"Parang awa muna Ethan. Huwag na... pabayaan na natin." Pagmamakaawa ko. Ako'y naluluha na. Natakot si Ethan sa aking inaakto. Malutong nanaman itong nagmura at binalingan ang susi ng kaniyang sasakyan. Agad binuksan ni Ethan ang sasakyan. Ayaw niyang magtapos sa ganito. Nais niyang makaganti, nais niyang makipag-away doon. Binuksan niya ang bintana at tinignan ang bading na may hawak ng paper bag. Alam kong matitigilan din siya ngunit huwag ngayon. "S-Sir... here's your order." Abot nito sa tatlong paper bag. Nakita ko kung paano nainis ang bading dahil sa pagtigil namin at pagpapalala ng trapiko sa drive-thru ngunit nawala ang lahat nang makita kong sino ang nagmamaneho ng sasakyan. Hindi nito pinansin ang bading at umalis na. Mabilis ang kaniyang pagpapatakbo maging ang 'red light' a

