C L A I R E Nang kami ay matapos na sa aming pananghalian ay nanatili muna kami sa salas at nanood ng telebisyon. Hindi ako mahilig sa mga ingles na mga palabas ngunit gustong-gusto ko naman ang panonood ng cartoon network o kaya'y disney channel. Wala nagawa si Ethan, hindi rin napunta sa kama ang nangyari kanina. Hindi siya nagsalita pa matapos akong sumagot na pabulong malamang ay hindi niya talaga iyon narinig. Ako'y nakaupo at siya'y nakahiga sa aking binti habang natatawang pinapanood si Candice na nais bistuhin ang kaniyang mga kapatid. "Claire! This is so gay." Pangsampu niyang reklamo. "Hindi ako nasisiyahan sa WWE Ethan... nagsasakitan sila." Tanging kasagutan ko. "They're cool baby. They are pain in the ass but they are cool. " Argumento niya. "Wala kang matututunan sa gani

