Asha Nagpapasalamat ako na sa wakas ay naging maluwag na sa loob ng aking ina ang pagtanggap niya sa kanina Night at Dark. Ito ang isa sa dahilan kung bakit ayaw ko noon sabihin sa kanya ang tungkol sa kanila dahil kahit open minded ang aming ina ay mapamahiin siya. Hindi ko alam kung dapat ko bang ipagpasalamat ang nangyari sa akin o hindi dahil kung hindi ako na-hospital ay marahil ay hindi niya kami papayagan ni Tasha sa aming naging desisyon. Ilang araw na rin naman ang lumipas at tuluyan na akong nakalabas ng hospital. Sa pagkakataong ito ay sinabi na sa akin ng doctor na mag-iingat na akong mabuti dahil sa susunod na may mangyaring masama sa akin ay maaari itong ikapahamak ng aking anak. Kaya naman nang malaman ito ni Night ay halos hindi na niya ako palakarin at mas dumoble pa ang

