“Wow! Saan mo nahanap ang lugar na ‘toh, Silver? Ang ganda dito,” tuwa kong sabi sa kanya nang pumasok na kami sa isang maliit na log cabin na nirentahan namin. Makikita mo agad ang queen size bed na nasa sulok , may mini kitchen at sala na naroon. Buti na lang nag-grocery kami sandali para makapagluto kami ng pagkain namin dito. May porch pa ito sa labas na may swing kung saan pwede kang mag-relax dahil napapaligiran ang cabin ng malalaking puno at refreshing pa ang green na green na dahon ng mga ito at sariwang hangin. It’s like a honeymoon kaya kinikilig ako ngayon. Hindi man maganda ang kinahantungan ng pagke-cater namin sa even dahil sa isang spoiled brat na dalaga, napunta pa kami rito. I think it’s an advantage for us, we have a few extra days, bago matapos ang semestrial break.

