanong ko habang nakatingin kay Fuego “Kailangan kong umalis.” Sabi niya at biglang tumayo yung tatlo kaya naiwan kaming dalawa ni Fuego sa harap. “Kailangan?” tanong ko sa kanya “Anong kailangan? Bakit kailangan mong umalis? Bakit mo ako iniwan?” tanong ko “Ikaw, bakit mo ako kinalimutan?” Natahimik kaming lahat dahil sa tanong ni Fuego Hindi parte yung script. “Ano?” tanong ko dahil naguguluhan ako “Apat na taong pinagsamahan natin yung itinapon mo.” Sabi niya at tumayo “Hindi kita tinanong kasi ako yung umalis, tinaggap ko na may ibang tao nang nandoon sa pwesto ko, may ibang tao nang nagpapatawa sayo at gumagawa ng bagay na ako lang yung gumagawa noon.” Tinatamaan ako dun sa sinasabi niya. Tumayo narin ako at hinarap siya. Parang iba na kasi yung sinasabi niya. Slang yung pananalita niya pero ramdam yung emosyon. Parang totoo. “Wag mo na akong tanungin kasi mas gusto ko na ako mismo ang magsabi sayo kapag handa na ako na tuluyang magbago ang tingin mo sakin.” Sabi niya at niyakap ako Nagpalakpakan na sila pero naestatwa ako dahil sa binulong niya. “Not yet, Mia, not yet please.” Bulong niya bago ako pinakawalan at iniwan. Agad akong umupo sa tabi niya at nag-iwas naman siya ng tingin sakin. “Ang galing nyo namang dalawa Mia, Fuego.” sabi ni Ms. Jen “May tanong ka, Corrine?” tanong ni Miss kay Corrine “Paano po nila nasaulo yung script ng ganoon ka bilis saka bakit parang bihasa si Fuego sa pagtatagalog?” tanong nya “Marunong ako magtagalog.” sabi ni Fuego The fudge? Pinahirapan nya kami mag-English tapos nakakapag-Filipino pala sya? After nun, kami ang may pinaka mataas na score. Nung uwian na kasabay ko sina DJ, San, Clein at Gino. “Ang galing mo kanina, Mia.” sabi ni San “Naks! Compliment ba yun, San?” Sabi ko at inasar-asar siya. Super duper sungit kasi niyan. “Nee-chan Mia!” rinig kong tawag sa akin “Sino yun? Bakit ate ang tawag sa’yo?” tanong ni San Right. Half japanese si San so alam nya meaning non.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD