LEONA “Damion!” Napabalikwas ako ng bangon dahil sa masamang panaginip. Nilibot ko ang aking paningin at nasa loob na ako ng silid. Bumukas ang pintuan at bumungad sa akin si Ina. Nasa likuran niya si Anita. “A-anak ko, kumusta na ang pakiramdam mo?” Nangingilid ang luha na tanong ni Ina. “Ina…si Damion? Nasaan siya? Anong ginagawa ni ama sa kanya?” Malungkot na yumuko si Ina. Pati si Anita ay nagpupunas na rin ng luha. “Sinabi ng mangagamot na nakupirma niyang hinalay ka. Kaya mamayang ala-una ng tanghali bibitayin si Padre Damion sa plaza dahil sa ginawa niyang paglapastangan sa’yo.” Napatakip ako sa aking bibig at hindi makapaniwala sa sinabi ni Ina. Walang ampat sa pagpatak ng aking mga luha. “I-Ina…hindi niya po ako hinalay…nagmamahalan po kami ni Damion.” Humihikbing

