MIA Critical ang naging kondisyon ni Drey kaya kinailangan niyang mag-stay sa ICU. Habang si Alex naman ay inooperhan pa sa ngayon. Pareho silang bali ang mga buto dahil sa malakas na pagkakatama nila nang itulak sila ni Pablo. Tulala pa rin ako, habang naka-upo sa waiting area na nasa labas ng operating room. Umalis kasi si Lucy upang tawagan ang pamilya nila Drey at Alex. Si Tatang Celso naman ay umuwi. Nasa malalim akong pag-iisip nang dumating si Lucy. “Papunta na sila dito.” Nangingilid ang luhang sabi niya sa akin. “I’m sorry…hindi ko aka—” “Wala kang kasalanan Mia, ngunit ang nangyari kay Drey at Alex ay nangyari din kay Roy. Sa tingin ko tama ang naririnig kong usap-usapan ng mga ka-klase natin. Nabangit na rin sa akin ni Andeng ang tungkol doon noong nagpunta ka sa dean’

