“Mia!” rinig kong tawag nina San at DJ sa akin nung nag bell na ibig sabihin lunch na
“Oh?” tanong ko
“Tara.” sabi nila sabay higit sa akin.
Hihigitin na sana nila ako nung hinigit din ako ni Fuego.
“Maya nalang, Fuego.” sabi ko at binigyan sya ng assuring Smile
Hinigit ako nina San at DJ sa Garden.
"Hindi tayo magla-lunch?" tanong ko sa dalawa at tiningnan nila ako ng blangko
“Umamin ka nga samin.” Sabi ni San habang nakatingin ng diretso sakin
“Anong meron sa inyo ni Fuego?” tanong ni DJ
“Magkaibigan kami.” sabi ko kaya natawa ako dahil sa tanong niya na obviously ay may ibang meaning at may iba silang ine expect na sagot sa akin.
“Ako wag mong lolokohin. Ano nga?” Tanong nya
“Wala nga promise.” sabi ko sabay taas ng kamay na parang nanunumpa sa watawat ng Pilipinas.
“Sure?” tanong naman ni San
“Oo nga.” sabi ko
“Ba’t ang close nyo?” Tanong ni San
“We're friends,” sabi ko
“Friends lang ba?” tanong ni DJ
“DJ naman eh.” Pagmamaktol ko
“Wag mo kong ma-DJ-DJ naman diyan. Ano nga?” pagtataray ni DJ
“Fine more than friends, best friends,” sabi ko at muntik na akong batukan ng dalawa
“Kala ko naman. Luma-love life ka na eh.” sabi ni DJ
“Study first ako. Lagot ako kay Mommy at Daddy pag nawala ako sa honors alam nyo yan.” sabi ko sa kanila
“Haay you and your reasons, Mia.” naiiling na sabi ni Sannvel sa akin
“Wala akong magagawa. Ganun ang situation ko eh.” sabi ko
“Try mo lang naman, Mia. Di malalaman nina Tita.” sabi ni San kaya napabuntong hininga ako at umiling
“Pag nalaman ng mga kaklase natin, paniguradong makakaabot kay Shinize, at pag nalaman nya sasabihin niya kayna Mommy.” sabi ko at bumuntong hininga
Bumalik na kami sa room dahil magbe-bell na, napa-iling nalang ako dahil hindi na kami nakapag-lunch.
Oh well, wala din naman akong baong lunch.
Pagkapasok ko sa room nag foot socks na ako at umupo sa tabi ni Fuego.
“Mia,” sabi niya sabay abot ng papel sa akin
“Why?” tanong ko
“Paper.” sabi niya
Ah, yung papel pala.
Binasa ko yung nakasulat.
‘Gusto kita, Mia.
-secret admirer’
“Kanino 'to galing?” tanong ko kay Fuego.
Nagkibit balikat lang sya
“Gandang kausap neto. Saan mo nakita?” sabi ko sa kanya
“Your chair.” sagot nya
Sheez, ang lamig talaga nya.
Sabihin nyo nga sa akin paano ko naging best friend to noon?
Pagkatapos ng lahat ng klase namin tinawag ako ni Gino.
“Saglit lang ah.” sabi ko kay Fuego
Tumango naman sya kaya lumapit na ako kay Gino
“Ano yon?” tanong ko
“Basta sa chat nalang.” sabi niya
“Ano nga?” tanong ko
“Basta.” sabi niya
“Bakit mo pa ako tinawag?” tanong ko uli
Bakit nya ko tatawagin yun lang naman pala.
“Si Fuego ano ahm ano mo ba sya?” tanong ni Gino
“Best friend ko rin. Bakit?” tanong ko
“Ah, sige.” sabi niya at umalis
Huh? Anyare dun?
“What did he say?” tanong ni Fuego pagkalapit sa akin
“Nothing, actually.” sabi ko
Lumabas na kami ng school tapos habang naglalakad nagtaka ako nung kasabay ko parin sya.
“Bakit di ka pa sinusundo?” tanong ko pagkatigil
“Eodi samsimnikka?” tanong ni Fuego at tumingin ako sa kanya dahil hindi ko alam na nako-Korean pala sya
(KT: Where do you live?)
“Mworago Hasseoyo?” tanong ko dahil mali yata ang pagkakaintindi ko
(KT: What did you say?)
