Present… MIA “Leona? Kaya mo ba ako dinala dito dahil akala mo ako si Leona?” Nagtatakang tanong ko sa kanya. Hangang ngayon kasi hindi niya pa rin sinasabi sa akin kung bakit niya ako dinala dito sa nakakatakot na lugar na ito. Humakbang siya papalapit sa akin kaya napa-atras ako. “Hindi mo pa rin ba ako maalala? Nakalimutan mo na ba talaga ako Leona.” Sambit niya na lalong nagpakunot ng aking noo. “Mr. Black, unang-una hindi ako si Leona. Pangalawa, hindi kita kilala. Kaya nga sinasabi ko sa’yo na ibalik mo na ako sa amin. Nagkamali ka ng kikidnapin.” Sinubukan niyang lumapit ulit kaya umisang hakbang pa ako pa-atras ngunit nawalan ako ng balanse at muntik na akong matumba kaya napapikit na lamang ako. Ngunit may isang brasong pumaikot sa beywang ko. Pagdilat ko ay mukha niya

