Asha Nang makalapit ako sa kanya ay agad na nakita ko ang nang-aasar niyang tingin sabay hinawakan ako sa aking kamay. “Let’s eat?” Tumango ako at nagpahila sa kanya na pumunta sa isang resto. Nang matapos kaming kumain ay naisipan naming tumambay lang sa parke at umupo sa may mga bench na nandoon. Nanatili kaming tahimik habang nakatingin sa mga tao sa buong paligid. May mga iba na tulad namin ay walang mapuntahan at tumatambay lang. Iyong iba naman ay kasama nila ang kanilang pamilya at sinusuway nila iyong mga nagtatakbuhang mga anak nila. Kailan ba iyong huling pagkakataon noon na umupo lang ako sa isang tabi at walang iniisip na problema? Napangiti ako lalo dahil kung dati ay mag-isa lang ako ay ngayon naman ay kasama ko na si Night. “I don’t want to go back, Asha.” Napatingin

