C L A I R E Si Ethan ay hindi umuwi. Sa aking pagtulog ay hindi ako nagising dahil sa nakarinig ako ng mga boses sa kabilang silid. Lumabas ako sa aking silid na walang tao. Nakaligo narin ako at sinuot ang aking uniporme. Nais kong sanayin ang aking sarili na ako'y isang katulong dito. Hindi ako ang may-ari, wala kaming ugnayan ng aking amo. Iyon dapat ang aking itatatak sa aking sistema. Umaasa ako na uuwi si Ethan upang magpalit man lang, wala akong pasok dahil walang naka iskedyul sa aking Miyerkules at Sabado. Kaya ko siyang hintayin nandito lamang ako bilang katulong niya. Nasa gitna ako ng aking paglilinis ay nakarinig ako ng door bell. Bakit naman mag-do-doorbell si Ethan? Bahay niya ito, at isa pa hindi siya ganoon. Agad kong binitawan ang paglilinis at dumiretso ang takbo sa pi