“Where do you live?” tanong ni Fuego
“Why?” tanong ko
“Just tell me.” sabi nya
“Why?” tanong ko
“I’ll walk you there.” sabi niya
"There's no need," tanggi ko
“I just want to.” sabi niya
“Okay.” sabi ko
Sabay kaming naglakad pauwi.
Nung nasa may maraming food stalls kami hinigit ko si Fuego sa mga yon.
“Mia, we’re not even sure those are clean.” Sabi niya
“Fuego, masarap toh promise.” sabi ko
“Are you sure?” tanong niya
“Naman,” sabi ko sabay ngiti
“Fine,” pagsuko niya
“Ate, dalawang 5 pisong fishball at 5 pong kikiam.” sabi ko sabay abot ng 20
“I’ll eat that if you let me pay.” Sabi ni Fuego sabay abot ng 50
“Fuego sakto na yung bayad ko.” Sabi ko naman
“Let me pay it Mia.” Sabi niya kaya napasimangot ako
“Fuego, my idea, my money.” Pangungulit ko
“Mia, let me pay.” Sabi niya at nagsukatan kami ng tingin pero napaiwas ako ng tingin kaya napangisi siya. Itinabi ko na yung pera ko.
“Kayong dalawang bata kayo, kay sweet nyo naman. Ineng hayaan mo na ang nobyo mo na magbayad.” Sabi ng tindera kaya napailing ako
“Mworago Hasseoyo?” tanong ni Fuego habang nakatingin sa babae
“Di mo na gets?” tanong ko sa kanya at umiling siya
“I’ll translate it, okay? She said that we are sweet because she thought we’re in a relationship. She told me to let you pay because she thought that you are my boyfriend.” Paliwanag ko sa kanya
“Porener pala yan, akala ko pinoy kasi nagkakaintindhan kayo kanina.” Sabi ng tindera kaya napangiti ako
“Ah hindi po. Tinuturuan ko lang po.” Sabi ko
“Let’s go.” Sabi ko kay Fuego
“Sige po, salamat.” Sabi ko sa tindera
“Why did you say thank you?” tanong niya
“It’s a sign of respect to vendors.” Paliwanag ko
“Bakit di mo pa kinakain?” tanong ko habang naglalakd kami kasi hindi pa siya nakain.
“I don’t know how to eat it.” Sabi niya kaya tinuruan ko siya kung paano kumain
Bigla akong kinabahan nang dumating kami sa shortcut.
Pinagsabihan na ako nina Tito na wag dito dadaan ng mag-isa kasi nga kahit na sabihing shortcut to papunta samin, delikado dito.
Ilang ulit na kaming pinaalalahanan nina Nanay at maging nina Tito na wag dito dumaan kasi maraming lasenggo at maraming mga nag-a-adik dito.
“Wha- Fuego you startled me.” Sabi ko nang bigla akong hawakan ni Fuego sa balikat
Akala ko kung sino na.
“I was calling you several times already. What’s wrong?” tanong niya kaya napabuntong hininga ako
“Um there are many drunkards here. I was just taking precautionary measures.” Sabi ko at nagmadali sa paglalakad
“You mean every time you’re passing this street, you’re like that?” Tanong niya at tumango ako
Maya-maya nang makarating na kami sa street namin, nakahinga ako ng maluwag.
Kinakabahan talaga ako kapag nadaan ako doon.
“Mia, what if I didn’t walk with you, you could’ve had a panic attack.” Nag-aalalang sabi ni Fuego
“It was just a shortcut. The real route is safer but it will take us 2 hours of walking.” Kalmadong saad ko
“Mia, if you are alone walk in the safer route, okay?” sabi niya kaya napabuntong hininga ako
Ilang beses na akong nasermonan nina Rhey Rhey at kuya Dylan tungkol dito pero may times na dumadaan talaga ako dito dahil sa pagmamadali.
“Okay, Fuego.” Sabi ko at ginulo niya ang buhok ko
Tumigil ako sa paglalakad nung malapit na kami sa compound namin.
“What’s wrong?” tanong niya kaya napatingin ako sa paligid.
“Ahm, Fuego, I can take it from here.” Sabi ko at nginitian siya
“Why?” tanong niya ulit kayanapabuntong hinga ako
“Um ayoko lang ma issue.” Sabi ko
Hindi magandang makita nino man na hinatid ako ng lalaki maliban nalang kayna Jhon Rhey at Dylan kasi nadadaanan nila itong compound namin.
