Split

1008 Words
Chapter 23 Binulabog ng ingay ng telepono ang mahimbing na pagtulog Jerick si .Pupunas punas ito ng kanyang mga mata, Tamad na dimampot ang aparato at walang kabuhay buhay nya itong sinagot. "low? sagot nya sa kabilang linya "What the heck bro! pambihira ka! anong oras na? sasabog na si haring araw, tulog mantika ka parin! bulyaw ni david sa kabilang linya, Nailayo pa nya sa tenga ang telepono dahil sa pagsigaw ng pinsan sa kabilang linya, "Alam mo bagay mong maging manok sa lakas ng palahaw mo at putak halos mabulabog mo na ang buong Australia! inis namang sita sa kanyang pinsan na daig ang naglilihing manok na naghahanap ng mangga sa madaling araw dahil sa lakas ng putak. "Anong oras na mahal na prinsepe? May conference meeting pa ngayon At kung hindi ka pa bumangon dyan ay malaking investor ang mawawala! sermon sa kanya ni David Sa narinig ay bumalikwas sya ng bangon muntik pa sya masubsob dahil sa pagkataranta nya.Naalala nya pala malaking investor ang nakausap nya ng nagdaang araw. Nasulyapan nya ang orasan alas diyes na pala ng umaga Alauna na kasi syang natulog dahil may tinapos pa syang project at bagong design ng Sports car na siguradong malaki na naman ang maipapasok nyon na pera.Pagkatapos makapagbihis ay nagmamadali na syang bumaba ng hagdan. Pero sa kamamadali ay natapilok sya imbis na padapa ang bagsak nya ay napasplit sya,Dahil sa sobrang dulas ng tiles kaya napasplit sya ng wala sa oras. Napasigaw pa sya ng tangkain nyang tumayo ngunit masakit talaga ang balakang nya "aaahhh,,, f*ck! f*ck! paulit ulit nyang mura. Pinilit nya parin makatayo baka may makakita pa sa kanya na ganoon qng ayos nya nakakahiya. baka pagtawanan pa sya. Isa pang subok na tumayo sya ay sa wakas nakatayo na rin sya. Paika ika itong naglakad ngunit napapangiwi nalang sya dahil sa sobrang sakit ng balakang nya at sa magkabilaang singit dahil sa pagkaka split nya. Mabuti nalang ay hindi nabasag ang dalawang inaalagaang itlog nya. Hindi pa nga nya nakikita ang magiging anak nya tapos mababasag lang.Paika ikang naglakad pababa ng hagdan bawat hakbang nya ay sampong mura at daing naman ang lumalabas sa bibig nya. Panay parin ang mura nya hanggang makarating sa baba. Hirap parin syang naglakad patungo sa kotse nya Wala pa naman ang personal driver bodyguard nya. Umuwi kasi ito sa pilipinas dahil namatay ang ama nito Pati pagpasok nya ng kotse ay hirap din napapangiwi pa sya habang pinipilit makapasok sa loob ng kotse nya. "Sh*t mura nya ulit Nang makarating na sya sa company ay hirap na hirap parin syang humakbang lalo na ang pagbaba ng kotse. Agad syang sinalubong ng guard nang makita syang mahihirapan "Good morning Sir do you need help? I'll help you Sir .sabi ng guard saka inakay sya pababa ng kotse hanggang elevator. ang guard na rin ang pumindot sa floor office nya. pagbukas ng pinto ng elevator ay inalalayan parin sya ng guard at pinagbuksan din sya ng pinto sa opisina nya. Gulat naman ang sekretarya nya sa kalagayan nya na paika ikang naglalakad "Good morning Sir! what happened to you? are you okay Sir? sunod sunod na tanong ni maureen sa amo "As you see I'm not! "Nirayuma naba kayo Sir? Matanda na talaga kayo tapos choosy nyo pa dahil ayaw mo ko ligawan! "What the!!!! nakita mo na ngang ganito kalagayan ko eh. Hindi pa ako matanda for your information" angal nya Nagpasalamat sya sa guard ng maihatid sya . Sakto naman pumasok ang pinsan nya "Hey, hey, bro what's up? bakit ganyan hitsura mo para kang nar*pe ng limang pusa?pang uuyam na turan ni David sa kanya "Siraulo! Muntik lang naman akong nahulog sa hagdan damuho ka! asar nyang turan " Muntik ka lang nahulog sambakol na mukha mo! "Sa kamalas malasan ko mas gugustuhin ko nalang masubsob eh kesa mag split" daing nya sa narinig ni David ay bumunghalit ito ng tawa halos lumubo pa ang sipon sa sobrang tawa "Masakit yung magkabilang singit ko bro! Daing nyang saad habang ngumingiwi "Hay*p napasplit ka talaga hindi ko kaya yun bro" turan nya habang tumatawa parin maluha luha pa sa kakatawa "Magpadala ba ako ng wheel chair bro? "Anhin ko wheel chair? "Baka hindi ka makalakad conference na mamaya! sabi ni David "Ewan ko sayo puro ka kalokohan! asik nya "Nako Sir David sabihin mo tumatanda na yan. pero choosy parin ayaw nya ako ligawan" sabat naman ni Maureen humagalpak ulit ng tawa si David sa sinabi ni Maureen "Nirarayuma lang yan Sir kaya ganyan hitsura"dagdag pa ni Maureen Naiiling nalang si Jerick sa kalokohan ng dalawa "Kalabaw lang tumatanda huwag nyo ko pagtrioan baka maauplak ko pa kayo ng wala sa oras" inis nyang saad "Sir ano na galaw galaw baka mastroke hanggang kaya pa kumayod ligawan mo na ako" pangungulit ni Maureen "huwag mo kong umpisahan Maureen "Inaano ba kita Sir binibigyan na kita ng option ah tapos aayaw ayaw ka bahala ka sir! kaw din forty kana! hindi mo na makikita magiging apo mo uugod ugod ka na pag nagkataon hindi mo na maalagaan sila" pananakot pa ni Maureen "Napakasiba mo lumba lumba katawan mo! Baka maubusan ng paninda mga grocery store sa buong mundo pa ikaw napangasawa ko! "Ayna wow Sir napaka bulgar mo naman sexy kaya ako, This is the next generation ang mga ganitong katawan ay ito na ang pinakasexy sa ngayon! "Wala naman problema sa hugis ng katawan mo Maureen kaya lang pati kumpare ko hindi kinikilig" "hala sya grabe naman ang kumpare mo choosy din" habang si David naman ay kanina pa tawa ng tawa. "Baka mamaya mautot ka dyan bro ah kanina ka pa kasi tumatawa dyan. saway nya sa pinsan "Halos nga lumubo ang sipon nyan kanina Sir nung nalamang umisplit ka" Wala na silang ginawa kundi magkulitan at mag asaran sa loob ng opisina puno tuloy ng halakhakan. Ang mga mokong hindi talaga sya tinigilan panay ang tukso sa kanya ang sarap lang nilang igapos ang magkabilaan nilang mga binti para maranasan din nilang umisplit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD