LEONA Tatlong linggo na ang nakalipas mula nang bitayin si Damion. Hangang ngayon hindi ko pa rin matangap na wala na siya. Paulit-ulit ko pa ring napapanaginipan ang masakit na sandaling yun. Hindi ko alam kung anong nangyari sa kanyang katawan. Ngunit ang sabi ni Anita ay hindi daw ito binigyan ng maayos na libing. Katulad ng mga kriminal na basta na lamang itinatapon sa kung saan o di kaya ipinapalapa sa mga mababangis na hayop sa gubat. Sa tuwing naiisip ko ang bagay na yun lalong nadudurog ang puso ko. Nang dahil sa pagmamahalan naming dalawa nagtapos ang kanyang buhay. Kung hindi namin pinili ang isa’t-isa. Kung hinayaan ko siyang umalis. Hindi sana mangyayari ito, hindi sana siya namatay. At hindi sana ako nagdurusa ng ganito nang dahil sa kanyang pagkawala. Ngunit huli na upang m

