Chapter 2
napaisip tuloy sya... oo nga ano 30yrs
old na sya pero wala pa syang boyfriend
myembro yata sya ng NBSB o samahan
ng mga NO BOYFRIEND SINCE BIRTH
May manliligaw naman sya kaso hindi
nya type kaya binabasted nya ang mga
ito pano naman kasi kung hindi lasinggo
sugarol at babaero! huh dibale nang
tatandang dalaga kesa maging kalbaryo
ang buhay ko ..aba mataas yata ang
pangarap nya no, libre naman kasi
mangarap basta magsumikap at may
tyaga hindi nya maatim na sa ganong
klaseng mga lalaki lang sya babagsak
mataas kasi ang pangarap nya kaya
magsumikap sya makapagtapos ng pag
aaral at makapagtrabaho ng maayus
malaki ang pangarap nya sa kanyang
mga magulang gusto nyang masuklian
ang paghihirap ng kanyang mga
magulang na maitaguyod ang kanilang
pag aaral na mgkapatid dalawa lang
silang magkapatid ang ate nya nakapag
tapos ng kursong nursing samatalang
sya ay nakapagtapos ng kursong hotel
ang restaurant management..at sa
bansang Austrilia ang napili nyang
pagtrabahuan...
sa limang taon syang nagtatrabaho sa
abroad masasabi mong marami na rin
syang narating nakapag ipon na rin sya
nakapagpatayo ng malaking bahay at
meron na rin syang naipundar na
negosyo at bukirin na sinasaka ng mga
kamag anak nya!
maraming nagtataka at nagtatanong
kung bakit hind nalang nya pamahalaan
ang kanyan negosyo kung tutuusin ay
buhay reyna na sya pero ang hindi alam
ng iva ay meron syang importanteng
inaasikaso sa Australia..
walang nakakaalam sa kahit na sino
sa mga katrabaho nya ang tunay na
stado nya sa buhay nananatiling lihim
iyon dahil para sa kanya ay pantay
pantay ang tingin nya sa lahat..
Walang pasok si Ariane ng araw na yon
at pabor sa kanya dahil may importante
syang lakad makikipagkita sya sa isang
investor sa isang restobar ang
napagkasunduan nilang doon sila
magkita! well sa tagal nya sa larangan
ng business world masasabi mong
batido na nya makipagtransaksyon
sa mga investor nya marami na rin syang napatunayan sa husay at galing
nyang makipag usap sa ibat ibang
negosyante at pinakamayaman sa
mundo ay masasabi mong malayo na
nga ang narating nya! natigil ang
pagmuni muni ni Ariane ng may biglang
pumasok na tatlong adones ay este
lalaki pero sa hinuha nya ay walang
itulak kabigin sa mga ito napaguwapo
at napamacho ang mga nilalang na ito
! sa isip ni Ariane napakunot noo sya waring nagtataka! at nagtatanong ang
mga mata neto na nakatitig sa mga
binata sa harapan nya mukhang nakuha
naman ng mga ito kung ano ang ibig
sabihin ni Ariane kahit hindi magsalita
natigil lang sya sa ganoong pag iisip
ng magsalita ang isa sa kanila ang
lalaki na naka navy blue na longsleeve
"Done checking me lady"? tanong neto na
nakangisi dahilan upang lumabas ang
mappuputi at pantay pantay nitong
ngipin
hindi parin sya makapagsalita at kunot
noo nyang tinitigan ang lalaki mukhang
nakuha naman ng binata ang nasa isip
nya
"There's no available vip room for the
three of us! I see you here, alone if you
dont mind can we share? can we join here with you?
patuloy pa nito habang nakangiti
"Yeah! sure! you can join me here" sagot naman ng dalaga
"have a seat" alok nya sa maga ito
habang nakangiti na agad naman
tumalima ang tatlo para umupo
"Thanks" panabay na saad ng tatlo
"No problem" sagot ni Ariane
pinagmasdan nya ang binata na unang
nagsalita kanina tinitigan nya guwapo ito
matangkad masculine malalantik na
pilikmata at makapal na kilay na
bumagay talaga sa mata nitong animoy
nang aakit at nangungusap matangos
ang ilong at maninipis na mga labi kay
pupula tila kay sarap halikan
nakakapaglaway at mahahalata rin dito
na alaga sa gym dahil malapad na
dibdib nito at mamasel na braso..
Hindi mawala wala ang ngiti ni Ariane
sa kanyang labi.
Namimiss na nya ang nanay nya
ito ang kumupkop sa kanya simula
ng mamatay ang kanyang magulang
itinuring na rin nyang pamilya ang mga
ito. Dati itong katiwala nila sa mansyon
noong pinatay ang kanyang mga
magulang habang nasa filled trip sya
pinasok ng mga di kilalang tao ang
bahay nila at walanag awang pinatay
lahat ng mga kasama nila sa bahay
ay hindi pinatawad inubos silang lahat
maliban lang sa itinuring nyang ina si
Nanay Amanda nakapagtago pala ito
sa loob ng aparador sa kanyang silid
ng may marinig kasing putok ng baril
ay sumilip ang matanda sa bintana at
doon nya nakita ang mga armadong
kalalakihan at may dalang mga baril
agad syang nagtungo sa kanyang silid
upang magkubli. ang buong akala ng
mga armadong kalalakihan ay walang
nakaligtas isa man sa kanila. Dahil sa
trahedya na nadatnan noon ni Ariane ay
hindi nya matanggap nagwawala sya
at gusto na rin nyang sumunod sa mga
magulang kaya nagtangka syang mag
patiwakal nagpasagasa sya sa bus. at
nang magising sya ay wala na syang
maalala hindi na nya alam kung ano
ang pangalan nya. Mabuti nalang at
buhay pa pala si nanay Amanda na
syang kumupkop sa kanya at inuwi sya
sa probinsya ni nanay Amanda nya
Namuhay sya bilang ordinaryong tao
doon walang nakakaalm ang tunay na
estado ng buhay nya maliban lang kay
nanay Amanda. inilihim nila ito sa lahat
Kaya sa pagtanaw ng utang na loob nya
ay nagsumikap sya at pinagbuti ang
pag aaral yun lang kasi ang tanging
maigaganti nya sa taong nag aruga sa
kanya. napamahal na rin sya sa mga
ito ngunit isa na namang dagok ng
buhay nya ang haharapin nya nagkasakit
at tatay Leo nya at hindi na ito
naipagamot sa hospital dahil wala sila
pera pang pahospital Nagka
kumplikasyon sa baga ang dahilan ng
ikinamatay nang itinuring nyang tatay
Ngunit hindi pa pala angtatapos ang
kalbaryo nya napag alaman din na may
ovarian cancer ang nanay nya. Iyak sya
ng iyak noong nalaman nya. ano bang
kamalasan ang dumating sa buhay nya
bakit lahat na yata ng mahal nya sa
buhay ay binabawi sa kanya.napabuga
sya ng hangin. Kelan lang bumalik ang
alaala nya. at bumalik lahat ng sakit
sa kanyang puso. simula sa pagkamatay
ng mga magulang nya hanggang sa
pagkawala din ng itinuring nyang
pangawalang pamilya ay nawala na rin.
nagpahid sya ng luha at tahimik nalang
syang ipinagdarasal ang mga mahal
nya sa buhay.