My Hunk Prince (matured content)
Chapter 1
"Ariane ano sama ka mamaya sa amin
ah? wika ni Jane kaibigan nya at
kasamahan nya sa trabaho sa hotel and
restaurant sa bansang Austrilia OFW
sila nakilala nya si Jane sa agency na
pinag applyan nila at naging
magkaibigan nga sila
"Hoy Ariane nakikinig kaba?
"hah? ano nga ba yun?
"tsk" napatampal sa sariling noo si Jane
"Sabi ko sama ka sa min mamaya"
"hay nako lutang ka na naman! nako
!nako! huwag mong isipin yun mahal ka
nun"sermon ni Jane sa kanya
"pinagsasabi mo? tanong ni Ariane na
nakakunot ng noo
"eh sino pa si edi"
"sinung edi?
"eh di sya" sabay halakhak ni Jane at
napatawa na rin sya kahit kelan talaga
kalog talaga ang best friend nya isa ito
sa nagustuhan nya sa kaibigan
masayahin ito at napakakwela
"Basta sama ka sa amin mamaya mag
bar naman tayo, total wala naman
tayong pasok bukas,
kasama sina Alice at Betty Para naman
makahanap na ako ng jojowain ko malay
mo may matisud sa beauty ko na afam
"buti pa sina Alice at Betty may
inspirasyon! mahabang pahayag ni Jane
"Alam mo bess malapit na ko maiwanan
ng kalendaryo pero heto ako nganga"
patuloy nya habang nakanguso
"Bata ka pa bess hindi pa naman siguro
magsasara yang perlas ng silangan mo "
"Hintayin ko pa ba magsara ang perlas
ng silangan ko bago ako kumilos na
humanap na ng magbubukas sa pintuan
kong malapit ng magsara baka
mahirapan na syang pagbuksan ang
panauhin nyan pag hindi pako kumilos ngayon"
"hindi naman siguro magsasara bess
saka kung magsara man eh di kumatok
para makapasok sa pinto"
wika naman ni Ariane sabay humalakhak
ng pagkalakas lakas napuno tuloy ng
tawanan ang kanilang silid na inuukupa
"Tatanda na yata ako at mamamatay na
virg*n bess " ay hind ako makakapayag
kelangan sa lalong madaling panahon
makahanap nako ng susi para sa
pintuan ko na malapit na magsara" at
nagtawanan na naman sila iba din ang
kaibigan nya napakakalog pagdating sa
kalokohan
Sa lahat ng kaibigan ay ito lang malakas
mantrip sa kanya ibang klase din ang
kapilyuhan.
"Bess darating pa kaya ang prince
charming ko? kung darating man aba
sana manlang ay bilis bilisan na nya
Nasaan naba si Kupido bakit antagal
naman nya Hanggang ngayon parin ba
natutulog parin o baka naman sa tinagal
tagal ng panahon namamana ang mag
kapareha eh naputol na ang pana nya!
mahabang maktol ng kaibigan
"Alam ko ikaw kaya ka hindi nagkaka
boyfriend eh, Puro ka kasi kalokohan!
"Ay grabe naman yan bess hindi ba
pwedeng kaya hindi pa ako
nagkakakowa eh hindi pa Pinanganak
ang para sa akin"
"Baliw Kung hindi pa ipinanganak ang
para sayo ay malamang sa alamang
uugod ugod kana kapag ipinanganak yun
"Hala sya bess thirty one ko na ngayon
tapos pag ipinanganak na yung para sa
akin maghihintay pa ako ng another
sabihin na nating kahit twenty years lang
ay putek oo nga pala uugod ugod na
pala ako nun kapag! napatampal sya
sa sariling noo dahil sa sinabi
"See? pang uuyam ni Ariane
"Natatakot na talaga ako bess paano
nalang pala kung ganun nga! na hindi pa
ipinanganak ang para sa kin talaga"!
"Jusmiyo naman Jane bata mo pa Kaya
mo pa naman sigurong mag helicopter
kapag nasa edad fourty kana"
pang aasar naman ni Ariane
" Wow bess bestfriend ba talaga kita ha?
Ariana Ledesma?
"Bakit mo pa kasi pinoproblema ang mga
jowa jowa na yan wala naman
mangyayari sa buhay mo kapag may
jowa ka ah! ayaw mo na ba ang single?
ang sarap kaya ang single baka akala
mo!
"Wow ang galing Siguro nagkajowa ka
noon at niloko ka kaya magsa hanggang
ngayon ay hindi kana nagkakowa dahil
takot kana! aba! aba! meron ba akong
hindi ko nalalaman Ariane Ledesma?
hmmm? naningkit ang mga mata ni
Jane na nakatitig sa kaibigan
" Umamin ka Ariane ngayon din!
may diin itong saad
"Wala akong aaminin dahil wala naman
akong naging jowa eversince!
member kaya ako ng NBSB!
"Ay oo nga pala v*rg*n ka pa pala hihihi"
"Sige na bess sama ka mamaya sakin
punta tayo sa Bar kahit saglit lang eh,
marelax naman mga utak natin ng hindi
nalang puro trabaho inaatupag.
Landi landi din pag may time babae!
"Hanap tayo ka one night stand at dun
man lang maranasan natin maging isang
tunay na babae char! sabay nagpeace
sign ang kaibigan
"Nako nakalimutan mo na ba ang
sinumpaan natin na no s*x! no marriage!
paalala naman ni Ariane kay Jane
natutop naman ni Jane ang sarilng
bibig sabay tampal ng noo
"Oo nga pala kahit ganito na ang edad
ko ay gusto ko rin naman maiharap sa
altar na malinis!
"See? puro ka kasi landi.! landi pa more!
sermon nya kay Jane
iyong kasi ang usapan nilang
magkaibigan na hanggat hindi pa sila
pinapakasalan ng lalaking una nilang
iibigin ay hindi nila isusuko ang bataan
kelangan ay pakasalan muna sila bago
nila ibigay ang p********e. Dun nila
malalaman kung mahal talaga sila. Dun
din nila malalaman na hindi lang
katawan nila ang habol ng mga lalaki
oo makaluma na ang ganyang tradisyon
sinaunang panahon pa ang pamahiin
na kelangan malinis ang babaeng
ihaharap sa altar. At mahal talaga sila
ay rerespetohin ng lalaki ang desisyon
nila. Yun ang napagkasunduan nilang
magkaibigan. Makaluma man pero Dito
nila masusukat ang tatag ng mga lalaki
kung hanggang ang pasensya at pag
titiis nila! Para naman yun din ang
ipagmamalaki nila sa kanilang mga anak
at maituturo na din pagdating ng
panahon.Wala naman sigurong masama
sa kondisyon at pagpapahalaga ng
pagiging dalagang pilipina. the most
important is Trust, Respect, and Love,
Yun ang motto nilang magkaibigan.
Hindi naman siguro mabubulok ang
matres nila kapag nakita na nila ang
lalaking para sa kanila talaga
magkakaroon pa naman siguro sila ng
mga anak kahit may edad na sila hindi
pa naman siguro huli ang lahat para
sa kanila ni Jane meron naman suguro
ng darating ng para sa kanila pero
nagtatago lang sa saya ng nanay nila.
o di kaya'y natraffic lang kaya mag wait
wait muna sila ng kaibigan darating din
siguro pero hindi sa ngayon dahil busy
pa Siguro.