LEONA Bihag pa rin niya ang aking labi nang sinimulan niyang kalasin ang tali ng aking salakot. Tuluyan itong nahulog sa damuhan. Magkahalong pananabik at umaapaw na pagmamahal ito ang namamayani sa aming puso sa mga oras na ito. Sa liwanag ng malaking buwan, sa ilalim ng malaking puno na napapalibutan ng mga alitaptap ang ang aming puso at katawan ay iisa ang nararamdaman. Pagmamahal na mali man sa paningin ng karamihan ay patuloy naming ipaglalaban. Tuluyang nalaglag ang mahaba kong buhok. Humiwalay ang kanyang labi at mataman akong tinitigan. Dinala niya sa likod ng aking tenga ang ilang hibla ng aking buhok. “Wala ka bang nararamdamang pagtutol?” Umiling ako sa kanya. “Wala Damion…handa na ako…” Sinimulan niya akong halikan sa aking noo. Dampi lang yun ngunit punong-puno ng

