Asha Makalipas ang tatlong buwan na paghahanda para sa aming kasal ni Night ay dumating na sa wakas ang araw ng pinakahihintay naming araw. Katulad ng pamahiin na pinaniniwalaan ng aking ina ay isang araw bago ang aming kasal ay hindi na kami nagkita ni Night at dito na kami sa isang hotel natulog hanggang sa kaarawan ng aking kasal. Sa nakalipas na tatlong buwan ay mapapansin na rin ang umbok ng aking tyan pero hindi pa naman ito gano’n kalaki. Maaga akong nagising dahil hanggang ngayon ay inaatake pa rin ako ng aking morning sickness at nagpapasalamat ako na hindi na gaano ang aking pagsusuka. Habang naghihilamos ako ay sakto namang pumasok si Tasha sa loob ng banyo na inaantok pa lang. Napaikot na lang ako ng aking mga mata dahil sinabihan na nga namin siya ni Mama na huwag nang sasam

