C L A I R E Ako'y nagising sa aking silid. Maaga pa naman kaya agad akong naligo at nagbihis upang tignan si Ethan kung siya'y gising na ba. Ako'y nabigla dahil bumungad siya sa akin sa aking kwarto. Seryoso itong nakatingin sa akin. Ako'y natakot kay Ethan dahil alam kong siya ay galit sa akin. Nasayang ang kaniyang ginawang paghahanda kahapon sa kadahilanang ako'y galit din sa kaniya. Nagkatinginan kaming dalawa at hindi rin ako mapakali sa kaniyang paninitig. "E-Ethan..." Takot kong sabi. Nagkuyom ang kaniyang kamao. "How was your fxcking date?" "Ethan... m-magpapaliwanag ako." Aking sabi. Ngumisi siya at kumalma ang kaniyang mukha. "No Claire. No need! I don't care. You're just a maid... a maid." Agad siyang tumalikod sa akin at umalis. Ako'y isang katulong lamang, walang karapat

