MIA Pagkatapos naming mananghalian ay nag-desisyon kaming maglinis. Sila Tatang Celso sa labas ng bahay at kami naman ni Mama Sabel sa loob. Kahit hindi ako sanay sa gawaing bahay kailangan kong matuto dahil hindi na katulad ng dati ang buhay. Kung dati para akong prinsesa sa bahay at walang ginagawa dahil may mga kasambahay naman kami. Ngayon ay mas pinili kong masanay sa gawaing bahay. “Mia, ako na dito sa baba. Linisin mo na lamang ang sahig sa itaas punasan mo ng basahan para kumintab ulit.” Utos ni Mama Sabel. Inabot niya sa akin ang basahan at umakyat na rin ako. Malaki ang bahay ni Lolo. May second floor ito ay may limang kuwarto. Si Mama Sabel ay natutulog sa guest room. Ako naman ay sa masters bedroom na dating tinulugan nila Mom and Dad noon. Si Lolo Tasyo naman ay may saril

