As usual, maaga na naman kaming nagising at maaga din kaming pumunta sa kusina para makapag-preapare ng masarap na breakfast para sa guests. Naglalakad pa lang kami papunta roon nang may tumawag kay Silver. Sabay kami na lumingon at napataas ang aking kilay nang makita si Angela na papalapit sa amin. Mukhang gusto niya talaga ang baby boy ko at mukhang inabangan niya pa kami para lang makita ito. Narinig ko ang malakas na pagbuntong hininga ni Silver kaya hinawakan ko ang braso niya at pinisil ito, just to give him a little comfort. Binati kami ng dalaga nang makalapit siya sa amin at niyaya nito si Silver na magkape. Syempre tumanggi siya dahil may gagawin pa kami at hindi na naman ito nagustuhan ni Angela. Bakit ba ang hirap maka-gets ng batang ‘toh na ayaw sa kanya ng baby boy ko? Hindi

