Asha Warning SPG Nang makarating kami sa nasabing condo ni Night ay pansin ko ang pagmamadali niya na para bang may hinahabol siya. Naisip ko tuloy na marahil ay inaantok siya o kaya ay gusto niyang magbanyo na aking ikinangiti. Nang makalabas kami sa elevator ay mabilis na sinusihan ni Night ang kanyang pinto at hinila ako papasok sa loob. Hindi pa lang ako tuluyang nakapapasok sa mismong condo niya ay narinig kong ibinagsak niya sa sahig ang aking bag. Magrereklamo na sana ako pero hindi natuloy iyon dahil agad niya akong sinugod ng halik sa aking mga labi. Impit akong napaungol dahil ang bawat halik niya ay parang nagmamadali at parang uhaw. Naramdaman ko na lang na sumandal ang aking pwetan sa may gilid ng mesa habang patuloy pa rin siya sa paghalik sa akin. Nagulat ako nang bigla