“Annyeonghi- gaseyo.” Sabi ko sa salitang maiintindihan niya
(KT: Please go peacefully)
“Mia, meet me in that store tomorrow morning, we’ll walk together.” Sabi niya kaya tumango ako
“Kamsahamnida Fuego. Annyeong.” sabi ko at naglakad na papunta sa compound namin
(KT: Thank you Fuego. Bye)
Pagpasok ko sa compound namin ay agad akong binati ng mga kapitbahay namin.
“Aga mo ngayon, Mia ah.” Bati ng isang kapitbahay namin
“Wala po kasing masyadong ginawa sa school.” Sabi ko
“Ate Mia!” Bati ng mga batang madalas kalaruin ni Andrew noon.
“Nandyan na ba si Andrew?” tanong ko at umiling sila
“Ayusan mo uli ako, ate Mia.” Sabi ni Grace
“May assignment ako ngayon eh, baka sa Sabado pwede.” Sabi ko at bumalik na uli sila sa paglalaro.
Weird.
Usually kasi nauuna si Andrew umuwi sa akin dahil mas malapit ang school nya sa bahay.
Pagpasok ko sa gate nagtaka ako nung tahimik ang bahay, pag ganito kasing oras madalas ay nakabukas na yung TV dahil nanonood si Mom ng K-Drama.
Pagpihit ko ng doorknob ay naka lock pa pala, kaya kinuha ko yung susi na nakasabit sa ID ko at binuksan yung pinto.
Pagkapasok ko ay inilock ko na yung pinto at umayat sa kwarto ko, pagkapasok ko sa kwarto ko, kumuha ako ng damit na pamalit at pumasok sa bathroom, naghalf-bath ako tapos nagbihis na.
Pagkabihis ko lumabas na ako ng bathroom at kinuha yung phone ko sa drawer, nag text ako kay Mom na nakauwi na ako.
Mom
Magluto ka nalang kapag nagutom ka, nadito pa kami ni Andrew sa Mall.
Ipinatong ko yung phone ko sa table at inilabas yung mga gamit ko para mag-aral.
Tinaggal ko yung towel na nakalagay sa ulo ko at inilugay ko yung buhok ko at sinuklay yun, itinirintas ko yung buhok ko patagilid habang nakaharap sa salamin.
Umupo ako sa harap ng table ko at nagsimulang magreview pagkatali ko ng buhok ko.
Nagchat ako kay ate Aly para magtanong tungkol sa isang topic namin na di ko gets.
Mabilis naman siyang nagreply kaya na gets ko rin kaagad yung topic namin, mabuti nalang talaga at si ate Aly ang leader ko kadalasan sa school kasi bukod sa matalino at magaling sya mag explain ay mabait at approachable sya.
Nakita ko sa active list ko na active din si Zea pero nagdalawang isip ako bigla kung icha-chat ko siya kasi baka ibang tao yung may hawak ng phone niya ngayon.
Maya-maya ay narinig kong bumukas yung gate sa baba kaya tumingin ako sa bintana ng kwarto ko at nakita ko sina Mom at Andrew.
Medyo maraming bitbit si Mom na paperbag, pati rin si Andrew. Sinara ko na yung kurtina ng bintana ko at inilock yung pinto ng kwarto.
Pagtingin ko sa orasan 6:39PM na pala. Hindi naman ako nagugutom kasi kumain kami kanina ng streetfoods.
Naalala kong may mga research paper pa nga pala kami.
“Ate Mia, kakain na.” rinig kong sabi ni Andrew habang nakatok
“Papunta na may tatapusin lang.” sabi ko.
Nang matapos ko na ang mga research paper na ginagawa ko bumaba na ako.
Ako nalang mag-isa ang kakain, nung tapos na ako kumain niligpitan ko na yung kinainan namin.
“Ate Mia, di ka na naman sumabay sa amin kumain.” sabi ni Andrew pagkapasok nya dito sa kusina.
“May tinapos pa ako.” sabi ko
“Pero bakit kahit Sabado at Linggo?” tanong nya
“Andrew, may tatapusin pa ako.” sabi ko at nilampasan siya
“Ate, with honors ako ngayong grading.” sabi niya
“Keep up the good work Andrew, make Mom prouder.” sabi ko at pumunta na sa kwarto ko
With Honors si Andrew, kaya siguro sila nagmall kanina, itinireat siya ni Mom.
Samantalang pag ako ang may achievement simpleng congratulations lang ang natatanggap ko, haay talk about favoritism.