INLOVE! pa follow po thanks

1008 Words
Chapter 17 Sapo ang ulo ng bumangon sya.Gawa ng wala sya gaano tulog ay idagdag pa ang hang over medyo naparami kasi sila ng nainum last night.Pagkatapos nya kasi ihatid ang dalaga sa apartment nito ay inaya sya nitong magkape muna. Pina unlakan naman nya sa alok dahil gusto din naman nyang makilala pa ang dalaga Napasarap sila ng kwentuhan habang nagkakape sila. Panay pa nga higop nya sa kape nakapasarap naman kasi magtimpla, Napamura pa sya ng bigla syang tumayo ay nakaramdam sya ng hilo, sapo nya ang ulo at sinabunutan ang buhok nya dahil kumikirot ito. "Oh s**t" irita nya At tumayo nalang sya para magtungo sa banyo para magbabad sa bathtub ng maligamgam na tubig para maibsan ang pananakit ng ulo nya. "Hey wazzup bro? you're so lutang? anyari bakit ganyan ang hitsura mo? sunod sunod na tanong sa kanya ni David Katatapos lang kasi ng conference meeting nila.pero Hindi naman sya doon nakafocus ukopado ng dalaga ang isip nya kagabi pa. Frustrated na sinabunutan nya ang buhok saka ginulo "Ay hala nabuang na ang loko! nagtatakang sambit ni David "Bro okay ka lang? baka kelangan mo na magpa tingin sa psychiatrist sabhin mo lang magpaptawag ako ng ambulance! Bryan tumawag ka nga ng Ambulance! utos naman ni David kay Bryan pero saglit lang ay may tumama ng libro sa mukha nya "What the heck bro? ouch! ang sakit non ah!" reklamo nya sabay haplos sa mukha nyang natamaan ng librong binato sa kanya ni Jerick "Napaka brutal mo talaga,iba na talaga ang tumatanda nagiging masungit na! patuloy pa ni David "Titigil ka o gusto mong lumipad dyan sa bintana mula sa ika 36 palapag? inis nyang banta kay David "Buti pa mag bar nalang tayo para lumamig ang mga ulo nyo kulang lang yan sa alak! aya naman sa kanila ni Bryan "Buti pa nga, ang tagal na ng huli natin nakainum ng alak .mga ilang oras din yun! sabat naman ni David "Kagabi ka lang nakainum ah,! Para sayo matagal na yun? kunot noong tanong ni Jerick kay David "Oo ilang oras din yun eh! sabay tawa "Siraulo"wala naman pakialam si Bryan sa kanilang dalawa na nagbabangayan busy ito sa kanyang mobile. "Hey ano yan!? chiks naman? tanong ni David sabay hablot sa cellphone nito at tiningnan kung ano ang pinagkaka abalahan ni Bryan sabay bato pabalik sa kanya ng makita kung ano iyon ponapanood ni Bryan. Tatawa tawa naman si Bryan sa inasta ng pinsan "Isip bata hanggang ngayon iyan parin ang pinapanood mo? natatawang wika ni David nanonood kasi ito ng cartoons na Tom and Jerry. "Parang bumabalik ako sa pagkabata eh! kapag pinapanood ko ito! ang ganda nga eh! lagi silang nagbabangayan! parang kayo lang ni kuya! humalakhak naman sina David at Jerick sa sinabi ni Bryan. tama nga naman ito lagi kasi silang nagbabangayan dalawa parang aso't pusa lang. Pikon naman kasi minsan si Jerick at si david naman ay lalo pang aasarin ang isa kaya ang ending hayun aso't pusa. Pero kahit na ganon sila ay maasahan naman nila ang isa't isa sa oras ng panganib at sa oras ng tungkulin. Kapatid na ang turingan nilang lahat Nakarating sila sa Restobar na panay ang asaran nilang tatlo sa sasakyan habang bumabiyahe. "Good evening sir! bati sa kanila ng waitress na todo ngiti ng matamis "You are the good in the evening beautiful lady. sabay pindot at pisil sa baba ng babae at saka kumindat si David dito Habang ang babae naman ay mas lalong lumawak ang ngiti na hindi mapuknat sa labi Pumuwesto na sila sa pinakadulo ng table na wala masyadong tao. Doon ang paborito nilang puwesto bukod sa tahimik doon ay wala masyadong tao Paborito din nila ang Restobar na ito bukod kasi sa napaka convenient ay masasarap pa ang mga pulutan at free pa. Palingon lingon si Jerick nang may mamataan syang pamilyar na pigura hindi sya nagkakamali ang babae ang nakita nya na hindi nagpatulog sa kanya buong magdamag noong nakaraang gabi. Nakita nyang pumasok ito sa VIP ROOM kasunod ang dalawang lalaking medyo may edad na rin ang base sa pustura nila ay parang mga business man ayon sa suot nilang business suit. Hindi nya maiwasan mainis sa nakita "Sh*t" mura nya "Hey bro what are you looking at? tanong sa kanya ni David "Nothing, lets drink para makauwi na tayo at makapagpahinga what a tired day today. sabay tungga sa bote ng beer hindi nya tinigilan hanggat hindi nauubos ang laman ng bote "Hey bro relax. hindi ka mauubusan marami pa naman siguro silang tinda na alak dito ano kaya hindi ka mauubusan! awat sa kanya ni Bryan Naging tahimik sya simula pa kanina nawalan tuloy sya ng gana uminum kaya sa inis ay tumayo sya at nagtungo sa VIP ROOM kung saan nya nakitang pumasok si Ariane at ang dalawa nitong kasama. Bigla nyang itinulak ang pinto nagulat naman ang mga tao sa loob napatayo tuloy si Ariane at Kevin sa gulat at nagtataka. Bigla naman syang nakaramdam ng hiya dahil sa ginawa '"Ah I'm sorry I open the wrong door! palusot nya para maibsan ang hiyang nadarama at walang lingon tumalikod hindi na rin sya nakapagpaalam pa ng maayos basta ang alam lang nya ay malayo na sobrang nakakahiya ang ginawa nya binatukan nya ang sarili sa sobrang inis tamang hinala ka talaga eh no?! "F*ck! paulit ulit nyang mura "Saan ka galing bigla ka nalang nawala ah! muntik na kami tumawag ng pulis para ipahanap ka baka kasi naliligaw ka ng landas at iba ang napasukan mong silid! pang aasar sa kanya ni David na natatawa. may alam kaya ito? "Wala, dyan lang! pagkakaila nya "Tara na nga uwi na tayo! aya nya nalang sa mga ito para hindi na sya usisahin pa Sumang ayon naman ang dalawa na umuwi na ng maubos nilang lahat ng beer na inorder nila at nagkanya kanya na silang uwi dahil iba iba ang uuwian nila kaya hindi na sila sabay na umuwi. Gusto nya tuloy lumubog nalang dahil sa sobrang kahihiyan nya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD